#FanboyDiaryChapter32

38 3 0
                                    


"You will now kiss the Bride"







"WOOOHHHH! KISS THE BRIDE! KISS THE BRIDE!"

Sigawan nung mga tao dito sa Wedding Booth. Ang Dami nilang alam ee.

Si Jeff at Ashley yung pinuntirya nilang ikasal kunyare. Ayon si Ashley tuwang tuwa naman. Si Jeff Pilit na pilit. Haha




Ngayon sinisigaw nila na "Kiss the Bride" daw. Hahaha. Kala mo naman totoo.



Ayon kiniss ni Jeff si Ashley sa Pisngi. Haha. Lagot sila sa mga Teachers na nanonood don kapag ginawa nila yung kiss sa lips.



"Haha. Kawawang Jeff. Karma nya yan" sabi ni Cedd na katabi ko
"Hindi kasi nagtino. Hindi na tumulad sakin. Diba Demi?" Sabi ni Harold kasama nya si Demi. Yung nililigawan nya
"Ewan ko sayo haha. Kung matino ka dapat sinagot na kita haha" banat ni Demi
"Ano ka ngayon Harold?" Sabi ni Mart



Magkakatabi kami dito nakaupo habang nanonood ng Kasal kunyare haha.



Kanya kanyang trip yung mga kaSchoolmate ko.




May Wedding Booth, may Secret Letters, yung magsusulat ka sa kanila tapos ibibigay nila sa Sinulatan mo. Tapos may hihila sayo pag natapakan mo yung heart na nakakalat sa paligid ng School. Hindi mo alam may mga spy palang nagbabantay na pag naapakan mo pupunta ka sa booth nila tapos may ipapakilala sayong nakatapak din. Tapos may penalty pag hindi mo inintertain, mga 10pesos lang. Tapos may mga nagtitinda ng mga Stuffed toys, Flowers tapos mga Puso Puso. Pss ang Corny diba?




Sabi na nga dapat hindi nalang ako pumasok. Sising sisi ako.



Si Fatima hindi pumasok. Pano ko nalaman? Katext ko kasi sya kagabi XD puta inabot nga kame ng gabing gabi na. Mga mag alauna na ng umaga hahaha. Oh baket? Sya una nagtext nireplayan ko lang



Hindi sya pumasok ngayon kasi ayaw nya daw. Wala naman daw gagawin. Tama naman sya don. Mag gagala lang daw sya mamaya. Sabi ko sama ako, tapos sabi nya OK lang naman daw.



Talagang magkikita kame ngayon kasi ang daming nagbigay sa kanya ng mga Sulat, Chocolates, tapos Stuffed toys. Puta ako inutusan ni Carmel magbigay kay Fatima mamaya. May pupuntahan daw kasi si Carmel mamaya. Letse yan -_-



Yung mga Regalo kay Fatima nandon sa Upuan ko lahat. Wala namang kukuha non. Takot lang nila sakin haha.

#FanboyDiary [Book1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon