halos lahat kami nakahinga ng maayos, ayos na si lolo pino at nagagawa na niyang makipag biruan kay bobby. Habang nagtatawanan kami ay pasimple akong napatingin kay kei at sinuklian din niya ako ng tingin, sabay agad namin nilihis ang tingin namin ni kei sa isa't isa.Maya maya pa ay umuwi na sila dino, bobby at anna, ako naman ay nanatili na muna sa ospital, di ko namalayan na nakaiglip pala ako sa kinauupuan ko.
"oh christian andito ka pa rin pala" gulat na sabi ni lily at nagulat din si kei na andun pa rin ako sa labas ng kwarto at naghihintay.
kasama rin nila ang papa ni lily at mama ni kei.
"tamang tama andyan si christian, sabay sabay na kayo umuwi, kami na bahala magbantay rito" pagkakasabi sa amin ng mama ni kei.
di rin nagtagal ay nagpaalam na rin kami, sabay kami umuwing tatlo, halos si lily lang ang nagsasalita sa aming talo at kaming dalawa ni kei ay tahimik lang.
"bakit ba ang tahimik niyung dalawa?, teka parang di pa ata kayo nag-uusap?"
at halos pareho kaming nagulat ni kei, ngumiti na lang kami ni kei, nung makarating na kami sa tapat ng bahay nila ay nagpaalam na ako sa kanila, si lily ay nauna na pumasok habang naiwan naman si kei sa baba, para bang sinadya talaga yun ni lily para kahit papaano ay makapag-usap naman kami ni kei, may ngiti sa labi ang pagkakasabi ni kei sa akin, halos matunaw ako sa paalam niya ngunit di ko pinahalata na masaya ako.
nung tumalikod na ako ay para bang na pa yess ako sa saya dahil iniisip ko na ito na ang umpisa na maging malapit ulet kami ni kei, kinabukasan ay nagising ako na masaya, as usual, nagkakape ako sa tapat namin ngunit naisip ko na lumabas upang masilayan si kei ang kaso mukhang sarado pa ang kanilang bahay, bigla ulet ako kinabahan, parang nahihiya na naman ako, anu ba dapat una kong sabihin kapag nag usap ulet kami ni kei?, pumikit ako bigla at huminga ng malalim, pagdilat ko ay nagulat ako dahil nasa terrace na si kei at bigla siyang ngumiti sa akin.
sobrang kinabahan ako ngayon dahil katabi ko si kei at sa unang pagkakataon ay makakapag usap na rin kami.
"ahmmm, kamusta ka na kei?"
"ok naman, tagal na natin di nagkita ahhh"
mga unang salitang lumabas sa mga bibig namin, at nag tuloy tuloy iyon, pero mas maraming kiniwento si kei kesa sa akin.
"mukha ngang masaya nga sa maynila"
"oo naman"
habang nakangiti siya, ang laki na ng pagbabago sa amin ni kei kapag nag uusap, di ko na siya magawang barahin tulad ng dati kapag nag kikwento siya, hanggang sa dumating na sila dino at anna upang yayain ako pati na rin si kei na magsabit ng bandaritas sa iba pang lugar.
"next time na lang ako, wala kase magbabantay kay lola eh" pagkatapos sabihin ito ni kei at tumalikod na siya at lumakad na papunta sa kanilang bahay.
samantalang ako naman ay nanatili sa kinatatayuan ko habang tinitignan si kei na lumalayo. Pakiramdam ko para akong pumipili kung ice cream ba o cake, sa pagitan ni kei o sa pagsama sa kanila, pero sa huli sumama pa rin ako kila dino upang magsabit ng bandaritas kahit na ang gusto talaga ng puso ko ay makasama pa si kei.
habang nagkakabit kami ng banderitas ay napagplanuhan namin na pumunta kila kei mamaya dahil sa lalabas na daw ang kanilang lolo sa ospital. Maya maya pa ay natapos na din kami, masayang masaya ang lahat habang nagtutungo sa bahay nila kei at lily. Pagkakatok namin ay si lily ang nagbukas sa amin, nasa loob na kami ng makita na namin si lolo pino.
"ohhh tamang tama andito kayo, magmemeryenda tayo ng ginataang kamoteng kahoy" masayang sabi ng mama ni kei.
"tamang tama gutom na rin kami, baka po puro ginataang gata lang po yan" biro naman ni bobby.
"pasensya na po tita kung ganito si bobby, ngayun lang po kase nakababa sa bundok" biro din ni dino.
at lahat kami ay nagtawanan. Habang kumakain kami sa lamesa ay pabirong sinusubuan si bobby si anna, samantalang patuloy na tumatawa sila dino, lily at kei, ako naman ay ngumingiti rin at pasimple na tumitingin kay kei, at sa di sinasadya, nagkabanggaan din ang tingin namin ni kei sabay yuko at higop ng sabay na para bang walang nangyari.
habang kumakain kami ay nagkaroon ng interview portion para kay kei.
"first time mo dito kei?" tanong ni dino.
"ah hindi!" sagot na nakangiti ni kei.
biglang sumingit si lily "dito dati si kei nag aral nung nasa elementarya pa lang siya, kababata rin siya ni christian".
at lahat ay nagulat dahil ngayon lang nila nalaman na matagal na kami magkakilala ni kei, nagtapos ang usapan namin ng masaya. Makalipas ang ilang saglit ay nagpaalam na rin ang lahat na uuwi na, medyo nahuli ako sa paglabas ng gate dahil malapit lang naman ang aming bahay kaya ako na ang huling lumabas at nagpaalam na ako sa kanila ngunit hinatid pa ako ni lily sa gate. Muli ako nagpaalam kay lily ngunit napansin ko na may halong nakakalokong ngiti si lily sa akin habang nagpapaalam ako sa kanya, at bigla niya ako pinalapit sa kanya at meron siyang binulong sa akin, sobrang nagulat ako sa binulong niya sa akin at di kalaunan ay para bang nakita ko si kei na nakatingin sa amin, di ko na lang masyadong pinansin kung anu ang naging reaksyon niya at tuluyan na nga ako nagpaalam kay lily.
YOU ARE READING
love at second chance
Romancekababata ni christian si kei, noong bata palang sila ay naging magkaibigan sila, lagi silang naglalaro na magkasama ngunit habang lumilipas ang panahon ay nagbago ang lahat sa kanila, nilisan ni kei ang kanilang lugar at di ito nakapagpaalam kay ch...