X.

406 16 1
                                    

Naging busy ako, at alam kong ikaw rin.

Marami kasi akong pinagpreparahang requirements sa mga subjects ko.

Lunch break.

Agad kitang nakita sa canteen.

Naka-polo ka na kulay sky blue tsaka naka-slacks.

Nag-report ka ba?

Nakatayo ako sa gilid, nakatingin sa likuran mo.

Umu-order ka kasi ng pagkain.

Hindi ko sinadya pero nandoon ako malapit sa kuhanan ng kutsara't tinidor.

Aalis na sana ako, pero humarap ka na at nagtungo sa pwesto ko.

Hindi upang bumati, kundi kumuha ng kutsara't tinidor na gagamitin mo sa pagkain.

Nakakakilig kasi nagkatitigan na naman tayo.

Medyo matagal.

Ayaw umiwas ng mga mata ko sa mga mata mo.

Astig, parang may magnet.

Naestatwa lang ako.

Hindi ko alam ang gagawin.










xx, S.

Ano ang pangalan mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon