"Good morning!" bati ni Gabby. Maaga itong nagtungo sa bahay nina Alex na kasalukuyang naghahanda ng almusal.
"Tito Gabby!!!" masayang tawag naman ni Madi na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng di kilalang ama.
"Bakit nandito ka? I mean, ang aga mo." nagtatakang tanong ni Alex
"Wala man lang bang good morning?" nakangiting sabi nito kay Alex. "Di nyo pa ba ako namimiss kasi ako namiss ko na kayo agad kaya maaga akong pumunta dito." sabi naman nito kay Madi at niyakap ang anak
"Good morning." bati naman ni Alex. "Bakit nga?" muling tanong nito.
"Wala lang. Naisip ko kasi weekend ngayon aayain ko sana kayo mamasyal. Mula kasi nang dumating ako dito di pa ako nakakapasyal." sagot ni Gabby
"Ma, tara ipasyal natin si Tito Gab." aya nito sa ina.
"Hmmm, okay lang ba mamayang hapon na lang tayo umalis, kukunin ko pa ung kotse sa site." sagot ni Alex
"No need, I already took care of it. So, let's go?" tanong ni Gabby
"Ma?" sunod ni Madi
"Okay, pero magbreakfast muna tayo, join us Gabby. Manang pahingi pa nga pong isang plato" tawag ni Alex
"Yehey!" masayang sigaw ni Madi at yumakap sa ina.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay naghanda na ang mag-ina upang ipasyal si Gabby sa malalapit na tourist destination ng Palawan.
Nag-enjoy sila sa pamamasyal lalo na si Madi.
"Ma, can I have an ice cream?" tanong ni Madi
"Sure honey, samahan na kita" sagot naman ni Alex
"Okay lang po ako na lang." nakangiting sabi ni Madi. Nakatingin lamang si Gabby habang nag-uusap ang mag-ina.
"Bakit?" tanong ni Alex kay Gabby nang makita itong nakatitig sa kanya
"Huh? Bakit?" gulat na tanong ni Gabby
"Bakit ganyan ang ngiti mo? Anong iniisip mo?" muling tanong ni Alex
"Wala. Masaya lang ako. Isa na lang." habang tinatanaw si Madi
"Anong isa na lang?" napakunot ang noo ni Alex
"Ung kulang." sagot ni Gabby na tila nahihiya
"Anong kulang?" tanong ulit ni Alex
"Ung sagot mo." nakayukong sagot ni Gabby
"Anong tanong?" tanong pa rin ni Alex habang nakatingin sa anak na namimili ng ice cream
"Ung tayo." sagot ni Gabby habang palingon lingon
"Oo." nakangiting sabi naman ni Alex habang hindi inaalis ang mga mata sa anak
"Kung puede..." natigilan si Gabby na tila pinoproseso ang sinabi ni Alex. "Anong sabi mo?" gulat na tanong nito at humarap kay Alex
"Oo." nakangiting sagot ni Alex na mabilis na sinulyapan ang kausap at ibinalik ang tingin sa anak
"Oo? Ung oong matagal ko nang inaantay?" hindi maitago ni Gabby ang saya sa mukha
"Sa palagay ko." nakangiting sagot ni Alex na tila nahihiya.
"Totoo ba ito? Hindi ba ko nananaginip?" hindi makapaniwalang tanong ni Gabby
"Let's see." sabi ni Alex at kinurot si Gabby sa braso
"Totoo nga. Alex!" tuwang tuwang tawag ni Gabby habang kinukusot ang brasong kinurot ni Alex
"What?" nagtatakang tanong naman ni Alex
"Alex, I love you!" malakas ang pagkakasabing iyun ni Gabby at sa sobrang saya nito ay hindi niya napigilang halikan sa mga labi si Alex. Sa gulat ni Alex ay hindi na siya nakagalaw. Hawak ng kanang kamay ni Gabby ang kanyang batok samantalang ang kaliwa ay nasa kanyang baywang. Hindi niya namalayan na napapikit na siya. Tila bumagal rin ang oras at nawala ang mga tao sa paligid. Tanging ang tibok lamang ng kanilang mga puso ang kanyang naririnig. Tumagal ng ilang segundo ang halik na iyun at natanggal lamang ng marinig ni Alex ang boses ng anak.
"Mama!"
BINABASA MO ANG
In The Stars... (Completed)
RomanceSabi nila mula pa man ng ipanganak ka mayroon nang nakatakda para sa'yo. Maaari mo kayang mabago ito? Kaya mo bang iwasan ang isang bagay na noon pa man ay nakatakda ng mangyari? Sa mundo na walang kasiguraduhan, mayroon kayang pag-asa ang "happy e...