^CHAPTER 1^

65 5 2
                                    

CHAPTER 1

Criasha's POV

Lakad dito, lakad doon, lingon dito, lingon doon, upo dito, upo doon. Pero kahit anong gawin ko nakikita ko parin ang mga mag-jowa sa mga bench. Nandito nga pala ako sa park at Sunday ngayon at malamang marami ang magdedate ngayon. Dapat talaga hindi na ako sumama sa mga kaibigan ko pano ba naman ang daming langgam dahil ang swesweet ng mga nagdedate ngayon. Pero iba-iba ang mga kaganapan sa bawat isang bench. Tulad ng isang bench may mag-asawa na kasama ang kanilang anak at naglalaro sila. Yung isang bench naman may mag-jowa na sobrang sweet at sa sobrang sweet nila ay nilalanggam na ako. Yung kabilang bench naman na malapit sa akin nagaaway yung mag-jowa dahil sa ice cream dahil natapon ng lalaki yung ice cream ng babae sa lapag, ang liit lang ng problema nila pinalalaki naman. Kaya ayoko sa mga ganyang lab lab na yan palaging may nasasaktan. Sa ibang bench naman as usual mga magjowa na nagdedate. Pero isang mag-asawa ang nakakuha ng pansin ko at yun ay mag-asawang matatanda. Ang cute nilang tignan dahil sweet sila sa isa't isa at ang kasweetan nila hindi tulad nga mga nakikita ko kanina. Ang kasweetan nila ay hindi parang mga linta dahil makikita mo sa kanila masaya sila sa mga simpleng bagay na ginagawa nila. Hindi sila nagkikiss o naghuhug kundi magkaholding hands lang sila at masayang naguusap at naglilibot sa park. Pagmakita mo sa kanila, maniniwala ka na sa forever dahil sa edad nila hindi ka makakapaniwala na sila pa din. Pero sa akin walang epekto yan dahil inaamin kong bato na yelo ang puso ko. Opps! Tama na ang drama at kailangan ko pang hanapin ang mga kaibigan ko. Iniwan nila ako sa bench dahil maghahanap daw sila ng mga lucky victims. Lucky victims talaga ang sinabi nila. Si ako naman ay nagpaiwan sa bench.... Sandali-- *light bulb* tawagan ko na lang sila. Bakit di ko naisip yun kanina edi sana hindi ako na stuck sa mga lovers dito. Matawagan na nga.

*kring**kring**krin--

"Hello! Ash nasan ka na?!"

"Aiz! Andito lang ako sa park." - ako

"Ano?! Andyan ka pa sa park?! Eh?! Andito kami sa mall!"- Aiz

"'Wag ka ngang sumigaw! At bakit niyo ko iniwan?!"

""Wag daw sumigaw pero siya nasigaw din. Excuse me, hindi ka namin iniwan. Akala namin sumusunod ka sa amin."

"Okay! Mamaya na kayo magexplain, puntahan ko na lang kayo. Sang mall ba?"

"Yung pinakamalapit diyan sa park. Andito lang kami sa Starbucks."

"Sige, punta na ako diyan." pagkatapos kong sabihin yun ay inend call ko na at naglakad papuntang mall dahil walking distance lang naman ang mall sa mula sa park. Tatawid na sana ako kaya lang may isang antipatikong driver ang muntik ng makasagasa sa akin buti na lang naka-atras ako dahil kung hindi baka nabangga na ako nun. Sinigawan ko ang driver.

"Hoy! antipatikong dri--" hindi niya ako pinatapos dahil umalis na siya at pinakain sa akin ang usok. Hindi ko na hinabol pa dahil wala naman akong laban sa isang kotse kung hahabulin ko pa.

Inis akong pumasok sa mall at pumunta sa mga kaibigan ko. Pagpunta ko sa kanila ay napansin nila ang pagkairita ko.

"Ash, para ka nang puputok diyan." sabi ni Khean. Si Khean pala ang pinaka original bestfriend ko. Bestfriend ko rin naman yung apat kung kaibigan pero si Khean yung mas naging una kong bestfriend. Ang totoong pangalan niya ay Kheana Eliah Uy, half chinese siya. Si Khean yung may pagka kalog pero seryoso. Siya yung pinakamatalino sa aming apat. Siya yung bunso namin sa grupo.

"Oo nga. Ano ba ang nangyari sayo?" tanong naman ni Aya. Ang tunay na pangalan ni Aya ay Jeaniah Stacy Dela Vega tawag namin sa kanya ay Aya dahil sa iah niya. Siya yung weird na childish na bestfriend ko. Siya yung palagi kong nakakasundo sa kahit ano. Matalino din yan. 1/4 Chinese siya and the rest Filipino.

"Para kang bomba na sasabog." sabi naman ni Diana. Tunay na pangalan niya ay Diana Michz Cruz. Siya yung pinakamatanda sa amin. 1 year ang age gap niya sa amin. Siya yung pinaka mataray at masungit sa amin. 1/4 Spanish and 1/4 Chinese and half Filipino.

"Siguro natatae ka na. haha." nangaasar na sabi ni Aiz. Aizel Riasha Tan ang tunay niyang pangalan. Siya yung bestfriend ko na parang takas sa mental. Para kasi siyang baliw. Ang daming kalokohan na naiisip. Half Chinese din siya.

"Okay ka lang?" tanong naman ni Tri. Ang tunay niyang pangalan ay Triania Shan Smith. Siya yung pinaka mabait sa amin at fashionista. 1/4 American and 1/4 Korean.

"Okay lang ako at hindi ako natatae Aiz. Bwiset kasi yung driver na muntik ng makasagasa sa akin."inis na sagot ko. Ako nga pala si Criasha Kaye De Veyra, 1/8 Chinese, 1/8 Japanese, 1/4 Spanish and half Filipino. Ang dami nang lahi ko. Ako yung childish na masungit na may pagka mataray at may pagka takas sa mental sa grupo. Kung tinatanong niyo kung mabait ako, well mabait naman ako pag......

....

...

...

..tulog. Haha.. Joke! Mabait naman talaga ako kung mabait ka rin sa akin.

*********************************************************************************

Pagkatapos naming magmall ay umuwi na kami. Kapit-bahay ko naman silang lahat kaya sabay sabay na kaming umuwi. Nagpaliwanag na din sila sa akin kung bakit nila ako iniwan. Akala daw nila ay sumusunod ako sa kanila habang naghahanap ng fafa daw. Hindi naman daw sila nakahanap dahil ang pangit ng mga nakikta nila mga tsonggo daw. Pumunta nalang daw sila sa mall at nalaman nalang nila na hindi na daw ako nakasunod sa kanila. Hindi kasi nila narinig yung sinabi ko na magpapaiwan lang muna ako sa park at balikan na lang nila ako. So... Yun ang paaliwanag nila. Pinatawad ko naman sila kasi para silang maiiyak na dahil alam nila ang kaya kong gawin. Baka daw kasi patayin ko sila. Ang OA nila patay agad di ba muna pwede suntukin ko nalang sila. Joke! Di ko kaya kayang pumatay. OA lang talaga sila. Kailangan ko pang mag-ayos ng gamit para bukas dahil may pasok kami sa school. Hindi namin first day noh! July na nga ngayon eh.

*kring**kring*
*kring**kring*

Epic Lovestory Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon