sa tuwing makikita ko na nag uusap sila ben at kei mula sa likuran ay di ko maiwasang magselos, hindi nga lang halata dahil magaling ako magtago ng feelings ko, kapag nag-uusap sila ay bakas kay kei ang saya, pero di ko pa rin iniisip na posibleng main-love si kei kay ben, positibo lang ang pag-iisip ko na di iyon mangyayari.
nasa canteen kami habang nagkikwentuhan sila tungkol kay kei at ben, wala pa si kei nun, malungkot ngunit di ko pinahalata na apektado ako, pagkarating ni kei ay agad na tinukso ni lily si kei dahil sobrang close na daw sila nito at sila dino, bobby ay naki kantiyaw na rin.
"alam mo ba kei na gusto ko si ben, kaya ingatan mo siya ah" medyo seryosong pagkakasabi ni anna kay kei.
"ano?, kaibigan ko lang siya" nakangiting sagot ni kei.
"ang sakit naman yun anna, alam mo kei, dun nag uumpisa ang pag-ibig, sa pagkakaibigan" singit na pagkakasabi ni bobby.
ako naman ay inobserbahan ko lang si kei kung ano ang magiging reaksyon niya at talagang pinanindigan ko ang paniniwala na hindi magiging sila at hindi magugustuhan ni kei si ben.
nagkaroon ng secret admirer si kei, madalas pinapadalhan si kei ng love letter sa mesa niya sila lily naman at anna ay halos mabaliw na sa kilig dahil sweet lagi ang sinusulat ng secret admirer ni kei, bakas din kay kei ang kilig sa una ngunit habang tumatagal ay di na siya masyadong interesado sa sulat na pinapadalhan sa kanya. Habang nasa ilalim kami ng malaking puno ng eskwelahan ay nag-usap-usap sila kei, lily at anna.
"kamusta ang secret admirer mo kei?" tanong ni anna kay kei.
"wala na yun" sagot ni kei.
"bakit naman?, nakakakilig kaya" sabat naman ni lily.
medyo malayo ako sa kanila kaya di ko masyadong narinig ang sinasabi nila kaya medyo pasimple akong lumapit ngunit nung marinig ko na, di ko alam kong magiging masaya ba ako o hindi sa sinabi ni kei.
"ang pagsulat niya ng love letter, nakaka inspire pero kung di siya magpapakilala, mas mabuti pa na wag na niya ipagpatuloy ang pagsusulat ng love letter"
ng makita nila ako ay bigla nila ako pinaalis dahil girls talk daw yun, patuloy silang nag usap at sa palagay ko ibang topic na iyon.
isang umaga ay nagising ako na para bang lalagnatin ako dahil nga sa masama ang pakiramdam ko ay di ako nakapasok, malungkot talaga na di ko nakita si kei, di ko siya nasilayan, mas mahirap pa sa sakit na nararamdaman ko. Kinahapunan ay naisip ko na lumabas at hintayin sila kei at lily, kunwari magtatanung ako kung may assignment pero ang totoo ay gusto ko makita si kei, ng matanaw ko na sila kei ay napakasaya nila, nagtaka ako kung bakit may hawak na bulaklak si kei, ng makita na ako nila kei at lily ay biglang lumapit sa akin si lily.
"alam mo ba si ben nagtapat ng feelings kaw kei" masayang pagkakasabi ni lily.
habang sinasabi ito ni lily ay may halong kilig ito, si kei naman ay di mawala ang ngiti sa mga labi niya, ako naman ay sinuklian ko lang ng pekeng ngiti, agad ko tinanung sila kung may assignment ba at wala naman ang sinagot nila. Ng papalakad na sila papalayo sa akin ay pinagmasdan ko si kei mula sa likod, masayang mukha pa rin ang nakita ko kay kei, di ko maiwasang maisip na baka nga gusto na rin ni kei si ben.
pagkatapos ng tagpong iyon ay pumunta ako sa sirang kubong dati naming tinatambayan ni kei noong bata pa lang kami. Medyo pagabi na rin yun, pinagmasdan ko ang araw habang lumulubog ito, bigla ko na-iimagine ang mukha ni kei sa isipan ko, dapat magtapat na rin ako kay kei na gusto ko siya bago maging huli ang lahat, kaya pinagplanuhan ko na magtapat kay kei pero di ko pa rin alam kung sa paanong paraan.
pagkauwi ko ay pumunta agad ako sa kwarto ko, nag-isip ako kung paano ako magtatapat kay kei, agad kong naisip na gumawa ng liham at doon magtapat, kumuha ako ng papel at nagsulat, isang sulat na maglalahad ng katotohanan tungkol sa tunay kong nararamdaman para kay kei. Naka-ilang ulit pa ako ng sulat at papel bago ko na perpek ang gusto kong sabihin.
Dear kei;
magandang araw pala sayo, ang totoo niyan di ko alam kung paano ako sisimulan ang liham na to, matagal na rin pala tayo magkakilala at masaya ako na nakabalik ka sa lugar natin, sana walang magbago sa atin kahit anu man ang mangyari, pipilitin kong nasa tabi mo kapag kailangan mo ng kaibigan, pipilitin kong mapasaya ka kapag malungkot ka, sorry ah, medyo baduy ba?, sana pagkatapos kong sabihin to, di magbabago ang pagtingin mo sa akin.
simula mga bata palang tayo lagi na kitang tinutukso kaya humihingi ako ng tawad dun, kung maibabalik ko lang ang nakaraan gagawin ko para makabawi ako sayo, ang totoo niyan medyo nahihiya talaga ako pero nais kong sabihin sayo ang isang bagay na matagal kong nilihim, di ko alam kung tama ba ito o hindi pero di ako matatahimik kung palalagpasin ko ang isa na namang pagkakataong pwede kong gawin, alam kong pwedeng may magbago, wag mo sana akong iwasan kung di mo man ako magustuhan, pero nais kong ipaalam sayo ang isang bagay na matagal ko ng nililihim.
kei, mahal kita...
ganun ko sinulat ang liham ko para kay kei, di talaga ako sigurado kung magugustuhan niya ito pero sa tingin ko maayos ko naman naisulat ang nais kong ipaalam kay kei. Medyo kabado talaga ako pero na enjoy ko talaga ang pagsusulat dahil para sa taong gustong gusto ko ang liham na iyon.
"bukas, ibibigay ko ang liham na to para sa kanya" usal ko sa sarili ko at sabay hinga ng malalim.
YOU ARE READING
love at second chance
Romancekababata ni christian si kei, noong bata palang sila ay naging magkaibigan sila, lagi silang naglalaro na magkasama ngunit habang lumilipas ang panahon ay nagbago ang lahat sa kanila, nilisan ni kei ang kanilang lugar at di ito nakapagpaalam kay ch...