#FanboyDiaryChapter31

27 3 0
                                    


-----------


Sms from Betamax:

Malapit nako. Wait lang :)


----------




"Ma malapit na daw sya" sabi ko kay mama
"Oh sige. Maluluto na din to" sabi ni mama habang nasa kusina nagluluto

Ayan na haha. Im sure kabang kaba ngayon yang si EL. Nanginginig na sa lamig yun

Todo prepare si mama ngayon haha

OK lang naman kay papa at kuya yon. Basta pumunta lang dito sa bahay para makilala nila yung nanliligaw sakin. Para daw makilala nila yung bubugbugin nila pag niloko ako HAHAHAHA. Mga siraulo ano?





--------
Sms from Betamax:

Nandito nako. Putcha nakakakaba -__-

-------




Sabi ko sa inyo ee haha.

Binuksan ko yung pinto. Nakita ko sya nandun sa Labas ng Gate ng bahay nakatayo

Ang Cool nya sa suot nya haha.
Talagang naghanda sya para dito.

Binuksan ko na yung Gate.



"Tara pasok ka" sabi ko tapos pumasok naman sya
"OK lang ba suot ko?" Tanong nya
"Oo. Ang cool nga. Tara na" sabi ko tapos naglakad ako papunta sa loob ng bahay tapos sya sumusunod sakin




Ayun nakayuko. Akala ko ba walanghiya to? XD haha.

"Ma, Pa at Kuya si EL po" sabi ko habang nasa gilid ako ng pinto tapos sya nasa Pinto nakatayo

Lahat sila Tumingin sa Lugar namin

"Iho tara pasok ka" ngiting sabi ni mama habang inaayos yung pagkain sa mesa
"Tara boy, pasok. Wag kang matakot, hindi ako nangangagat haha" biro ni papa habang nakaupo sa Sofa
"Feel at home lang pre" sabi ni kuya habang nandun sa Gilid ni papa nanonood sila



Pumasok si EL




"Magandang Hapon po" bati nya
"Upo ka" sabi ni papa



Umupo sya sa Isang Sofa



"Ano taga san ka boy?" Tanong ni papa
"Taga Sitio bukid po" sabi ni EL
"Nakikita na kita sa school ee" sabi ni kuya
"Ilang taon kana boy?" Tanong ni papa
"17 napo ako" sabi nya



Umurong dila nya ee. Tsaka ang tino tino nyang tignan sa itsura nya



Kaya iniwan ko muna sya don kila papa. Pumunta ako sa kusina para tulungan si Mama na nag aayos para sa hapunan namin.



Nakita ko si mama



"Hi ma" sabi ko
"Anak. Hehe" sabi ni mama habang hinahalo yung niluluto nyang Cardireta "sya pala si EL, mukha namang mabait anak" sabi nya
"Opo ma. Mabait po" sabi ko "Alam mo ba ma, grabe mag effort yan si EL, nagpapakaKpop yan dahil sakin pero ayaw nya talaga sa kpop non" sabi ko pa



"Talaga? Ang galing naman. Pero anak masyado kapang bata para magseryoso sa ganyang bagay"

"Gawin nyo munang inspirasyon yung isat isa. Hindi naman agad minamadali anak"

"Opo ma. Alam ko po yun hehe" sabi ko




[EL POV]




"Mabait po yang si Fatima kaso may pag kakalog lang haha" sabi ko
"Ay oo boy. Kahit dito. Kala mo laging may sapi haha" sabi nung papa nya
"Buti nga naligawan mo yan haha" sabi ng kuya nya



Ang bilis kong makagaanan ng Loob yung Papa at Kuya nya. Pinag uusapan namin si Fatima tungkol sa mga ginagawa nya sa School at bahay.

Nawala yung kaba ko nung nakausap ko ng matagal yung dalawa. Kala ko kasi masungit. Umurong dila ko kanina ee haha

"Buti hindi ka nahahawa sa pag addict sa kpop nyan" tanong kung kuya nya
"Medyo nahahawa na nga ako" sabi ko



Kaage ko lang din yung Kuya nya



"Ok lang yon boy atleast hindi ka sa drug naaddict." Sabi nung papa nya
"Ay hindi po. Mapapatay ako ng ate ko hehe" sabi ko




---------




"Kumain lang kayo ng kumain. EL magpakabusok ka ha?" Sabi nung mama ni Fatima

"Salamat po" sabi ko

Nandito kaming lahat sa harap ng mesa. Kakain para sa hapunan. Katabi ko si Fatima

"Boy ikaw ba talagang seryoso sa panliligaw sa anak ko" tanong nung papa nya

Si Fatima nakangiti lang

"Oo naman po. Tsaka OK lang po kahit manligaw ako ng matagal, makakapag antay naman po ako" sabi ko

Tapos nakita kong tumingin lang ai Fatima sakin tapos yung mama ar kuya nya nakatingin

"Yan ang gusto ko. Marunong maghintay haha" sabi ng papa nya "sige kumain ka lang" sabi pa nya

"Iho pinapunta ka namin dito para official ka namin na makilala. Kasi ayaw naman namin na may manliligaw sa bunso namin ng hindi namin alam hehe" sabi nung mama nya

Tapos inantay kong lunukin yung pagkain sa bibig ko bago magsalita




"Opo. Kasi yun din po turo sakin ng papa ko bago sya mamatay. Pag manliligaw ako ng babae dapat yung magulang yung unang liligawan at sa bahay ko sya liligawan hindi yung sa text o kung san san lang po" sabi ko tapos ngiti




Ngumiti lang din yung mama nya sakin tapos bumalik sa pagkain

#FanboyDiary [Book1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon