"Alex, naririnig mo ba ako?" Nanginginig ang boses ng binata. Ilang minuto na syang nagsasalita at tinatanong ang dalaga kung nasaan ba talaga ito at kung ano ang problema. Ngunit si Alex ay tahinik lamang na nakikinig sa kaibigan. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya. Nagagalit ito pero may kung ano syang naramdaman at masaya siyang narinig ang boses ng kaibigan."Alex, nasaan ka ba talaga? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo? Kahit ang mommy tinanong ko kung nasaan ka pero ayaw naman nyang magsalita. May problema ba tayo?" tanong ni Gabby. Hindi na napigilan ni Alex ang pag-iyak na lalo ikinapag-alala ni Gabby.
"We need to talk." matipid na sagot ni Alex.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita. Just tell me where you are and I'll be there. Please Alex".
"Tomorrow. At my apartment." sagot ni Alex sabay putol ng linya. May sinasabi pa si Gabby ngunit hindi na nya ito inintindi. Bibigyan nya ng pagkakataon ang kaibigan na magpaliwanag gaya na rin ng payo ng kanyang ama. Sa kabilang linya naman ay nagtataka si Gabby kung bakit malamig ang pakitungo sa kanya ng kaibigan. Hindi nya naisip na alam na ni Alex ang sikreto nito.
Kinabukasan.
"Alex!" masayang tawag ni Gabby sabay yakap sa kaibigan. Hindi naman sinuklian ni Alex ang yakap na iyun.
"What happened? San ka nagpunta?" Tanong ni Gabby habang naupo ito sa tabi ng kaibigan. Wala pa rin itong kibo at mababanaag sa mga mata nito ang galit.
"Tell me the truth. Everything. I want to know everything." matigas na wika ni Alex habang nakatitig sa labas ng bahay. "What?! I don't understand. Ano bang ibig mong sabihin? Honey, is there a problem?" nagtatakang tanong ni Gabby. "Huwag mo akong matawag tawag na honey. Sabihin mo sa akin ang totoo. Did you plan all these?" Hindi na napigilan pa ng dalaga ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Pupunasan sana ito ni Gabby gamit ang kanyang hinlalaki ngunit mabilis na tinabig ito ni Alex.
"You set me up Gabriel! How dare you! I trusted you! How could you?!" napahagulgol na lamang ang dalaga. Hindi kayang makita ni Gabby na nagkakaganon ang kaibigan kung kayat niyakap niya ito ng mahigpit, pilit mang kumawala si Alex ay hindi nya magawa dahil na rin sa panghihina dala na rin ng matinding emosyon. Ngayon ay nagkaroon na ng ideya si Gabby sa kung ano ang ibig sabihin ng dalaga.
"Tama na Alex baka makasama sa inyo ng baby natin. Sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang tungkol dito. Makakabuti kung magpahinga ka na muna. Halika ihahatid na kita sa kuarto mo." maluha-luhang pag-aaya ni Gabby. "No!" pasigaw na sagot ni Alex. "Pag-uusapan natin ito ngayon. Hindi bukas, hindi mamaya, hindi sa ibang araw. Ngayon Gabriel! Ngayon!"
"Masyadong mataas ang emosyon mo Alex baka kung mapano kayo ng bata. Kumalma ka naman."
"Kumalma? Sabihin mo sa akin, paano ako kakalma matapos kong malaman lahat ng kasinungalingan mo. Kaya ka ba nag-aalala dahil anak mo itong dinadala ko?"
Hindi alam ni Gabby kung ano dapat nyang sabihin. Hindi nya alam kung paano nalaman ni Alex na siya ang ama ng nasa sinapupunan nito.
"Magsalita ka. Siguro nagulat ka kung papano ko nalaman. Pero hindi na mahalaga yun. Kaya pala nagpumilit kang sumama, kaya pala ganun na lang ang concern mo dahil anak mo ang dala-dala ko. Paano pala kung hindi? Siguro hahayaan mo na lang ako."
"That's not true Alex. Hinding-hindi ko magagawang pabayaan ka. From the start all i wanted was to take care of you. Hindi ko kayang makitang dalhin mo ang anak ng iba lalong-lalo na ng taong hindi mo man lang kilala kaya kinausap ko ang doctor mo na ako na lang ang maging donor. Alex, I want US to be a family. From that moment I laid my eyes on you, i knew right then that you are the one i want to grow old with. Ikaw ung gusto kong makita bago ako matulog. Ikaw din ang gusto kong makita pagmulat ng mata ko sa umaga. No one else Alex. Kung hindi ikaw wala nang iba pa Alex. I love you so much that I can't bear to see you lonely and make yourself miserable." lumuluhang hayag ni Gabby
"Miserable?! You're insane Gabby. What made you think that the life i chose would be miserable?"
"I love you Alex that's why I did that. I love you so much that I will do everything para hindi ka mawala sa akin."
"Love? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo alam ang ibig sabihin nun Gabby. You don't love me. You only love yourself that you manipulated my life so you'll get what you want. You know what, this, is not going anywhere so better yet, call off the wedding."
"You can't be serious Alex, our wedding is only days away. We can still fix this."
"I don't care. Unang-una ikaw lang naman ang nag-insist ng kasalan na yan. And you're wrong, WE cannot fix this. Since you are the one who always fix things, why don't you fix your wedding and find a girl na mapapaikot mo sa mga kamay mo. So go and leave me alone." Habang itinuturo ang pinto palabas ng bahay nito.
"I love you Alex. Please don't do this. Maybe your hormones are just acting up kaya ka nagkakaganyan but if you will just hear me out i know that you will understand why I ended up doing what I did. I know you also love me so please listen to me." Pagmamakaawa ni Gabby na pilit inaabot ang mga kamay ng dalaga.
"I said leave!" sigaw ni Alex
"I know deep inside your heart that you have feelings for me, natatakot ka lang that's why you're pushing me away. But I promise that i will never leave you Alex. Never. Kahit ilang beses mo ako itaboy, kahit ilang beses mo ako pagtaguan, I will always be there beside you."
Dumaan ang ilang sandali ng katahimikan.
"I will let you rest for now. But I will be back. We will talk when you're not upset."
Palabas na sana ng pinto si Gabby nang biglang napasigaw si Alex. Nakita nyang namimilipit ito sa sakit habang nakahawak sa kanyang tyan.
"Alex!!!"
BINABASA MO ANG
In The Stars... (Completed)
RomanceSabi nila mula pa man ng ipanganak ka mayroon nang nakatakda para sa'yo. Maaari mo kayang mabago ito? Kaya mo bang iwasan ang isang bagay na noon pa man ay nakatakda ng mangyari? Sa mundo na walang kasiguraduhan, mayroon kayang pag-asa ang "happy e...