01-25-16

21 1 1
                                    


Equality and Fairness ...

Lahat naman siguro ng tao ay naghahangad nito, but sadly may mga tao talagang sakim, gahaman, makasarili at mapanghusga.

Dapat ba talagang magkaroon ng pagkakaiba sa estado ng buhay ng tao...

Dahil dito maraming nasasaktan ,maraming naapakan , maraming na aabuso!

May mga na sa taas , gitna at yung mga pinakanadidisgrabyado ay yung mga taong nasa baba...

Sabi nga ang buhay ay parang gulong , minsan nasa itaas ka minsan nasa baba....
Ito'y totoo nabibigyan nga ng pagasa ang mga mahihirap na magsikap dahil alam nilang aabot din ang panahon na silay mapupunta sa itaas .....ngunit !
For sure, hinding-hindi papayag ang mga taong nasa itaas na silay bababa kayat gumagawa ng masasamang paraan upang manatili lamang sa kanilang puwesto-_-
Mabuti sana kung ginagamit nla ang kanilang kapangyarihan sa mabuting paraan...tsss

Dahil dito naapakan na ang pagkatao ng iba , nababalewala na ang kanilang karapatan at nahuhusgahan .

Pagkakapantay...isang salita na sa tingin ko ay hinding-hindi mangyayari ...negatibo man ngunit ito ang realidad nabubuhay tayo sa isang magulong mundo.

Even sa school mapapansin mo ang hindi pagkakapantaypantay na turing ng iba sa bawat estyudante ...wesyo matalino, maganda, mayaman ,gwapo dapat ganito ganyan ang turing dapat palagiang mappagbibigyan ng pansin , palaging pinupuri..samantala yung iba Hindi pinapansin kasi Hindi matalino, mayaman, gwapo/maganda ...kahit sa sarili nila ay may mga hinaing at opinyon , may mga ideya ,may mga talento ngunit Hindi nila naipapakita dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili ...bakit?!
Dahil sa mga taong palaging nanghuhusga sa kanila.

Naisulat ko ito dahil sa aking kaklase .. Palagi syang naspe-special mention sa klase tuwing nandyan sya..hindi sya ganoong matalino at Hindi rin mayaman , minsang umaabsent di gaanong nakakapasa ng projects .....pero nakikita ko naman sa kaniya na may pangarap pa rin sya sa buhay
Sa klase namin palagi syang sinasabihan na sya lang daw makakasira ng section name namin (first section kasi ...pressure) ...dba ? Ang sakit </3 hindi lang yan marami pang iba ...
Nakakadismaya dahil mismong guro pa namin ang nagsabi ...siguro hindi nya napapansin na nakakasakit na sya ng damdamin ng iba , ganyan kasi ang tao the more na tumataas ang posisyon sa buhay , the more na may pangalan ganoon din kalaki ang kabawasan sa ugali mas nagiging sakim mas nagiging makasarili not knowing nakakaapak na sila ng tao..pero hindi naman lahat, karamihan lang sa mga tao!

gusto ko man siyang ipagtanggol ngunit Hindi ko magawa dahil natatakot akong mapagalitan...mapagalitan na walang respeto dahil sumasagot sa guro ..
May mga bagay talagang gusto nating gawin , ngunit napapangunahan tayo ng takot ,

Tulad na lamang ng hindi pagsabi ng totoong nararamdaman natin sa taong mahal natin ...natatakot na baka mareject at masaktan lang . natatakot na ipagtabuyan , masira ang pagkakaibigan ...ngunit dmo ba naisip na baka pareho Lang kayo ng nararamdan? ..ayaw mong isipin dahil natatakot kang umasa , umasa sa walaaa!

Ayyyyy...ano ba to ?! Back to topic...XD

(:)
hindi ko namn sinasabing kinakailangang maging bastos, walang galang ..ngunit gagawa tayo ng paraan na alam nating hindi tayo makakabastos , Hindi tayo makakasakit at masasaktan , paraang makakatulong tayo sa iba..nasasaiyo na iyon kung ano :)
May sarili naman na tayong Isip at puso .

But for me the best way is PRAYER ..the best thing is prayer
Ipagdasal natin kung anong gusto nating mangyari..Nothing is impossible with GOD<3

Equality and fairness...sana mahanap nyo sa sarili ito at sana ay magawa niyo rin sa iba ...pagkakapantaypantay!
Magsisimula sa akin at sa iyo na nagbabasa nito.:)

Lets make this POSSIBLE!

-------------------------------------------

Yap be good guys:*
Smile and have a nice day!

Feel free to comment and vote....and follow thankies guys;)

AUTHOR'S POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon