Chapter 1

47 2 0
                                    


Simula

"No! I don't care if my Parents don't want you for me." Matigas nyang ingles.

"But, how about your..." Naputol ang sinasabi ko dahil hinigit nya ako at yinakap.

"I just wanna be with you. Can't you see? Im gonna be crazy if your not beside me. And I'm gonna die if you ever leave me" sambit nya. Yinakap niya lalo ako ng mahigpit at tsaka nya ako hinalikan sa noo.

Damn it. They're so sweet.

"Hoyy!! Sapphire! Bitawan mo yang cellphone mo at itiggil mo yang kababasa mo ng kung ano ano. Kung mag aral ka kaya para di masayang yung Scholarship mo." Sigaw ng Inay.

"Nay naman eh. Mag aaral naman ako pagkatapos kong basahin to.." Sabi ko kay inay. Higit nyang pinagsisisihan na binigay nilang Samsung smartphone para may pag may ireresearch ako may magagamit ako.

"Gusto mong kuhanin ko sayo ang Cellphone na yan?" Tanong ni Itay.

"Oo na. Mag aaral na po ako." Sagot ko. Itinago ko na ang Cellphone ko at sinimulang mag aral. Wala naman kasing pumapasok sa Utak ko kaya mag papakilala muna ako. Katulad sa mga Storya sa Wattpad.

Hi! Im Sapphire Blue Mendez. 17, Representing 1st Year, Costello College! Haha. Mala Pageant lang. Maraming nagtatanong sakin kung Bakit Sapphire Blue ang pangalan ko. Eh hindi naman ako pinanganak ng September. March 23 nga ako pinanganak. Haha. Ewan ko ba sa mga magulang ko. Basta kapag tinanong ko sila ang sasabihin nila..

"Anak. Ikaw kasi ang yaman namin ng papa mo. Kaya Sapphire ang pangalan mo."

Yan ang lagi nilang idinadahilan ni Papa. Sa ngayon, hindi ko sila kasama. Si Mama nasa Abroad. Si Papa.... Sumakabilang Bahay. Nung umalis si Mama at Nangibang bansa, Sumakabilang bahay naman si Papa. Hindi nalaman ni Mama na May iba si Papa. Pero nung Sinorpresa Nya ang pag uwi dito sa Pinas nakita nya na may kasama si Papang Iba. Kaya ayun. Wala na. Sumakabilang bahay na sya. At Sila Inay at Itay nag aalaga sakin ngayon. Grandparents... 

Hayyss.... That's life. Buti na lang talaga sa Wattpad may Forever. Eh sa Totoong buhay. Wala. Birthday ko pa nga lang wala nang Forever. 23. Hahaha. Hindi kami mayaman. May kaya lang, dahil kay Mama. Namiss ko tuloy si Mama. Mag iisang Buwan na kasi syang hindi tumatawag. At hindi ko rin siya macontact. Siguro busy.

Wala talagang pumapasok sa utak ko kaya lumabas ako ng Kwarto at nagpuntang kusina. Wala si Inay at Itay. Siguro nasa Bakuran nagpapahangin. Lumabas ako at dun ko nga sila na kita. Nasa isang Mahabang kahoy na Bangko. Nakatingin sa Kawalan. Napangiti naman ako. Kasi kahit may edad na sila ay bagets na bagets parin. Parang teen ager. Haha. Ang sweet kasi nilang dalawa. Siguro sa Generation lang nila inay may Forever. Pag dating samin wala na. Ang sad lang.

Kaya nga lagi ako sa Wattpad tumatambay. Nag papalipas ng oras. At iniisip na Sana Isa na lang din akong Wattpad Character. Kung saan may Forever. Lagi naman akong naiinlove sa mga karakter dito. Pero kakaiba talaga ang Tama ko sa Isang Character. Sobra. As in! Inlab na inlab ako sa kanya. Sya si Alexander Kyle Rosales. Ughhh... Mahal na mahal ko sya. Kaya lang syempre marami akong kaagaw. Yung ka partner nyang si Hannah Cathryn at yung iba pang umaangkin sa kanya. Pero wala akong magagawa... Ganun talaga.

"Huy!" Sigaw sakin.

"Ay, Kalabaw!" Sigaw ko.

"Hahaha! Pati ba naman kalabaw iniisip mo na?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Hahaha! Ito naman di na mabiro!" Sabi nya sabay Gulo ng buhok ko.

"Ano ka ba Adrian! Hindi na ako bata para guluhin ang buhok ko." Sabi ko at inayos ang buhok ko.

"Sorry na. Its just, I miss to Mess with you. Lagi ka na lang kasing wala." Sabi nya at nag pout.

"Adrian Hyler Sevillano? Namimiss ang kababata nyang si Sapphire Blue Mendez? Impossible." Sambit ko.

"Posible. Dahil nangyari na." Sabi ni Adrian.

"Okay fine. I believe you na." Sabi ko na may halong pagkatalo.

"Hahaha! Tara Gala tayo. Ipag papaalam na kita sa Inay at Itay mo." Sambit ni Adrian na may halong excitement.

Hinila ako sa loob ng aming bahay at pinapasok ako sa kwarto ko. Pinagbihis nya ako at dumeretso na sya sa Bakuran para Ipagpaalam ako. Nag pantalon ako at simpleng blouse. Nagdollshoes lang naman ako. Lumabas na ako ng makatapos ako sa pag bibihis.  Nag aabang na si Adrian sa Labas. Siguro pinayagan ako. Lumapit ako sa kanya. Nakita nya ako at ngumiti.

"Ano, tara na?" Tanong nya. Tumango ako.

Naglakad kami papunta sa pila ng tricycle. Sumakay kami at sinabing papuntang plaza. May tiangge kasi ngayon lalo na't hapon. Pagsakay naming tricycle ay inakbayan nya ako. Oy, walang malisya ha. Yung akbay na pang tropa hindi pang mag syota. 

Ito si Adrian Hyler Sevillano. 18 years old. Mayaman sila ngunit mas gusto nya ang estado namin na may kaya lang. Humble, makulit, mabait, matulungin at Napaka pilyo.
Yan si Adrian. Tularan natin sya...

Joke! Haha......

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang Cellphone ko. Kinuha ko ito at May nag text...

From: unknown number

Mamaya pagdating nyo sa Plaza. Makikita mo ang nakatadhana sayo. Magkikita na kayo.

What the fugde? Nangtitrip lang ba to? Pero paano mya nalaman na papunta akong plaza? Si Madam Auring Bato? Mang huhula? Or Mangloloko. Tsk. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nangtitrip lang ito. Hmp.....

×××××××××××××××

Hi guys! This is my thrid Story. Hindi po sya one shot. Please supportahan nyo po Ako dito sa Storying ito. Its just for Fun. Haha. Pleaseee.. Support my first and second story too ha. Thanks. (☆^ー^☆)

Inlove in a Fictional characterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon