Sukob sa Taon

59 1 0
                                    


Continue:

Pinuntahan niya ang nobya isang gabi.

"Pakasal na tayo." Sabi ni Luis, diretso, walang liguy-ligoy.

"Huwag mo akong biruin, Luis." Galit pa rin ang tono ni Wilma.

"Seryoso ako. Ayokong sa pagrerebelde mo sa akin ay mapunta ka sa lalaking hindi mo gusto."

Ganon lang kadali.
Sumunod ay ang pamamanhikan ng pamilya ni Luis sa mga magulang ni Wilma.
Nang matapos ang araw na Jyon ay naitakda ang kanilang kasal sa unang linggo ng darating na buwan.

Bagamat hindi handa sa pag-aasawa ay naging magaan ang loob ni Luis.
Mahal niya si Wilma.
Sa isang bahagi ng puso ay batid na iyon din ang lihim na hiling ng damdamin ang makasal sila.

Simple lang ang naging pag-iisang dibdib Nina Luis at Wilma bagamat lumakad sila sa simbahan. Iyon ang tanging hiling ni Wilma.
Kahit na walang handa, basta sa simbahan ito magmamartsa.
Ang handaan ay isang maliit na restoran din at ang tanging sumali ay kanilang mga magu-magulang at ang ninong nila at ninang.

Kahit labag sa loob, pumayag si Wilma na pumisan sa pamilya ni Luis.
Dahil walang kahandaan sa pag-aasawa ay walang ipon ang lalaki. Ni hindi nito kayang kumuha ng mumurahing apartment.
Paano nga ay hindi ang upa lang sa apartment ang magiging problema kung di maging ilalaman nila doon.
Ayaw naman ni Luis na ang kaunting ipon ni Wilma ang kanilang gastusin.
Anito ay para sa babae iyon sakaling magkaroon ng emergency.

A/n:
Please vote and comment :-)

Sukob Sa  TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon