Chapter 5

19 2 0
                                    


Pahiram at Penge

Arghh... Ang sakit ng ulo koo!!! Pinipilit kong imulat ang mata ko pero ayaw. Grabe na ito. Nakalimutan ko palang may pasok ngayon! Kailangan ko pang pumasok! Gosh.

"Ah... Opo... Okay naman po sya... Di pa naman sya na gigising.... Opo eh. Marami po kaming ginawa kagabi kaya ayun po. Napagod...."

Wait?? Boses lalaki yun ah! Kahit mahirap i mulat yung mata ko pipilitin koo! Sino ba kasi yun!

Nang naimulat ko na ang mata ko..
.
.
(^_-)
.
.
(^_・)
.
.
(^~^)
.
.
(●__●)

SHET NA MALAGKET! PUTSPA.

Isang lalaking nakatalikod na naka Towel lang! Topless. Waaahhh! Uminit yung mukha ko! Feeling ko na mumula ako!

"Ah. Okay... Sige bye..." Sabi ng lalaki.

Nilibot ng mga mata ko yung kwarto... Familiar.

"Oh. Gising ka na pala!"

Napatingin ako sa lalaki. Si Adrian pala! Pambihira naman kasi! Bagong ligo! May abs pala tong espren ko! Nag gygym ba to? Or???? Ewan. Tae. Basta ang init ng best friend ko! Ano ba yan! Pinagkaka interesan ko ba ang best friend ko?! Ano ba sapphire! Mag hulos-dili kaaa! Tinakluban ko ng unan yung mukha ko! Waah. Nakakahiya.

"Oh.. Opps sorry. Haha. Bihis lang ako." Sabi nya at may narinig akong pinto na nasara. Siguro nasa Walk-in closet nya na sya. Tinanggal ko na yung unan sa mukha ko. Tiningnan ko yung Clock dito sa side table nya. 8:26 am na pala! May klase ako ng 9:00 am! Wahh! Tumayo ako pero masakit parin talaga ulo ko! May pumasok sa kwarto. Si Manang pala, may dalang tray ng pagkain.

"Oh iha, Gising ka na pala. Ito almusal." Sabi ni Manang sakin.

"Wow, manang Breakfast in bed. Haha. Sosyal!"

"Sige na. Kumain ka na at inumin mo rin tong tsaa nang mahimas masan ka. Kagabi kasi, buhat buhat ka ni sir Adrian. At dumiretso agad sa kwarto nya. Nagdala ako ng Maligamgam na tubig at face towel. Nagulat nga ako nakapang tulog ka na."

Napatingin ako sa suot ko. Shems. Naka panjama na ako at T-shirt.

"Si Adrian po yung nag bihis sakin?"

"Hahaha. Nako iha, hi-"

"Oo ako bakit?" Sabi ni Adrian at may malaking ngisi sa Mukha nya! I hate to admit it pero medyo May pag ka manyakis to. Pinagkakatiwalaan ko naman sya pero kahit naaa. Manyak sya.

Binato ko sya ng unan. " Loko ka! Alam ko yang takbo ng isip mo! Ikaw ha. At bakit ako dito ako na tulog bakit hindi manlang sa guest room? Anong nangyari kagabi ha?!"

"Haha. Chill Sapphire. Hahaha! Hindi ako ang nagbihis sayo. Si Marilyn. At ikaw ang nagpupumilit sakin na tabi na lang tayo matulog.. Haha. Wag feeling. Hindi kita pagsasamantalahan. Hahaha!"

Ah.. Ow-kay. Medyo na pahiya ako dun ah! Tsaka ako ang nag pumilit? Impossible! Bakit kasi wala akong ma tandaan.

"Ito nga pala towel at mga gamit mo. Iwan ko na kayo dyan." Sabi ni manang at lumabas ng kwarto.

Naka ngisi pa rin ang loko! Inirapan ko sya at naligo na sa banyo. Nasuka naman ako. Siguro dahil yun sa alak kagabi. Wah! Naka inlang shots ba ako?! Di ko maalala! Buset.

Sabay na kami ni Adrian pumasok sa school. Pareho kami ng Schedule kasi pareho naman kami ng Course. Si Agnes naman iba yung course nya pero minsan magka Block kami.

Inlove in a Fictional characterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon