"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Gabby?" tanong ni Jake habang inaalalayang tumayo si Alex"Hindi ko pa siya nakikita. Hindi pa kami nakakapag-usap." malungkot na balita ni Alex
"Huh?! Alam mo ba ung room number nya? Puntahan mo na lang siya." sabi ni Jake
"Ayaw ibigay sa akin eh. Tapos may nakasabay ako kanina sabi nandito daw si Gabby kaya nagpunta ko agad dito kaso wala naman siya. Anong gagawin ko Jake?" nangingilid ang mga luhang tanong ni Alex
"Nasa room 1648 siya. Tinanong ko kanina sa receptionist nagpanggap akong best man para ibigay sa akin" paliwanag pa ni Jake.
"Salamat." sabi ni Alex at niyakap si Jake. Pagkatapos nun ay dumiretso na ito sa tinutukoy na kuarto. Pagdating nya sa tapat ng pinto ni Gabby ay hindi siya agad na nag-doorbell. Nakatayo lamang siya doon na tila humuhugot ng lakas ng loob sa gagawing pakikipag-usap sa kanyang minamahal. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto at papalabas ang isang babae.
"Yes Miss?" tanong nito sa kanya
"Aah... Hmm... Andyan ba si Gabby?" tanong ni Alex
"Yes. May I know who you are?" muling tanong nito
"Alex. Puede ko ba siyang maka-usap?" tanong naman niya sa babaeng sa palagay niya ay siyang pakakasalan ni Gabby.
"Okay. Pasok ka na. Andyan siya sa loob." sabi sa kanya ng babae at tuluyan na siyang iniwan sa kanyang kinatatayuan.
Pagpasok niya ng kuarto ay nakita niya ang mga nakahandang gamit na gagamitin ni Gabby sa kasal. Lalo siyang nalungkot nang makita ito. Hindi niya akalain na ang taong tanging minahal niya ay tuluyan na diyang iniwan at magpapakasal na sa iba. Pinapadaan ng kanyang mga daliri ang tuxedo na isusuot ni Gabby ng biglang may nagsalita sa likod niya dahilan upang lingunin niya ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito
"Gabby..." ang tanging sambit ni Alex
"What?! Ikakasal na ako Alex. I'm sorry." sabi ni Gabby at nilagay sa kama ang tuwalyang hawak niya.
"May... May sasabihin lang sana ako." naluluhang hayag ni Alex
"Ano yun? Please make it quick because I still need to prepare for OUR wedding." matigas na sagot ni Gabby
"Gusto ko lang magpaliwanag tungkol dun sa nangyari. I'm sorry." hindi na napigilan ni Alex ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Forget that Alex. Wala na akong pakialam dun. Natauhan na ako." sagot naman ni Gabby
"Hindi mo naiintindihan. Ung nakita mo walang ibig sabihin yun. Alam kong hindi ka maniniwala pero magkaibigan lang kami ni Jake. Nanliligaw siya pero hindi ko siya sinagot. Nagulat din ako sa ginawa niya pero di ko siya mapigilan. Hinabol kita noon para magpaliwanag pero hindi na kita naabutan. Tinatawagan kita pero hindi naman kita macontact. Alam kong galit ka sa akin, hindi naman kita masisisi." Nakatingin lamang sa kanya sa Gabby na tila hindi naman nakikinig sa kanyang mga paliwanag. "Nasanay na ang anak mong nandyan ka. kailangan ka ni Madi..." pagkasabi nito ay napayuko si Alex at bumulong ngunit narinig pa rin ni Gabby. "Ayokong mawala ang best friend ko."
"Best friend. Yun na lang ba talaga ako sa iyo Alex?" tanong ni Gabby na biglang lumungkot ang mukha. Hindi ito sinagot ni Alex bagkus ay iniba ang usapan.
