Chapter 3: Second Encounter
Maine's P.O.V
"Hello?!" sabi ng nasa kabilang linya.
'highblood naman neto tss.
"A-ah hello po? Is this Mr.George Anderson?" tanong ko.
"No,I'm his son. May sasabihin ka ba? Ako na lang magsasabi sa kanya." sabi nung lalaki.
'Ah kaya pala. Tss. balita ko masama ugali ng anak na lalaki nila sir george eh. -,- siguro ito yun.
"Ah,I'm Charmaine Sarmiento. Magiging tutor ni Chloe. Pls. tell to your dad na bukas na ko magstart,salamat." sagot ko
"Okay." sabay baba ng kabilang linya.
Letse?! Binabaan ako?! Ang haba ng sinabi ko,okay lang?! Wala man lang bye?! Bastos talaga eh. Tss. Maghapon nasira beauty ko ha! Psh.
"Hija,kami na lang ni Mama mo ang mamimili. Dito ka na lang at bantayan mo yang si Andrew." sabi ni Papa.
"Sige po,Pa. Ingat po kayo ni Mama." Sabi ko
"Maine,wag magpapapasok ng hindi kilala ha? Tandaan mo mga binilin ko sayo." Sabi ni Mama.
"Opo Mama,sige na alis na po kayo. Ingat" sabi ko.
Nang makaalis sila Mama at Papa ay umakyat na ko sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba ako sa sala upang tingnan si Andrew. Si Andrew ay 15yrs. old na. Di ko alam kay mama bakit lagi pang pinababantayan tong isang to.
Dahil kung tutuusin mabait na bata si Andrew. Matalino rin at masipag magaral. Napakatahimik. Hindi siya kagaya ng ibang batang lalaki na panay video games ang inaatupag.Nanood na lang kami ni Andrew ng TV habang inaantay sila Mama.
*3hrs later*
Dumating na rin sila Mama sa wakas. Pagkatapos ay nagluto na ng dinner. Nang makaluto na ay sabay sabay namin itong pinagsaluhan.
Matapos kumain ay hinugasan ko na ang mga plato at umakyat na ako sa aking kwarto. Kailangan kong magpahinga para bukas.
*************KINABUKASAN*************
"Ma,Pa,alis na po ako." Sabi ko.
"Sige hija,magingat ka." narinig kong sabi ni Mama ng makalabas na ko ng gate.
Medyo kinakabahan ako. Although mabait naman sila Sir George at Ma'am Alice saken kasi nga nakakasama ako tuwing may medical mission.
Sumakay na ko ng tricycle. Di naman kalayuan ang bahay nila kaya nakarating rin ako agad.
'Ang ganda talaga ng subdivision nato. Balang araw dito ko ititira sila Mama.
Nagdoorbell ako. Biglang may lumabas na napakagandang babae. Makinis maputi. Maganda.
"Oh hija,Pasok ka dali." sabi ni Ma'am Alice.
"Ay Ma'am Alice kayo po pala,salamat po. Ang ganda nyo po talaga." sabi ko
"Ikaw talagang bata ka,mapagbiro ka. Haha. Tsaka call me Tita okay? Not Ma'am. We're not on the medical mission anyway kaya Tita na lang." nakangiting sabi niya.
"Ah hehe,sige po tita." nahihiyang sagot ko.
Sabay kaming pumasok sa bahay nila. Ang ganda. Ang laki. Halatang pangmayaman talaga.
'Balang araw magkakaganito rin ako.
"Ate maaaaaaaaaaaaine!" sigaw ng isang napaka-cute na bata na tumatakbo palapit sakin. Bigla niya kong niyakap. haha ang cute talaga.
"Chloe." nakangiting bati ko. Sabay bitaw niya.
"Ate chloe dahil first day mo today. Hindi muna tayo magaaral! Yeheeey! Maglalaro tayo ate chloe!diba mom?" sabi ni chloe. Napaka-energetic talaga ng batang to.
"Kung papayag si Ate Maine mo Chloe." sabi ni Tita Alice.
