Kung ngingiti ako, parang ang landi naman kapag ganoon.
Kung iirap ako, parang ang yabang naman ng dating.
Kaya tumulala lang ako.
Pero sa loob-loob, nagtatatalon ang puso ko.
Natuwa ako–hindi, nagalak.
Ewan ko lang sa'yo.
Pero hindi naman ako umaasa na natuwa ka rin.
Ilang segundo pa, tapos ay umiwas na ako.
Nandiyan na kasi 'yong kasama ko.
Nanghinayang ako pagkalabas ko sa canteen.
Nanghinayang ako kasi hindi ako ngumiti, nang kahit kaunti.
Paano kaya kung nginitihan kita?
Ngingitihan mo rin kaya ako pabalik?
O sisimangot ka at iirap?
Hindi ko alam.
Kasi hindi ko naman ginawa.
Pero natuwa pa rin ako–nagalak pala.
Crush na talaga kita, legit na 'to.
Ang gwapo mo kasi.
Ang ganda no'ng mata mong nangungusap;
No'ng labi mong mapula;
Lalo na no'ng nunal mo sa mukha.
Masaya ako nang araw na iyon.
Pero hindi pa rin pala.
Kasi hindi pa rin kita kilala;
At hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. . .
xx, S.
BINABASA MO ANG
Ano ang pangalan mo?
Short Story"Crush na kita. Hindi na iyon maitatanggi pa. Pero, hindi kita kilala. . . Hindi ko alam ang pangalan mo. . ."