"Gusto ko lang malaman mo na simula nang dumating ka ulit sa buhay namin ni Madi, nabuo ang pagkatao ng anak natin. Mas naging masiyahin siya at lalong ginanahan sa pag-aaral. Pero nung umalis ka panay ang tanong nya kung kailan ka babalik. Miss na miss ka na ni Madi. Masasaktan siya pag nalaman niyang iiwanan mo na siya." paliwanag ni Alex
"Si Madi lang ba talaga? Sa'yo? Ano ako sa'yo?" tanong ni Gabby sa mas mataas na tono ngunit hindi nakakibo si Alex. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa minamahal ang totoong nararamdaman niya para dito. "Kung wala ka nang ibang sasabihin makakalabas ka na." dugtong ni Gabby
"I... I..." utal na sabi ni Alex
"What?!" naiinip na tanong ni Gabby
"I don't know." napaupo si Alex sa kama habang sapo ng kanyang mga kamay ang mukha. Pinipigilan niya ang pagbagsak ng mga luha.
"C'mon Alex. Say it. Alam kong hindi lang para kay Madi ang pagpunta mo dito." sabi ni Gabby. Pinipigilan nito ang sarili na lapitan si Alex. "Bakit ba hirap na hirap kang sabihin kung ano yang nararamdaman mo? Hindi mo ba alam na hindi lang ikaw ang nahihirapan?" nangingilid na rin ang luha sa mga mata ni Gabby ngunit hindi pa rin siya sinasagot ni Alex. "Alex ano ba?" Hindi na napigilan ni Gabby na lapitan ang umiiyak na si Alex. Lumuhod ito sa harap ni Alex at kinuha ang mga kamay nito na tumatakip sa mukha niya.
"I'm sorry Gabby... I... I..." paumanhin ni Alex
"Alex, just say it. Huwag kang matakot sabihin kung ano ang nasa puso mo." sabi naman ni Gabby habang pinapawi ang luha sa mukha ni Alex.
"I don't know how. I don't know if what i feel right now is real or just the thought of you marrying somebody else gives me this so much pain. I know I shouldn't be saying this right now but I think I love you." nakayukong sabi ni Alex habang hawak ni Gabby ang mukha niya.
"You think what?" tanong ni Gabby na pinipigilan ang ngiti habang inihaharap sa kanya ang mukha ni Alex.
"I love you. I love you Gabby. Alam kong huli na para sabihin ko ito sa iyo pero gusto ko lang malaman mo na simula nung dumating ka sa buhay ko napunuan mo kung anuman ung kulang sa akin. Masaya ako na palaging kang andyan para sa akin, na naiintindihan mo kung ano ang pinagdadaanan ko at kahit kailan hindi mo ko hinusgahan sa mga pagkakamali ko. Alam ko kung gaano kita nasaktan kaya alam ko rin na kung anuman itong nararamdaman ko ngayon wala pa yun sa pinagdaanan mo nung iniwan kita. Hindi ko ito sinasabi para baguhin mo ang desisyon mo, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita." humihikbing hayag ni Alex nang bigla siyang halikan sa labi ni Gabby. Hindi niya ito tinutulan kahit alam niyang mali. Tanging ang mga tibok lamang ng kanilang mga puso ang kanilang naririnig sa mga oras na iyun
"I love you too Alex" sabi ni Gabby habang magkadikit ang mga noo nila
"This is wrong Gabby. Hindi na dapat ako nagpunta dito, ayokong may masaktan pang iba." sagot ni Alex
"Ssshh... Walang masasaktan. Tama ang ginawa mong pagpunta dito." sabi ni Gabby at muling hinalikan si Alex.
"What do you mean? This is wrong Gabby." nalilitong tanong ni Alex
"Let me do this right. But first forgive me for letting you go through this. You left me with no choice Alex." nangingiting sabi ni Gabby habang inaayos ang pagkakaluhod sa harap ni Alex at may kinuha sa kanyang bulsa
"What?" litong tanong ni Alex
"Alexa Miranda Santiago..." panimula ni Gabby
BINABASA MO ANG
In The Stars... (Completed)
RomanceSabi nila mula pa man ng ipanganak ka mayroon nang nakatakda para sa'yo. Maaari mo kayang mabago ito? Kaya mo bang iwasan ang isang bagay na noon pa man ay nakatakda ng mangyari? Sa mundo na walang kasiguraduhan, mayroon kayang pag-asa ang "happy e...