PANSIN KO LANG - 3 "REPORTS"

128 7 2
                                    

                                               PANSIN KO LANG 3

                                                       "REPORTS"

Napansin ko na sunud sunod na naman ang pag delete ni wattpad ng stories. 

And I know iisa lang ang rason kung bakit na-dedelete ang isang story with mature content. Dahil may nagrereport. 

Hindi naman sa green minded pero siyempre you have to open your mind sa mga ganung bagay or stories. Hello? 2013 na. Hindi na uso ang pa-inosente. I read stories with mature content kasi bukas na ang pag-iisip ko sa mga bagay na ganun.

So ayun nga, scroll scroll lang sa watty. Then I found out na yung SPG writers na finofollow ko nagkanda-walaan na ang stories. Dahil sa mga immature people na basta basta nalang nag rereport. 

Madami ng non teen fiction stories na lumalaganap sa watty. Like what I have said earlier, 2013 na. Hindi na uso ang pa-maria clara. Nakakainis lang, may mga tao talagang gustong pabagsakin ang isang tao. Alam mo yung insecure? Yun yun eh. Ayun na, unti unti ng nakikilala yung story ng isang certain na author. Then suddenly, without knowing bigla bigla nalang mag didissappear dahil sa pag rereport?

Alam mo yung dating sakin ng pag rereport?

Parang isang bata na nagsusumbong sa kanyang nanay. Oo, ganun ka-isip bata ang mga gumagawa nun. 

Simula naman sa una, the authors are giving warnings. At hindi ka naman bulag para hindi yun mabasa at maunawaan na may mature content ang story na yun. So kung di ka naman pala comfortable sa ganung type na story, why do you have to read pa?

Pwedeng pwede ka umalis at wag nalang yun basahin. Pero para i-report pa yung story? That's so childish. 

Tandaan mo, hindi lang ikaw ang reader sa wattpad na to. Hindi lang ikaw ang magbabasa ng story na yun. Pano naman yung ibang reader na gusto basahin yun? That's being selfish. Gusto mong ipa-delete ang isang account dahil lang sa ayaw mo yung story?

Hindi sa'yo umiikot ang mundo. 

Don't be selfish.

Baka hambalusin ka ng karma. Sige ka! mag-ingat ka. 

Pansin Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon