Lumipas ang isang linggo nang hindi nag-uusap ang dalawa. Matapos ihatid ni Gabby si Alex pagkagaling nila ng hospital ay agad itong bumaba nang hindi sinagot ang mga katanungan ni Gabby. Kahit hindi mapalagay ay hinayaan muna ng binata ang kaibigan na makapag-isip marahil na rin sa gulat na inabot nito.
"Can we talk?" masuyong tanong ni Gabby nang mapansing nagulat si Alex nang makita sya sa labas ng pinto. May dalang mga bagahe si Alex at alam nyang itinuloy na nang dalaga ang desisyon nito. "Aren't we talking? What are you doing here? If you need anything I'm sorry but I'm in a hurry." Iritableng sagot ni Alex. "Alam kong galit ka sa akin, you can't blame me. I'm just worried na baka..." naputol ang sasabihin ni Gabby ng biglang sumagot si Alex. "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na buo ang desisyon ko at di mo ko dapat alalahanin dahil alam mo naman na dati ko pa gustong gawin ito. Hindi na ako bata para bantayan mo. I'm sorry kung napapag-alala kita pero kailangan ko na talaga umalis." Sabay bitbit ng mga bagahe nito. "Sasama ako." Mabilis na sagot ni Gabby. "Ano na naman ba yan Gabby? Ayan ka na naman eh. Kapag isinama kita malamang lang naman na pigilan mo ako sa gagawin ko. Isa pa hindi dito gagawin ung I.V. okay? So there's no way for you to come with me." nakangiting sabi ni Alex. "Promise di kita pipigilan basta isama mo lang ako. Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo basta isama mo lang ako." pagsusumamo ni Gabby. "Di mo narinig ang sinabi ko? Ang kulit mo naman eh, hindi nga dito sa Pilipinas gagawin ung procedure, kaya kahit pumayag akong kasama ka walang kang ticket and I don't think na magagawan mo ng paraan yan." Naiinis nang sagot ng dalaga. "Huwag kang magagalit pero kinulit ko si Nancy... kaya meron na ako nitong ticket pati gamit ko nasa kotse na rin kaya wala ka nang magagawa." Nakangising sabi ni Gabby habang nagpapapungay ito ng mga mata. "Isama mo ako at wala kang iintindihin, ako pa mag-aalaga sa'yo pagkatapos ng procedure. Kinausap ko na din ang mama mo at suportado naman nya ang gagawin ko. Sabi pa nga nya mas mapapanatag sya kung nasa tabi mo ako." Sabay kuha ng mga bagahe ni Alex at nagtungo na sa sasakyan.
Wala nang nagawa si Alex kundi ang sumimangot at sumunod sa kotse pero hindi nya pinapansin ang kaibigan dahil pakiramdam nito ay naisahan sya at kinasabwat pa nito ang kaibigan nilang si Nancy. Samantalang mababanaag naman sa mukha ni Gabby ang ngiti ng tagumpay.
Nang makasakay na sila sa eroplano ay hindi mapakali si Alex pero pilit pa rin nyang dinededma ang kaibigan na panay ang alalay sa kanya. Hindi alam ni Alex kung bakit ganoon na lang kakulit ito na sumama sa kanya. Nagtataka sya sa mga ikinikilos ng kaibigan pero ayaw naman nyang bigyan ito ng ibang kahulugan. Matagal na silang magkaibigan pero kahit minsan ay hindi naman ito nagpahiwatig ng higit pa doon at isa pa ay may kasalukuyang nobya ito. Hinayaan na lamang nya si Gabby sa mga pinaggagawa nito para na rin walang usap at maiwasan ang sagutan sa pagitan nilang dalawa.
"Nandito na tayo, gising na." banayad na tapik ni Gabby sa mahimbing na pagkakatulog ng kaibigan. Hindi namalayan ni Alex na nakatulog pala siya at nagitla ng tapikin siya ni Gabby. Nang mahimasmasan ay tumayo na ito sabay labas ng eroplano.
Dumiretso sila sa hotel at kinabukasan ay nagpunta na ng hospital upang sumailalim sa mga iba pang tests. Naging maayos naman ang mga resulta kaya naman na-i-schedule agad ang gagawing procedure. Kahit kinakabahan ay lakas loob si Alex na sumailalim sa I.V. Naiisip pa rin nya ang mga pangungulit na ginagawa ni Gabby gaya na lang kung gusto nya bang malaman kung sino ang donor at paano nya palalakihin ang magiging anak. Sa kabilang banda, masaya si Gabby na hinahayaan siya ni Alex na alagaan ito. Mula pa noon gustung-gusto niyang inaalagaan at inaasikaso si Alex. Hindi man niya maamin sa kaibigan na nahuhulog na ang loob niya dito ay kuntento na ang binata sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Kung magtatapat siya, natatakot itong layuan siya ni Alex dahil mula sa simula ay alam nitong desidido si Alex na hindi papasok sa isang relasyon lalo na siguro kung sa kanya. Takot siyang mawalan ng kaibigan lalo na at minamahal pa niya ito.
BINABASA MO ANG
In The Stars... (Completed)
RomanceSabi nila mula pa man ng ipanganak ka mayroon nang nakatakda para sa'yo. Maaari mo kayang mabago ito? Kaya mo bang iwasan ang isang bagay na noon pa man ay nakatakda ng mangyari? Sa mundo na walang kasiguraduhan, mayroon kayang pag-asa ang "happy e...