PUSONG SAWI

3 1 1
                                    

   
Lalake, lalake ka ba talaga?
Bakit mo iniwan ang pusong nagdurusa
Lalake, may iba ka na ba?
Hindi ko naisip na ganyan ka pala

Babae, Babae ako
'Di dapat sinasaktan ng ganito
Babae na may pusong ginto
Na sinayang at binalewala mo

Hanggang kailan ako masasaktan Sa pangiiwan mo ng biglaan
Hanggang kailan ako malulungkot
Dahil sa puso kong puno ng poot

Noon ako'y pinapakilig mo
Ngayon winawasak mo ang puso ko
Noon ako'y pinapangiti mo
Ngayon umiiyak ako ng dahil sayo

Ano ba ako para sa'yo
Isang laro na may talo at panalo?
Oo ikaw ang nagwagi
Dahil ako'y iniwan mong sawi

Hanggang dito na lang ako
Na nagsisising nakilala kita sa buhay ko
Ito'y parang bangungot
Na nagbibigay sa akin ng poot

Alam kong mawawala rin ito
Ang sakit na dinulot mo
Alam kong darating ang panahon Na ako'y makakaahon at makakalimot sa lahat ng ito.



------------------------------------------------------

Mga lalakeeee lalakiiiiii ewan ko sa inyo lahat nlng eh ..magpagawaga nga ako ng survey baka ito lumabas 1 out of 1000 men are loyal, trustworthy, honest, will love you and not hurt you ewaann !!!!

AUTHOR'S POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon