bata pa lang ako ay kakilala ko na si kei, halos magkalapit lang ang tirahan namin, kasama ni kei sa kanilang bahay ang kanyang lolo, lola at ang kanyang babaeng pinsan na nagngangalang lily. Ang mga magulang ni kei ay nasa maynila para mag trabaho. Close ni kei ang kanyang pinsan na si lily, halos magkasama sila lagi maglaro dati. Di ko na matandaan kung paano rin kami naging magkaibigan ni kei, ang alam ko lang naging magkaibigan na kami sa simula pa lang, siguro dahil magkaibigan din ang mga lolo namin.
tuwing umaga noon lagi kami nagkikita sa kalsada ni kei, naglalaro kami nun ng piko, luksong lubid at kung ano ano pang nauusong laro, madalas kami mag laro ng bahay bahayan at gusto niya laging gumanap na nanay at ako ang tatay, sobrang saya ni kei kapag naglalaro kaming magkasama, minsan inaaway ko siya, kung minsan inaasar, kapag inaaway ko si kei ay tatahimik lang siya at makikipaglaro ulet sa akin, madalas rin siya pumunta sa amin para yayain ako maglaro, Madalas din ako makikain sa kanila tuwing tanghali dahil lagi kaming inaabutan ng tanghali sa paglalaro sa kanilang bahay, parang apo na rin kase ang turing sa akin ng lolo at lola ni kei, tuwing hapon ay sumasama kami nila kei at lily para mag igib sa poso, binubuhat namin ang isang galong maliit para pangsaing.
kung minsan ay humihiga kami sa damuhan at nagpapagulong gulong, nanghuhuli ng tutubi at kung ano ano pa. Meron kaming isang tambayan sa gitna ng damuhan na yun, meron sirang kubong nakatayo roon at dun kami tumatambay kapag lulubog na ang araw. Naging maganda ang alaala na iyon. Noong nag aaral na kami ni kei sa elementarya ay mag klasmet kami, magkatabi kami ni kei sa upuan, madalas ako manghiram sa kanya ng lapis, pambura at kung ano ano pa, di nagagalit si kei kahit nawawala ko ang mga hiniram ko sa kanya, mabait at sweet si kei kaso sinusuklian ko lang ng pang aasar ko sa kanya.
habang lumilipas ang mga araw ay para bang di na kami madalas magkasama ni kei, madalas ko na kalaro noon ang mga kababata ko rin na lalake at natuto ako maglaro ng magbasketbol at magbisekleta, medyo nawiwirduhan na ako kay kei noon dahil naglalaro pa rin siya ng barbie doll kahit nasa grade 4 na kami nun, samantalang ako ay iba na ang kinahihiligan ko laruin, Ngunit kahit di na kami madalas magkasama ni kei ay wala namang pinagbago kapag nagkikita kami, ang pinagkaiba nga lang ay madalas ko na siyang asarin.
isang araw habang nasa school ako ay may natanggap akong sulat na nakalapag sa table ko at ang nakalagay.
magkita tayo sa sirang kubo mamayang tanghali, may sasabihin ako,
kei...
galing kay kei ang sulat at gusto niyang makipagkita sa akin pero bakit di na lang dito sa school niya sabihin?. Uwian na nun at cleaners pa naman ako, dahil sa tanghali na ay agad kong nilinis ang room, dumaan muna ako sa canteen upang kumain, nung nasa canteen na ako ay nakita ko ang mga klasmeyt namin na lalaki at niyaya nila ako maglaro ng basketbol, pinag-isipan ko munang mabuti kung sasama ba ako, paano si kei? maghihintay yun, pero sumama pa rin ako sa paglalaro nila ng basketbol dahil pwede ko naman siya puntahan sa bahay nila o kaya bukas. Hapon na rin ng matapos kami maglaro ng basketbol. Nag-try pa rin ako pumunta sa sirang kubo ngunit di ko na nakita si kei doon.
"hmmm bukas na lang siguro" usal ko pa sa sarili ko.
naglalakad ako ng masaya dahil nanalo kami sa basketbol. Ng makauwi na ako ng bahay ay sinilayan ko ang bahay nila kei, nag-isip muna ako kung pupunta ako o hindi pero naisip ko na...
" hapon na, ipagpapabukas ko na lang siguro" usal ko sa sarili ko.
kinabukasan ay maaga ako pumasok sa school ngunit nagtaka ako nun, di pumasok si kei, isang ordinaryong pagtataka lang ang ginawa ko.
"siguro may sakit yun?" usal ko sa sarili ko.
nung uwian na ay agad akong pumunta kila kei at nagulat ako sa balita sa akin ni lily, umalis na pala si kei at pumunta na ng maynila kasama ang kanyang magulang, sinama na si kei ng kanyang magulang sa maynila at sabi pa ni lily baka dun na rin ipagpapatuloy ni kei ang kanyang pag aaral. Di ko maintindihan ang naramdaman ko nun, may konting lungkot ngunit masaya pa rin na mukha ang ipinakita ko kay lily.
sa tuwing papasok na ako sa school ay si lily na lang ang nakakasabay ko, di ko na masyadong inalam kung bakit sinama si kei sa maynila.
"ayos na rin siguro na wala siya dahil lagi ko lang siyang aasarin kapag dito pa siya" usal ko sa sarili ko.
habang nasa school ako at nagsusulat ay nagkamali ako sa sinusulat ko, bigla ko naisip na manghiram ng pambura kay kei, ng akmang manghihiram na ko, mapapansin ko na iba na pala katabi ko sa upuan, hindi na pala si kei. Nasa labas ako ng gate ng dungawin ko ng tingin ang terrace nila kei, naaalala ko sa tuwing nasa labas ako ay agad kong titignan ang terrace nila at makikita ko na agad si kei na andoon, titignan ko muna sabay aasarin, ngunit mukhang di ko na iyon magagawa.
sa tuwing tatambay ako sa sirang kubo ay maaalala ko si kei, lagi kase siyang nagkikwento ng kung ano-ano, love story, mga teleserye, mahilig rin siya magsulat ng story at lagi niya pinapabasa sa akin ang mga ginawa niya, ako naman ay babasahin ko lang ng konti at sasabihin ko na maganda ang storya kahit di ko naman talaga inunawa ang sinulat niya.
YOU ARE READING
love at second chance
Romancekababata ni christian si kei, noong bata palang sila ay naging magkaibigan sila, lagi silang naglalaro na magkasama ngunit habang lumilipas ang panahon ay nagbago ang lahat sa kanila, nilisan ni kei ang kanilang lugar at di ito nakapagpaalam kay ch...