#FanboyDiaryChapter24

24 3 0
                                    


"WAHAHAHA. TALAGA GINAWA NYA YON GIRL? PANO NYA NALAMAN YON?!"





"Oo carmel. Nagulat nga ako sa kanya. Nako kung makita mo lang talaga kahapon"

Magkausap kame ni Carmel sa Phone. Ako eto nakahiga

Lagi ko tong tinatawagan kapag wala akong magawa at makausap. Minsan pag hapon o gabi lagi kaming nag uusap neto. Hindi kame nauubusan ng topic netong babae na to

Kung tinatanong nyo kung bakit hindi ako nauubusan ng load. OO Hindi talaga, kase mayaman nga ako diba? Marami akong pera panload hahaha dejoke

Ayun na nga. Balik tayo sa topic. Kinuwento ko kase yung ginawa ni EL kahapon. Remeber yung 'Girls Girls Girls' moment? Haha. Grabe ang babaw ko noh? Maliit na bagay ginawang big deal haha.

"Kesa naman sumama pako sa pag hatid sayo. Ano ka prinsesa para ihatid ng dalawang tao ? Haha" sabi nya

"Oo diba? Prinsesa naman talaga ako? Haha" biro ko

"Diba hinatid ka ni EL? Bakit daw? Anong nakain non?" Tanong nya

Oo nga. Ano nga kaseng meron? Alam nyo bang kahapon ko pa talaga iniisip yon. Haha. Kahit ako hindi ko din alam yung dahilan kung bakit

"Ako pa talaga tinanong mo? Aba hindi ko din alam haha. Pabayaan mo sya" sabi ko

"Sus, ang arte neto Hahaha. Hinatid ka hanggang bahay nyo?" Tanong ni Carmel

"Nae" tipid kong sagot
(Korean Word: 'Nae' - 'Yes')

"Oh buti hindi nakita ng family mo. Baka anong inisip non baka sabihin ano mo" sabi nya

"Anong ano? Hahaha anong hindi nakita. Puta nakita kame ni Papa kahapon Girl!" Sabi ko sabay ikot sa higaan

Nahuli nga kame ni EL kahapon. IFlashback ko na ba? Wag na. Hahaha jk



/FLASHBACK/



"Oyy EL, dito nalang. Salamat aa. Dyan na rin yung bahay namin pagliko ee" sabi ko.

Nandito kasi kame sa kanto ng street namin. Ayoko ng ihatid ako neto sa bahay. Baka makita kame ni Papa. Yare ako don. Baka ano pang isipin non hahaha

"Ganon ba? Sige sige." Tipid nyang sagot tapos liliko na sana sya para tumalikod nung may ...

*brroooom! *brroom!*

"Fatima! Ano yan? Sino yan pala?"

Eto na nga tong sinasabi ko ee. Si papa nagmomotor nakita kame T^T

"Pa, Oy Pa! Hehe. Classmate ko po. Si EL. May pupuntahan din kasi sya dyan sa kabilang street para may kunin na gamit tapos uuwi nadin sya. Sumabay lang sya sakin kasi nga pupunta sya don." Turo don sa malayo "Ayun pa. Classmate ko lang" sabi ko. NakakaKaba. Tss.

"Ang haba ng sinabi mo. Umuwi ka nga. May bibilhin lang ako" ngiting sabi ni papa tapos sabay tingin kay EL

Yung mukha naman ni EL, nakatingin sakin tapos nakangiti. Yung ngiting nagsasabi na "YareKaSaPapaMoPagUwi" smile.

"Sige na umuwi kana don. Kumain kana" sabi ni papa sabay pinaandar na yung motor nya

"Halatang Kabadong kabado ka aa haha" sabi nya "Sige uwi nako." Dugtong nyang sabi sabay talikod tapos naglakad para umuwi

#FanboyDiary [Book1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon