Chapter 3
Ash's POV
Hayyy... Salamat at makakapasok na din kami. Isang araw lang naman kaming nag bantay kay tita dahil dumating na si Anne yung kapatid ni tita. Wednesday na ngayon ibig sabihin may pasok ngayon kaya nakakatamad. Papunta na ako sa school ngayon, alam ko na dalawa na lang kaming hinihintay nila Diana. Ilang minuto lang ay nakarating na din ako sa school. Gaya nga ng sinabi ko ay dalawa na lang kaming hinihintay, ako at si Khean. Si Khean kasi minsan ay tinatanghali na ng gising dahil sa kababasa ng calculus book pero ang ipinagtataka ko eh bakit hindi pa pumuputok ang utak ni Khean. tsk.. tsk.. tsk.. Ang hirap maging matalino masyado baka lahat na lang ng problema proproblemahin din. I pity Khean. I won't be surprised if one of this days I'll just saw Khean counting all the ants. How can she survive reading numbers?! Nakakasilaw sa mata!!!! Ang shaket sha--
"Ashie! Malelate na tayo! Hoy!"Aya
"Ay! Oo nga pala!"
"Bilisan mo si maam bakulaw kaya ngayon." Diana
Tumatakbo na kami ngayon at palapit na kami ng palapit sa classroom hanggang sa huminto kami kaya lang--
"ARAY!" sabay-sabay naming tili
pa'no ba naman nung papahinto na kami biglang binuksan ni Aiz yung pintuan dahil sa naexcite siya kaya natumba kami ng sabay-sabay at patung-patong pa kami. Ang shaket! kakahiya!
"Hahahahahahahahahaha!!!" tawa ng mga classmates namin. Tae talaga 'tong si Aiz! Buti nga at siya yung nagbukas ng pinto kaya siya yung naipit namin.
"Ms. Criasha! You are the president of this class yet you are late! The five of you, you are too early for my class tomorrow! Get inside and get ready to report the topic for tomorrow!" Wow! Galeng-galeng! Late na nga, natumba pa, napahiya pa, nakita pa yung mukha ni maam bakulaw, nakapagreport pa ng di oras. Ang gandang pambungad sa umaga. Kamalasan agad-agad! Bwisit! Ang pinakapangit na pambungad talaga ay yung mukhang bulldog na may tigyawat na mukha ni maam! Ang lakas ng boses ni maam parang nakalunok ng limang megaphone.
"Ms. Criasha! Nakikinig ka ba?!" sabi ko nga ang lakas-lakas ng boses niya. Tsk! Tsk! Tsk!
"Ah! Opo maam!" pagmalakas boses ni maam kailangan ko din lakasan yung boses ko. Palakasan kami ng boses.
"Sige nga! Ano sinabi ko?!"
"Yung sinabi mo kanina!"
"Ulitin mo yung sinabi ko kanina!"
"Maam! nakinig lang ako hindi ko minemorize! Ano ako baliw! Ikaw talaga maam.... Hindi mo ginagamit utak mo... Hindi mo naman sinabi na kailangan kong imemorize!"
"Aba! Sumasagot ka pa! Pa'no ka ba naging presidente ng klaseng ito?! Gusto mo bang ibagsak kita sa character traits mo?!" parang sasabog na si maam. Hahahahaha! Ang sarap inisin. Parang nagtratransform na lechon kaya lang mukhang bulldog!
"Maam, bakit hindi kita sasagutin? Nagtatanong ka kaya. Tsaka, Naging presidente nila ako dahil ipinagkatiwala nila sa akin ang mga boto nila dahil nakikita nilang karapatdapat akong maging lider nila. Maam, sinasagot ko lang ang mga tanong mo. nakalimutan ko kasi yung sinabi mo kanina. Tsaka, kung hindi man ako nakikinig ay hindi ako nag-iisa dahil tingnan mo naman yung classroom halos lahat natutulog may unan pa nga at ako lang yung gising." Ngayon, seryoso na 'to 'no. Totoo naman na lahat ng estudyante maliban na lang sa akin ay tulog na kahit si Khean dahil masakit na naman yung ulo. Hindi nga sila nagising sa sagutan namin ni maam. Siya yung pahiya. Pak ganern!
"Ok, I'll let you pass this time." Diba hindi na siya sumisigaw? Galeng ko talaga.
*Krrrrriiiiiiiiiingggggggggggggg**Krrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnggggggg*
Sakto! Time na! Naku, kailangan ko pa palang gisingin yung lima! Ang hilig ko talaga sa exclamation point! Pasensya na hyper lang.
"Guuuyyyyyyyyyyyyyssssssssss!!!!!!!!!!!" Okay lang sumigaw wala naman kasing tao sa classroom maliban na lang sa limang baliw..
"Shet! Asan ang SSUUNNOOOGG???!!! Guyyss!! Gising kailangan na nating umaliss!!!" Sino pa ba? Edi si Aiz. Alam ko kasing mas praning si Aiz kaya nung sumigaw ako lumapit ako sa kinauupuan niya. Diba mas effective? Galing ko talaga! Ako pa!
