Sa library, sa photocopying section.
Nakaputing damit ka, at naka-jersey bilang pambaba.
Maglalaro ka yata ng volleyball, o basketball?
Hindi ko alam.
Ang gwapo mo, bulong ng isip ko habang nakatingin ako sa'yo.
Para kang isang boy next door, na medyo may pagka-bad boy.
Hindi ka ganoon katangkad, kumpara sa ibang lalaki.
Pero ang kagwapuhan mong taglay ay kakaiba.
'Yong tipong mapapalingon ang mga babae kapag dumaan ka;
'Yong tipong nakakapagpalaglag ng panga.
Ang cute talaga noong nunal mo sa mukha.
'Yon 'yong parte ng mukha mong pinakapaborito ko.
Nakakabighani; ang sarap titigan.
Ang ganda ng boses mo, lalaking-lalaki.
Astig. Buong-buo. Nakakainlababo.
Ang cool mo talaga.
Crush na kita, hindi ko na iyon maitatanggi pa.
Pero. . . hindi kita kilala;
Hindi ko alam angpangalan mo. . .
xx, S.
BINABASA MO ANG
Ano ang pangalan mo?
Short Story"Crush na kita. Hindi na iyon maitatanggi pa. Pero, hindi kita kilala. . . Hindi ko alam ang pangalan mo. . ."