Chapter 1: First Encounter
Maine's P.O.V
"Hayy grabe! Nakakaloka mga tao dito sa palengke. Buti na lang natapos nako sa pamimili." Sabi ko sa sarili ko. Makauwi na nga lang tutal sumasakit narin naman ulo ko. -,-
Pauwi nako. Okay na eh. Okay na talaga. Okay na mga napamili ko. Kung hindi lang ako muntik masagasaan nitong kotse nato! Natapon tuloy lahat ng pinamili ko! Bwisit!
Biglang bumaba yung driver. Lalapitan ko na sana kaso napahinto ako. Oh my gulay! Ang sarap! este ang gwapoooooooo! Kyaaaaaaah! ^////^ Pero hindi! Mali! May kasalanan tong bwisit na to eh!
"Hoy manong gwapo este manong driver! Bayaran mo tong mga natapon!" Bayern. nakakahiya nadulas ang beauty ko dun!
"Aba miss! At bakit ko naman babayaran ha?!" Bigla nya kong tinalikuran at hinimas-himas ang kotse nya na akala mo ay taong nasaktan.
"Baby are you alright? huhu buti na lang di ka nagasgasan." Sabi nya na wari mo'y paiyak na.
Abat! Ang galing din naman netong lalaki na to eh no?!
"Hoy manong! Bayaran mo na lang tong pinamili ko na natapon dahil LANG naman sa muntik-muntikan mo na kong mabangga! At para makauwi na rin ako!" sigaw ko.
"At bakit ko nga babayaran?!" sigaw nya sakin.
Eh?! Bingi ba to?! Binibwisit ako nitong lalaki nato!
"Eh kasi nga muntik mo na kong mabangga at dahil dun natapon yung pinamili ko!Argh!" sigaw ko.
Mukha na kaming ewan dito na nagsisigawan habang may mga tao sa paligid.
"Hindi ko naman kasi kasalanan kung hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! tanga tanga kasi tss. mga babae talaga!" sabi nya.
Ang kapal din pala ng mukha nito eh! Ang yabang! Kala mo kung sino! bwisit talaga! Pano nato! hays
"Wala kong pakielam sa sinasabi mo basta ang alam ko kelangan mo kong bayaran! tapos ang usapan!" sabi ko.
"Sino ka ba ha?! Kung umarte ka kala mo kaya mo ko ah?! ano ha! ano?!" Sabi niya sa mapanghamon na boses.
Ha! di ata alam nito na magaling ako sa taekwondo. Tss mali ang kinalaban mo manong.
"Ako?! Ako si Charmaine Sarmiento!" pagkasabing- pagkasabi ko ng pangalan ko ay bigla ko syang sinuntok ng medyo malakas lang naman at iniikot ko ang kamay nya sa kanyang likuran.
"ah! a-a-araaaay! bitawan moko!" sabi niya.
Pwe! wala pala to eh. Sisiw.
"Ano?! babayaran mo ba o hindi?!" sabi ko atsaka lalo ko pang idiniin ang pagkakaikot ng kamay niya sa kanyang likuran.
"ahh! oo na!babayaran ko na! bwsit! bitawan mo na ko!" pagmamakaawa niya.
Hahaha success!
"Good. madali ka pa lang kausap eh. haha!" sabi ko.
Okay ang sayasaya! hahaha. Tumayo siya at inabutan ako ng-- teka?! 5K?! as in limang libo?! galante rin pala ang isang to.
"Ayan na! Bwisit ka! May araw ka rin sakin!" sabi niya sabay pasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito. haha okay! tiyak na matutuwa nito si tatay!
"Oh! Tapos na po ang palabas makakaalis na kayo." sabi ko.
Pagkatapos ng eksenang yun ay umuwi na rin ako ng may malaking ngiti sa labi.
Nga pala,ako nga pala si Charmaine Sarmiento. Maine ang kadalasang tawag sakin. 19 yrs old. Di kami mayaman,di rin kami mahirap. Sakto lang. Yung tipong nakakakain ng tatlong beses sa isang araw ganun. May kapatid din ako. Bunsong lalaki. dalawa lang kami.
Laking pasasalamat ko at napalaki kami ng maayos ng magulang ko. Kaya balang araw gusto kong masuklian yung hirap nila para sa akin,para sa amin ni Andrew,ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Say it and I'm yours
RandomJust say the magic words. And I'im yours. Simply as that. Acting without telling any words is confusing. So say it and I'm yours.