Part 8

16 1 0
                                    


pagkatapos ng misa ay nanatili muna kami sa simbahan, agad na lumuhod si bobby upang magdasal.

"sana po sagutin na ako ni anna, promise po, aalagaan ko po siya" 

halos rinig namin ang panalangin ni bobby dahil malakas niya itong isambit na animo'y sinasadya niya upang marinig ni anna, di rin nagtagal ay sumunod na rin si lily lumuhod at halos isa-isa na silang lumuhod, ako ang huling lumuhod at nanalangin, pumikit ako at nagdasal ng taimtim.

"lord, kayo na pong bahala sa nararamdaman ko para kay kei, gabayan niyo ho kami" nasa isip ko lang.

makalipas ang ilang saglit at dinilat ko na ang mata ko ngunit napansin ko na para bang wala na sila sa upuan namin, agad na rin akong tumayo at lumabas ng simbahan. Pagkalabas ko ay agad ko silang natanaw, kumakain ng fish ball habang tumatawa, di talaga ako sure kung ako ba talaga ang pinagtatawanan nila o ibang bagay. Habang kumakain ng fishball ay sinusubuan ni bobby si anna habang tumatawa sila dino lily at kei, di ko maiwasang di titigan si kei.

napagdesisyunan naming lahat na magkita-kita mamaya dahil may lakad sila lily kei at anna, samantalang kami nila dino at bobby ang naiwan, naunang umalis ang mga babae at nagpaalam na sa amin. 

"ano na gagawin natin?" tanong ni dino.

"mamasyal muna tayo!" paaanyaya ni bobby.

at lahat ay sumang-ayon na maglakad lakad na muna.

habang naglalakad kami ay may mga nakakasalubong kaming mga babae at agad naman napansin ni bobby na napapangiti si dino.

"aba!, chick boy ka talaga dino, di ka loyal kay lily ah" sabat ni bobby kay dino.

"di ah!, at paano napasok si lily rito?" sagot naman ni dino.

"kunwari ka pa eh, gusto mo si lily, nagde-deny ka pa dyan, huli na kita boy!"

habang nag-uusap sila ay iba naman ang nasa isip ko, pinaplano ko na maisayaw si kei mamaya, sana talaga ay matuloy. Nagpatuloy kami sa paglalakad at marami pa kaming taong nakasalubong, ng mapagod na ay nagpahinga muna kami at umupo. Pinagmamasdan namin ang paligid.

"anu plano natin mamaya?" tanung ni dino sa amin.

"bahala na!" sagot ni bobby.

makalipas ang ilang saglit ay ako naman ang napansin ni bobby.

"christian, crush mo ba si kei?" tanung sa akin ni bobby.

agad akong nataranta at biglang kinabahan sa tanung ni bobby.

"ah... eh di ah! kaibigan ko lang yun" sagot ko kay bobby.

"eh bakit ka galit!, nagtatanong lang naman ah!" birong sabi ni bobby.

at natapos ang usapin namin tungkol doon, di talaga mapagkakatiwalaan si bobby kung sasabihin ko ang tunay kong nararamdaman para kay kei kaya nilihim ko na lang, siguradong ipagkakalat niya yun at hindi pa ako handa sa magiging reaaksyon ni kei kung sakaling malaman niya iyon, baka di na ako pansinin ni kei kung saka-sakali. 

dapit hapon na at pumunta na kami sa venue ng sayawan at agad naman namin natanaw sila kei at lily ngunit may kasama silang tatlong lalake at yung isang lalake doon ay pamilyar sa akin, yun yung sumayaw kay kei nung isang araw. Humiwalay sila sa mga lalake ng makita nila kami at agad na pumunta. 

"kanina pa ba kayo rito?" tanung ni dino kila kei at lily.

nagtinginan sila kei at lily at sumagod si lily na medyo lang.

ito na siguro ang pagkakataong yayain si kei na isayaw siya ngunit niyaya ni dino si kei na sumayaw dahil di pa daw niya ito nasasayaw samantalang si lily naman ang naisayaw ko, habang sumasayaw kami ni lily ay pinag uusapan namin si kei. Di ko talaga maintindahan ang mga sinasabi ni lily dahil sa tugtog kase minsan nagsesenyasan kami.

"nag-usap na ba kayo ni kei ng masinsinan?" 

"huh?" sagot ko na may pagtataka.

"sus kunyari ka pa, alam ko na gusto mo si kei diba?"

sa sobrang gulat ko ay "hindi" ang nasagot ko kay lily. 

"ah ganun ba, kala ko gusto mo si kei, mali pala ako" ngiting sabi ni lily.

natapos ang piyesta ng hindi ko man lang naisayaw si kei. Nilisan namin ang sayawan na di ko siya naisayaw, halos inaantok na rin sila anna, dino at bobby kaya nagdesisyon na kaming umuwi na. Halos ilang araw din hindi kami nag kita kita pero si kei ay madalas ko makita sa terrace tuwing umaga, masaya na ko kahit sulyap lang ang nagagawa ko kay kei.

ngunit isang araw ay medyo tinanghali ako ng gising, tumambay muna ako sa tapat namin pero ilang oras na ay di pa rin lumalabas si kei sa terrace, hanggang sa lumabas ng gate si lily, pagkakita niya sa akin ay agad niya akong tinawag.

"uy alam mo na ba christian?" 

"ang alin lily?" tanung ko kay lily.

"umalis na si kei" 

ng marinig ko ang balita na iyon para bang tumigil ang ikot ng mundo, para bang gusto kong umiyak. 

"ganun ba" sambit ko kay lily.

agad akong tumalikod kay lily at naglakad pauwi sa amin. Nung humarap ulet ako kay lily ay wala na siya, biglang bumalik ang nakaraan na kung saan di ako nakapag paalam kay kei, pumikit ako at nag isip, gusto ko sana siya pigilan na umuwi sa maynila at dito na lang siya ngunit alam kong isa yung kalokohan, ayaw ko na ganun lang matatapos iyon, gusto kong magpaalam kay kei ng maayos.

agad akong tumakbo papuntang terminal, nagbabakasakaling maabutan ko pa si kei, matulin ang pagkakatakbo ko, napakalungkot ko habang tumatakbo, nag aalala na di ko na ulet masisilayan si kei. Ayoko ko na maulit ang nangyari dati hanggang nasa terminal na ako at agad ko hinanap si kei, dali dali akong nagtanong sa mga taong andoon kung saan ang sasakyang biyaheng maynila at sabi nila ay nakaalis na. Ng marinig ko na umalis na ay para bang bumigat ang pakiramdam ko, bigla akong napaupo at nausal ko na lang sa sarili ko na "wala na talaga". 

bigla kong tinakpan ang mukha ko ng palad ko, habang papauwi na ako ay biglang umulan ngunit di ko ininda iyon dahil ang nasa isip ko ay si kei lang. Bigla ko naalala yung nakaraan, parang ganito rin yun, masakit pero kailangan tanggapin at dapat naisip ko na na pwede siyang umalis anu mang oras katulad ng dati. 

love at second chanceWhere stories live. Discover now