"Kkkkyyyyaaaahhhhhh!!!!!! Ssssuuuuunnnnnooooogggggg!!!!!!!!!!" Ay! Tae! Lumabas si Diana! Narinig tuloy ng mga taong dumadaan.
"Sunog daw!!! KKyyyyyaaaahhhhh!!!" Sabi ko na nga ba eh... Nagpanic tuloy yung mga tao. Nakalimutan ko kasi na si Diana pala yung mas praning.
*kriinngg**kriinngg**kriinngg*kriinngg**kriinngg**kriinngg*
Patay! Fire alarm 'to! Tae! Naniwala sila!! Oh no!!! My ghaaadd!! Waaaahhhhh!! Don't panic! Calm down! Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Wooh! Okay! Kaya ko 'to!
*ting**ting**ting* (Sorry sa lame sound effects. Ito po yung sa mall kapag may inaanounce.)
"Students, please calm down. Don't panic just go immediately to the open gym. Please do not run or shout just calm down and relax." Patay talaga! 'Yung dean na 'yun! I need to relax.. Inhale.. Exhale.. Inha--
"Ash! Tara na sa open gym baka lumaki pa yung sunog!!!!! Dali!!" Si Khean na matalino nagpapanic na din. Patay talaga ako nito!
"Guys, sino ba kasi nagsabi na may sunog?" tanong ko sa kanila dahil hindi ko naman sinabi na may sunog sabi ko lang naman na 'Guuuuyyysss' eh...
"Sumigaw kasi si Aiz at Diana na may sunog daw kaya nagpanic kami." pagpapaliwanag ni Aya.
"Eh kasi naman may sumigaw akala ko may sunog!" Depensa ni Aiz.
"Ako kasi yung sumigaw. Tinawag ko lang kayo hindi ko sinabi na may sunog. Kayo naman kasi praning kayo masyado. Tsk! Tsk! Tsk!"
"So, ibig sabihin wala talagang sunog?" tanong ni Tri
"Wala as in wala talaga masyado kasi kayong praning mga ves." Sagot ko naman.
"Patay tayo nito! Ikaw kasi Diana eh.. Ba't ka pa kasi pumunta sa labas ng classroom at ipinagsigawan na may sunog. Matinding punishment aabutin natin dito. Waahh!! Kailangan nating pumunta sa open gym para ipaliwanag sa kanila na wala talagang sunog na naganap." Khean na magpapanic na.
"Huwag ng magsisihan at bilisan na lang natin para madali tayong makapunta sa open gym." Awat ko at pumanhik na kami papunta sa open gym. Dali-dali kaming pumunta sa open gym. Tumakbo kami kina Mrs. Santos kasi siya yung dean.
"Mrs. Santos false alarm lang po yung sun--" pinutol na naman
"Ms. De Veyra, pumunta ka na sa section niyo dahil mag-heahead count na tayo at paparating na din yung mga bombero."
"Pero maam.. Hindi po tala--" na naman
"Sige na Ms. De Veyra pumunta na kayo dun."
"Maam makinig muna kayo." Salamat at nabuo din.
"Ms. De Veyra please coo--" Nakaganti din.
"MAAM! FALSE ALARM LANG PO YUNG SUNOG! HINDI PO YUN TOTOO! NAGULAT LANG PO YUNG MGA KAIBIGAN KO KAYA AKALA NILA NA MAY SUNOG! KAYA HINDI NA PO KAILANGAN NG BOMBERO!*cough**cough* Sorry talaga Mrs. Santos!"
*FAST FORWARD*
*Discipline office*
"The six of you! Did you know that what you did caused a big commotion?! You disturbed the school admin and the students even the staffs!"
"We know that Ms. Yuu but we didn't mean to make a big trouble and disturbance. We admit that it was really our mistake and we will accept any punishment." Pagpapaliwanag ni Khean dahil kanina pa ako salita ng salita.
"The damage has been done. You should really have a punishment. You will be suspended for one week and you will clean the CR everyday after class after your suspension. Agree?"
"Bu--" Magsasalita pa sana si Aiz pero pinutol na namin.
"Okay Ms. Yuu." sabay-sabay naming sagot maliban na lang kay Aiz na tulala. Lahat kami tutol pero ano pa ba magagawa namin. Kahit mag-reklamo pa kami walang mababago. Kaya namin 'to! Pero parang may something sa susunod na araw o linggo.. Basta may kutob ako!
BINABASA MO ANG
Epic Lovestory Nga Ba?
Ficção AdolescenteAng daming tanga sa mundo... Madami rin ang mga manhid at mga nagtatanga-tangahan.. Bakit nga ba sila nagkakaganyan? Dahil ba sa pag-ibig na yan? Bakit ba sila nagiging tanga? Nandito tayo sa realidad at hindi tayo nasa mga fairytales na pag-nak...