"Okay lang naman diba ate? diba? diba?" makulit na tanong ni Chloe.
"Haha sige ikaw bahala." sagot ko.
Bigla niya akong hinila papunta sa kwarto niya. Sabado ngayon kaya walang pasok tong batang to. Ako naman nakagraduate na.
Nang makarating kami sa kwarto niya ay agad niyang binuksan ang TV at nagsalpak ng CD na Barbie. Pagkatapos ay inilabas niyang lahat ang kanyang laruan at nagsimulang maglaro.
Makalipas ang isang oras ay napagod na si Chloe at nakatulog. Lumabas muna ako upang sabihin kay Tita Alice.
Pagkababa ko nakita ko si Tita na nagbebake ng cupcakes.
"Oh Hija,halika tikman mo tong ibang cupcakes na binake ko." sabi ni Tita Alice.
"Salamat po tita." sabi ko habang kumukuha ng cupcake."Tita nga po pala nakatulog po si Chloe napagod siguro. hehe." sabi ko sabay kain ng cupcake
Whoooooo! *^O^* "Ang saraaaaaaaap!" sabi ko.
"Haha salamat naman kung ganun. Wala pa si Tito George mo. May business meeting pa. Mamaya pang gabi yun makakauwi. Si Kurt naman yung panganay ko? Mayamaya andito na rin yun. Nagbasketball lang kasama mga barkada niya."nakangiting sabi ni tita.
"Ah kaya po pala kayo lang ni Chloe ang nandito." sagot ko.
"Osiya hija,kumain ka lang jan ha at maliligo muna ako." sabi ni tita.
"Sige po tita,salamat." sagot ko.
Kumain na lang ako ng kumain habang wala pa si tita. Pagkatapos ay uuwi na rin ako dahil baka gabihin ako.
Maya maya lang ay may dumating na isang lalaki. Ni hindi man lang ako tiningnan sabagay nakatalikod siya kaya siguro di nya napansin na may tao.
"Yaya,pakiayos mga gamit ko." sabi nito.
Yaya?! eh ako lang naman tao dito ngayon! mukha ba kong yaya?!
"Hoy yaya! na nasa kusina ano ba?!" sabi nito.
"Anong yaya?! Hindi ako katulong dito no!" saktong pagharap ko ay ang pagharap din ng lalaki.
"Ikaw?!" gulat na sabi ko.
"Ikaw?!" gulat rin na sabi niya.
"Anong ginagawa mo dito?!" sabay naming tanong sa isa't isa.
"Bahay ko to! Ikaw anong ginagawa mo dito ha?!" sigaw niya sakin.
"Ako ang tutor ni Chloe!" sigaw ko rin.
"Eh bakit di mo kasama?! Siguro magnanakaw ka no?! Magnanakaw! Magnanakaw! Magna---
"Anong ingay ba yan ha?! Bakit kayo nagsisigawan?! " Sigaw ni Tita Alice.
"Eh kasi may magnanakaw mom!" sigaw niya.
"Ha?! nasan?! nasaan?!" tarantang sabi ni Tita.
"Ayan mom! That girl! That girl!" sabay turo nito saken.
"Hay naku naman kurt! Ayan si Maine! Yung tutor ni Chloe. Pinapasakit mo naman ulo ko eh. Tss." sabi ni Tita Alice.
"Bleh! :P " sabi ko. hahaha! Sarap pagtripan nito.
"Tss." sabi niya sabay walk-out. Taray ha. Hahaha.
"Pagpasenyahan mo na hija si Kurt ha? Naku nakakahiya naman sayo." sabi ni tita.
"Hindi tita okay lang po. Okay lang po talaga." nakangiting sabi ko.
"Sigurado ka ha?" paninigurado ni tita.
"Opo tita." sagot ko.
Hahaha! Dito pala nakatira yung bading na yun ha? Small world. hmm
Exciting to! Hahahah!

BINABASA MO ANG
Say it and I'm yours
RandomJust say the magic words. And I'im yours. Simply as that. Acting without telling any words is confusing. So say it and I'm yours.