Chapter 2: Tutor
Kurt's P.O.V
"Bwisit! Ang malas ng araw nato!" Sabi ko pagkapasok ng bahay at daretsong naupo sa sofa.
"Oh kuya? What happened?! Bakit may pasa ka sa mukha? Hahaha you're so panget as ever talaga kuya." sabi ni Chloe. Ang bunso kong kapatid. Napaka talaga.
"Tss. Lumayas ka nga sa harap ko!" sigaw ko.
"Duh. Wala ko sa harapan mo kuya. Nasa gilid mo ko." sabay irap nito saken.
"Edi lumayas ka sa gilid ko! Bwisit!" sigaw kong muli. Pero mali ang tyempo ng sigaw ko. Bigla kasing dumating si daddy. Tss lagot.
"Stop shouting at you're sister Kurt. How many times do I have to tell you na hindi dapat sinisigawan ang babae ha? Respect your sister." sabi niya.
Tss. Pahamak talaga tong si chloe. -,-
"Yes dad,I'm sorry." sabi ko. Tinanguan lamang niya ako at umalis. Ibinaling ko ang tingin kay Chloe na tuwang tuwa akong belatan na kulang na lang ihagis nya sakin yung dila niya.
"Bwisit talaga!" bulong ko.
*riiiiiing* *riiiiiiing* *riiiiiiing*
"Hello?!" sabi ko. 'istorbo. tss'
"A-ah hello po? Is this Mr.George Anderson?" Sabi ng nasa kabilang linya.
"No,I'm his son. May sasabihin ka ba? Ako na lang magsasabi sa kanya." sabi ko.
"Ah,I'm Charmaine Sarmiento. Magiging tutor ni Chloe. Pls. tell to your dad na bukas na ko magstart,salamat." sabi nung babae.
"Okay." sabay baba ko ng telepono.
Charmaine Sarmiento? Sounds familiar ha. Parang narinig ko na siya somewhere. Nevermind.
Umakyat na ko ng kwarto at nagbihis. Maya maya ay dinner na. Iidlip muna ko.
*2hrs later*
*tok tok tok* *tok tok tok*
"Kuya! Kuya! Dinner is ready! Baba ka na bilis!"
Nagising ako sa sigaw at katok ni Chloe. Tss,ingay talaga. -,- Nagtakip ako ng unan sa mukha at babalik na sana sa pagtulog ng biglang bumukas ang pinto at lumundag si Chloe sa kama ko.
"Kuya! I said dinner is ready na! Tara na! Biliiiiis! Bangon na!" sabi niya habang hinihila yung unan ko.
"Tss! oo na! eto na! alis! bwisit!" sabi ko sabay tulak sa kanya hanggang sa makalabas siya ng pinto.
"Ugh! I hate you kuya! Panget!" sigaw ni Chloe.
Di ko na lang siya pinansin at nagbihis na. Pagkatapos ay bumaba na rin ako at nakita kong nakaupo na sila sa harap ng dining table.
"Hi mom." sabi ko sabay halik sa pisngi.
"Hi son,bakit may pasa ka sa mukha? umupo ka na at kakain na tayo." sabi niya.
"Wala to mom. kakauwi mo lang mom?" tanong ko ng makaupo ako.
"Yes son. Ang daming pasyente kanina sa ospital,grabe nakakapagod." sabi niya.
"Ah I see." sabi ko.
"Nga pala dad,may tumawag kanina. A girl. Nakalimutan ko yung name niya eh. She said that she's going here tomorrow for Chloe's tutorial."
"Oh my! Si Ate Maine dad?!" biglang sabi ni Chloe na tuwang tuwa pa.
"Yes Chloe. You're Ate Maine will be here tomorrow." sabi ni dad.
"Yehey!" sabi ni Chloe atsaka pinagpatuloy ang pagkain niya.
"Who's Maine?" I asked in curiosity.
"Si Charmaine iho. Nakakasama namin siyang madalas sa medical mission. Napakabait at matalinong bata. Maganda pa." sabi ni mom.
"Okay." sabi ko.
Narinig ko na talaga yang pangalan na yan eh. Di ko lang matandaan. Tss. Kainis
Nang matapos ang dinner ay nauna na akong umakyat papunta sa aking kwarto.
Naalala ko na naman yung babae kanina. Grabe! Amazona. Pero maganda ha. Pero mukhang tomboy. Tss. Sayang.
Hmm,ako nga pala si Kurt Anderson. 20yrs old. Bunsong kapatid ko si Chloe. Chloe Anderson. My mom is a Doctor while my dad runs a company.
Its 8:36pm pero inaantok na agad ako. Siguro dahil kanina. Tss. sakit ng katawan ko dun ha. Medyo nabawasan pa kagwapuhan ko. Tss tss.
Ang daming napasok sa isip ko gaya ng sino kayang ide-date ko bukas? Or sinong ide-date ko? ang hirap. Tss. Makatulog na nga lang.
zzzzzzzz.....

BINABASA MO ANG
Say it and I'm yours
RandomJust say the magic words. And I'im yours. Simply as that. Acting without telling any words is confusing. So say it and I'm yours.