V.

525 22 1
                                    

Maliit lamang ang school campus.

Pero sa tingin ko ay mailap ka't busy.

O sadyang hindi lang ako masyadong nakikipagsalamuha?

Kung kaya't lubos na nagalak ang aking puso nang makita kita doon sa court A.

Nagpa-facilitate ka ng isang volleyball game.

Ang gwapo mo talaga.

Hindi ko 'yon maitatanggi.

Nakatitig lang ako sa'yo.

Medyo umaasa na mapatingin ka sa kinaroroonan ko.

Hindi man nangyari, masaya pa rin ako.

Kasi nakita kita.

Sa pangalawang pagkakataon.

Nandoon pa rin 'yong kilig na naramdaman ko noong una kitang nakita.

Crush kita, oo.

Pero. . . hindi pa rin kita kilala;

At hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. . .









xx, S.

Ano ang pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon