Sukob sa Taon

57 0 0
                                    


Continue:

Isinugod sa ospital si Wilma pero huli na.
Namatay si Wilma.
Maging ang mga doktor ay hindi maipaliwanag kung ano ang nangyari.
Gayon na lang din ang gulat nila makuha nila ang sanggol ng buntis dahil pira-piraso iyon na parang ginutay nang matutulis na kuko.

Walang eksplanasyong makapagbigay ng lohikal na dahilan kung ano ang nangyari sa mag-inang Wilma.
Hindi makausap si Luis sa tindi ng trahedyang dumating sa buhay.
Ang dating may pokus at matatag na lalaki ay nawalan ng direksyon at niyakap ng malaking depresyon.

LUMIPAS ang mga araw.
Isang umaga ay tumawag si Jun sa mga magulang.
Isinugod taw si Greta sa ospital at manganganak na.
Sobrang ninenerbiyos si Jun kaya hiniling sa ama't ina na puntahan sila sa pagamutan.

Sumugod sa ospital si Aling Lolita.
Ano pa at talaga namang paborito nitong anak ang bunso kaya laging nakasuporta dito.

"Kumusta na si Greta?" Salubong ni Aling Lolita nang makita si Jun.

"Nasa labor room pa rin ho." Nag-aalala ang anyo ng lalaki.

"Ganyan talaga ang nanganganay." Ang sabi ni Aling Lolita.

"Natatakot kasi ako,'Nay. Baka magaya siya sa Ate Wilma. Natatakot ako."

"Bakit mo naman iisipin 'ton? Iba ang kaso ni Wilma. Iba kay Greta."

"Paano kung … 'Inay, Sukob kamo sa taon."

Natigilan si Aling Lolita.
Napatingin kay Jun.
Maghapon at magdamag nang naghihirap sa pagli-labor si Greta at tila wala pa ring kasiguruhan kung magsisilang na ang babae.

"Doktora, hirap na hirap na ang." Umiiyak na daing ni Greta.

"Tulungan mo ako."

Sa huli ay nagpasya ang obstetrician nito na i-cesarian ang babae.

Ipinaliwanag ng manggagamot kay Jun, kay Aling Lolita at sa mga magulang ni Greta na wala na siyang pagpipilian kung di ang operahan si Greta.
Anang doktora ay unti-unti nang humihina ang resistensiya ng babae dahil sa tagal nang pagli-labor nito.
Naging malaking usapan sa ospital na iyon ang panganganak ni Greta.
Walang hindi nasindak nang biyakin ang tiyan ng babae at makuha mula doon ang dalawang kamay ng isang sanggol na may matutulis na mga kuko.
Wala ng buhay ang mga kamay nang kunin ng manggagamot Nila sa tiyan pero hindi iyon ang pinakamatinding sindak na dulot ng pangyayari.

Ito ay pagka wala ng usok na hugis-babae na nakabalot sa mga putol na kamay.
Si Greta,ka tulad ni Wilma, ay namatay rin matapos manganak.
At hanggang ngayon ay malaking palaisipan kung ani ang misteryo ng pagkamatay ng maghipag na ikinasal ng Sukob sa taon.

~~~The End~~~

A/n:Vote and Comment po.

Sukob Sa  TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon