Say it and I'm Yours

2 0 0
                                    

Chapter 4: His Family

Maine's P.O.V

Nakaupo na kami ngayon dito sa harap ng dining table. Nagtataka kayo bakit nandito pa rin ako? Ganito kasi yan.

FLASHBACK

Ang taray nagwalk-out. Haha ang bading talaga.

"Naku hija pagpasensyahan mo na talaga ha? Ganun lang yun pero mabait yun si Kurt." sabi ni Tita Alice.

"Okay nga lang po tita. Wala po yun." Sagot ko.

Pano ba naman kanina pa nahingi ng pasensya si tita Alice. Haha. 6pm na pala.

"Ahm,tita I need to go home na po. Baka po kasi hanapin ako nila Mama." sabi ko.

"Wag muna hija. Dito ka na mag-dinner ha?" sabi ni Tita.

"Oo nga Ate Maine. Dito ka na mag-dinner." biglang sabat ni Chloe na halatang kakagising lang. Sabay yapos sakin nito ng makababa.

"Ah hehe hindi na po tita. Nakakahiya naman po." sabi ko.

"Okay lang ano ka ba. Dito ka na kumain ha? Magpapaready lang ako ng dinner." sabi niya.

"Tara muna maupo sa sala. May papakita ako sayo Ate Maine." yaya ni Chloe.

Sumunod ako sa kanya at umupo sa may sofa. Tumayo siyang sandali at may cabinet na binuksan. Puro photo albums.

'Ang lambot. Mas malambot pa to sa kama ko. Pag mayaman nga naman talaga.

"Ate maine tingnan mo 'to dali." Masayang sabi ni Chloe.

"Aww. Hahah ang cute. Sino tong batang lalaki na to? Bakit nakapambihis babae? haha!" tanong ko.

"Si Kurt yan hija. Haha ang cute niya diba? Kasi nung una gusto ko babae ang panganay ko. Edi ayan,palagi ko siyang binibihisan ng pambabae. Nakakatuwa at bagay sa kanya. haha" sabi ni tita.

"Hahahah ang ganda ganda niya po tita." Sabi ko.

Di ko mapigilan ang tumawa. Hahaha ang cute kasing bata.

"Eto pa Ate Maine haha." sabi ni Chloe. Sabay abot sakin ng picture ni Kurt na naka-fairy na costume. May pakpak pa.

"Hahahahahahah!" di ko na napigilan ang tawa ko.

"Hahahaha" pati sila tita di na rin napigilan ang tumawa. Napahinto lang kami ng magbukas ang pinto. Bumungad ang isang napakagandang lalaki na kahit may edad na ay gwapo pa rin.

"Oh hon. " sabi ni tita sabay lapit nito sa asawa at hinalikan.

"Hi hon. Andito pa pala si Maine?" sabi ni Sir George.

"Goodevening po Sir George." bati ko.

"Tito na lang hija." sabi niya. Tumango na lamang ako at ngumiti. "Ano ba yang tinitingnan nyo at tuwang tuwa kayo?" tanong ni tito.

"Kasi dad pinapakita ko po kay Ate Maine yung mga pictures dati ni Kuya Kurt." sabi ni Chloe.

"Ah oo. haha. Nakakatuwa nga hija ang tita Alice mo kahit na nagagalit nako dahil binibihisan niya ng pambabae yang si Kurt eh walang pakialam kaya hinayaan ko na lang. haha" paliwanag ni tito na tumabi rin sa amin sa pagkaka-upo.

Habang abala kami sa pagtawa at pagtingin ng mga pictures ay biglang bumaba si Kurt.

"Ang iingay nyo. Tss." sabi nito

'napaka-sungit talaga. parang babae tss.

"Son,we have a visitor. wag kang ganyan." sabi ni Tita.

"whatever." bulong nito. pero narinig ko.

Ay! confirm. haha bakla kaya 'to?

"Nagkakatuwaan lang kami hijo. Ang ganda ganda mo kaya nung bata ka haha." sabi no Tito na wari mo'y nangaasar.

"Ano?! Wag mo sabihing?! Aaaaah!" galit na sigaw ni Kurt at patakbong pumunta sa pwesto namin at inagaw ang photo album.

"Hahahahhaha" di namin mapigilan ang tumawa dahil sa reaksyon nito. Namumula ito. Hindi ko alam kung sa galit ba o hiya. Hahahaha

"Ma'am kakain na po." sabi ng maid nila.

Naputol ang tawanan namin at sabay sabay na nagpunta sa kusina.

"Halika na at kumain. Oh Maine,dito ka na magdinner hija ha?" Sabi ni Tita.

"Sige po tita." sabi ko.

"Ate maine,tago mo to.haha" Bulong ni Chloe.

Picture ni Kurt. Yung nakasuot siya ng pang-fairy. haha ang cute.

BACK-TO-PRESENT

"Oh hija,kain lang ng kain." Sabi ni Tito.

"Opo tito." sagot ko.

Masaya kaming kumakain.

Etong si bading. Ang sama ng tingin saken. Haha ang sarap asarin.

Nang makatapos na kami sa pagkain ay nagpaalam na rin ako upang makauwi.

"Salamat po Tito,tita. Mauna na po ako. Babalik na lang po ako sa Monday para po sa tutorial ni Chloe." sabi ko.

"Sige hija walang anuman." sabi ni tita.

"Oh Kurt,bakit di mo ihatid tong si Maine sa kanila? Gabi na rin kasi kaya medyo delikado na." Sabi ni Tito.

"What?! Ayoko!" sabi ni Kurt.

Ang O.A tss. Bading!

"Okay lang po tito. Malapit lang po ako dito." sabi ko.

"No hija,I insist." sabi ni Tito. "Kurt,ihatid mo na si Maine. Pag hindi mo siya hinatid wala kang allowance na makukuha saken." Sabi ni tito.

"Tss. Oo na,eto na." sabi ni Kurt. "Let's go." sabi nito na hindi man lang ako tinitingnan.

"Sige po tita,tito. Salamat po ulit." Sabi ko.

"Suge hija,ingat kayo."

Nang makalabas ako ay nakita kong naghihintay na si Kurt sa loob ng kotse.

'Tss. Ungentleman.

Sumakay nako sa may passenger seat. Naging tahimik ang paghatid niya. Nagsasalita lamang ako pag itinuturo ko ang daan.

Di nagtagal at nakarating rin ako sa bahay.

"Salamat." sabi ko.

Tinanguan niya lamang ako at umalis na siya. Pumasok na ko ng bahay at nakita ko si mama.

"Oh maine? Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Mama.

"Dun na po kasi ako pinakain nila Tita Alice Mama." sabi ko habang nagmamano kay Mama.

"Ah kaya pala. Osya,maglinis ka na ng katawan at matulog na." sabi Mama.

"Sige po Ma,akyat nako." sabi ko.

Umakyat na ko ng kwarto at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay humiga na ako.

Naalala ko yung mga nangyari kanina. Di ko mapigilan ang ngumiti. Haha. Ang saya kasama ng pamilyang Anderson. Ang babait nila. Kaso masungit yung panganay. Gwapo pa naman. Tss

Naalala ko yung picture. Kinuha ko ito sa bag at idinikit sa may salamin. Haha Ang cute talaga. Ang amo ng mukha niya.

Ang gwapo niya. Mukha siyang mabait pag di nagsasalita. Haha.

Oh well,masaya naman ang araw nato although nakakapagod. Pero so far,okay naman.

Excited na ko sa lunes. Im looking forward to it.

Say it and I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon