Say it and I'm Yours

2 0 0
                                    

Chapter 5: Hell-o Monday

It's Monday! And yes papunta nako ngayon sa Anderson's Residence para magtutor. Dagdag kita na rin to.

Naku! Mukhang uulan pa. -,-" Wala kong dalang payong. Tss. Wala rin masakyan kaya naglakad na lang ako tutal di naman kalayuan. Sana wag umulan. :3

*bladaaaaaaaaag!* (Kulog yan! wag kayong ano! -,-) *swiiiiiiiiiiiiiish*

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ayy palakang natahol! Anu ba yan! Bwisit! Ang malas naman! hays!" sabi ko.

Buti na lang may waiting shed pero malelate ako tss. Nagantay ako ng masasakyan kaso wala talaga. Naku,patay ako.

"Achuuuuu!" Mukhang sisipunin pa. -,-

*splaaaaaaaaash*

"Ay anak ng gulay naman oh!"

Natalsikan pa ng putik lastik! Bwisit na sasakyan naman yan oh! Nakaputi pa naman ako.

"Aaaaaaaaargh!" napasigaw na lang ako sa inis. Grrrrrr! Ang lamig! Grabe! Bakit wala man lang inannounce na uulan pala ng malakas ngayon! Bwisit naman oh!

Maya-maya may tumigil na sasakyan sa harap ng waiting shed. Napaatras ako. Mamaya kidnapper pala to! Eh hindi naman ako mayaman.

Mga 5mins. ata itong nakaparada sa harap ko ng bigla nitong buksan ang bintana.

"Ayy!" Nagulat ako. Si Kurt pala.

"Sakay na." sabi niya.

"Ha?" tanong ko.

"Sakay na." ulit niya.

"Ha?" tanong kong muli.

"Sabi ko sakay na!" sigaw nya.

"Ha?" tanong ko. di kasi ako makapaniwala. Mamaya iba pala pagkakaintindi ko sa sinasabi niya. -,-

"Tss! Sasakay ka ba o ano?!" sigaw niya.

Napakahighblood talaga ng bading na to! Tss daig pa may dalaw eh. Ang suplado masyado. Wala man lang "Uyy,Hi." Tss.

"Ano?!" sigaw niya.

"Oo na! Eto na!" Sabi ko. At agad akong pumasok sa kotse. Bigla siyang tumingin sa akin.

"Ano ako driver mo?" tanong niya.

"Ha? Eh hindi naman ako pwede maging driver. Di ako marunong mag-drive. :3" sagot ko

"Tss! Ano?! Ang ibig kong sabihin umupo ka dito sa unahan! Wag dyan sa likod dahil nagmumukha akong driver!" sigaw niya.

Grabe. Hindi ba to napapaos? laging nakasigaw tss.

"Ahh,sorry naman! Eto na lilipat na.Kalma lang. Daig pa may dalaw. tss" Sabi ko. Lumipat  na lang ako.

"Ano?!" tanong niya

"Wala!" sagot ko

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa kanila.

"Achuuuuu!" napatakip ako ng bibig. "Hehe,sorry." ^_^V

"Tss." Ipinatong niya sakin yung parang jacket ata to. Tapos inirapan niya ako at pumasok na sa bahay

Problema nun? -,- Tss. "Achuuuu!" naku. -,-

Pumasok na lang din ako.

"Oh hija basang basa ka? Magbihis ka muna." sabi ni tita.

"Naabutan po kasi ako ng ulan Tita. Pasensya po na-late ako. Achuuuuu! Ayy excuse po." Sabi ko.

"Naku,magbihis ka na at magpalit ka ng damit baka matuluyan pa yang sakit mo." sabi ni Tita.

Hinatid ako ng maid nila papunta sa guest room.

"Ang ganda. Ang laki. Ang bango pa. Achuuuu!" hindi ko mapigilan ang mamangha sa kabuuan ng kwarto.

Maya-maya ay pumasok si Kurt. Wala man lang katok-katok. Tss. Sabagay kanila to. Pero kahit na! Hays

"Oh!" *blaaaaag!*

Problema nun?! Pano ba naman pagkabatong-pagkabato saken,oo! Take note! Ibinato saken itong tshirt na malaki at jersey shorts tapos lumabas na with matching balibag ng pinto! Tss. Lakas talaga ng topak nun kahit kailan.

Dumaretso na lang ako sa CR at naligo na. Buti na lang may heater sila. Ang lamig kasi. Buti na lang marunong ako gumamit nito.

"Achuuuuu!" naku. wag naman sana lumalala.

Nagbabad lang ako sa CR ng mga 30mins. ang sarap ng tubig. Maligamgam. Tama lang sa malamig na panahon.

"Achuuuuuu! Anu ba naman! Lubayan mo nako! Ugh!" pagmamaktol ko.

Maya maya ay natapos at nagbihis na rin ako. Nagsusuklay ako ng may biglang kumatok.

"Pasok." Sabi ko.

Si yabang pala. Ano na naman kaya kailangan nito? Buti kumatok -_-

"Oh." Sabay abot ng gamot at tubig.

Napatulala ako saglit dahil hindi ko akalain na gagawin niya to.

"inumin mo na yan. Baka kasi mahawa mo pa si Chloe ng germs. Nagaalala lang ako sa kapatid ko."

Hay nako akala ko pa naman! Yabang pa rin talaga.

"okay salamat." Sambit ko.

Makalipas ang 1 oras

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say it and I'm yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon