DrunkKumain muna kasi sa Isang Italian restaurant malapit sa bar na pupuntahan namin. Nang matapos kaming kumain nagderetso agad kami dito sa bar.
"Good evening sir, ma'am." Bati ng bouncer.
Lagi ba silang nandito at binati sila? Oh well. Baka ganun sa mga bar. Hinawakan nila Adrian at Marilyn ang braso ko baka daw kasi ako mawala dito. Pagpasok pa lang namin, kitang kita ko na agad ang mga taong nagsasayawan dito. Mostly dirty dancing . Umiwas kami sa mga nagsasayawan at nagtungo sa isang sofa. Umorder naman sila ng Tequila bayun? Basta yun yata. Nagmasid ako sa paligid. Real talk, I'm so Out of Place. Kasi mga halatang mayayaman lang ang pumupunta dito.
"Hey, Saf. First time mo lang dito right?" Tanong ni Marilyn.
"Uh-huh."
"Well, ganito talaga dito. Just feel free okay..." Tumango naman ako.
Dumating na yung inorder nila. Nagsalin naman silang ng tequila sa shot glass. Tatlo yung shot glasses, so... tigigisa kami, I guess?
"Bakit tatlo? Hindi iinom si Sapphire Marilyn." Sabi ni Adrian.
"Ay... Ang korni naman. Sinama mo pa sya kung di sya iinom. Oo, Underage sya. Pero ikaw din naman ah. Dali na kahit 5 shots lang...." Sabi ni Marilyn at ngumuso.
"5 shots?! At ni-Lalang mo yun?! Are you out of your mind?" Galit na sabi ni Adrian.
"Oh edi 3."
"No."
"Ang kj nito oh! Okay lang naman sayo diba Sapphire?" Tanong ni Marilyn na ikinabigla ko.
"Huh? Uh..." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila kaya nilibot ng mga mata ko ang paligid. "Hindi naman siguro masama na mag try diba?"
Napangisi si Marilyn at..." Yes! Payag si Sapphire! Ano! Talo ka Couz!" Tumawa pa sya ng tumawa. Napailing nalang si Adrian.
Inabot ni Marilyn sakin yung isang shot glass. Pinainom nya sakin. Ininom ko naman agad yun. Grabe parang may Apoy na gumuguhit sa lalamunan ko. Inabot naman sakin yung lemon at pinasipsip sakin, pati na rin asin.
"Nice!" Sigaw ni Marilyn "Isa p-"
"Stop it. She will not drink that anymore." Sabi ni Adrian. Grabe sya oh.
"Hays. Napaka nito!" Sabi ni Marilyn at sumimangot. Napatahimik kaming tatlo.
"Ano ba yan! Wala ba kayong topic na maibubukas?! Boring eh!" Sabi ni Marilyn. Uminom ulit sya ng tequila.
"Oo nga eh." Sabay napainom ako ng tequila. Nasarapan ako eh. Nanlaki agad yung mata ni Marilyn. Nilagay ko yung index finger ko sa labi ko na sumisimbolo na wag sabihin kay adrian. Nakatalikod kasi si adrian samin at nakatingin sa dance floor. Katabi ko sya pero di nya ako na kikita. Humagikhik si Marilyn. Nagsalin ulit sya ng Tequila sa shot glass. Sabay kaming uminom pero....
"What the?! Sapphire napakatigas talaga ng ulo mo!" Sigaw ni Adrian pagkalingon nya samin. Kinuha nya ang walang laman na shot glass. Tinitigan ko naman si Adrian. Parang umiikot yung mundo ko. Napakunot naman ang noo ko. At pumikit-pikit.
"Hey guyysss..... Im gonna sayaw at the Dancefloor okay??" Sabi ni Marilyn. Napaka Conyo talaga nito. At feeling ko lasing na sya.
"Ey, marilyn. Don't dance with other boys!" Sigaw ni Adrian. Nag Thumbs up naman sya. At dumiretso sa Dance floor.
"Uy, Ad. Kanina ka pa Tahimik dyan. Wag mo nang isipin si Chloe." Sabi ko. Humarap sya sakin, Nakita ko sa mata nya yung Lungkot. Napabuntong hininga sya. Sumandal sya at pinikit ng mariin ang mata. Napatingin naman ako sa lamesa, Uy! May tequila pa! Uminom ulit ako. Hihi! Minsan lang to no! Kaya sulitin naaa! Napatingin ulit ako kay Adrian ganun parin kaya nagsalin ulit ako at ininom. Haha. Tae, ang hyper ko yata. Parang gusto kong sumayaw at makisali sa mga sumasayaw... Aha! May light bulb na sa ulo ko. Hindi literal ha. I mean may idea na akoo! Hihihi.
BINABASA MO ANG
Inlove in a Fictional character
Ficção AdolescenteSiguro naman, Halos Lahat ng Nagbabasa ng Love stories ay naiinlove kayo sa mga Fictional Character, sa Leading Man ng Story, Sa Gwapong lalaki at Perfect na Lalaki na nasa Libro o Wattpad nyo lang nababasa at Nananatili ito sa inyong imahinasyon. H...