Chapter 4 The Tale of Two Halves

1.5K 29 2
                                    

"Anong drug ang ibinibigay natin sa mga pasyente para magdecrease ang secretions during surgery?" ang tanong ni Mr. Galanza.

"Anticholinergic," ang sagot ng isang estudyante.

"Site 5 surgical complications," muling tanong ng guro.

"Pneumonia, atelectasis, pulmonary embolism, hemorrhage, thrombophlebitis," muling sagot ng estudyante.

"Oh si Lance nalang ba ang sasagot sa mga tanong ko?" nagpamaywang si Mr. Galanza. "Guys tandaan niyo pop quiz ito. Nagbabagsakan kayo sa Med-Surg. Prelims palang oh. Paano kung umabot na tayo sa GI concepts, surgery concepts palang tayo. This is a way for you to catch up, pero paano kayo makakahabol kung ang top ng class niyo lang naman nakakakuha ng extra credit points?"

"Bida ka na naman, friend," bulong ni Cheska kay Lance. Ngumiti lang si Lance sa kaibigan.

"Give me the types of wound according to description," muling tanong ni Mr. Galanza.

"Laceration, abrasion, contusion, incision, avulsion and puncture," ang sagot ng estudyanteng nakaupo sa may bintana.

"Ayan, nagising ang kakambal," ang sabi ni Mr. Galanza.

Ang estudyanteng nakaupo sa bintana ay si Dean, ang kakambal ni Lance. Halos walang pinagkaiba ang mukha ng dalawa maliban sa mas mapanga at mas matangkad si Lance kumpara kay Dean, ngunit mas malaki ang katawan ni Dean kumpara sa kakambal. Mas siryoso din si Lance kumpara sa kakambal.

"Sige nga, tignan natin sino nag advance reading," ang sabi ni Mr. Galanza. "Difference of Hypoxemia and Hypoxia!"

"Hypoxemia is low oxygen in blood, hypoxia is low on oxygen in tissue level. Or cellular level ba?" ang sagot ni Dean.

"Common complication of pulmonary hypertension?"

"Cor Pulmonale a.k.a right sided heart failure," ang sagot ni Lance.

"As manifested by?"

"Jugular vein distention!" ang sagot ni Dean.

"Bakit?"

"Lumiliit ang pulmonary artery, changes in the pulmonary artery leads to abnormal growth and remodeling of pulmonary vessel which will then lead to abnormal vasoconstriction and fibrosis of pulmonary vessels. These changes are progressive and non-reversible. There will be an increase in pressure in the pulmonary system which will then increase the workload of the right ventricle and will lead to right ventricular fairlure. Madadamage ang right ventricle soon enough at madadamay ang right atrium at magkakaroon ng venous return kaya nagkakaroon ng jugular vein distention," ang sagot ni Lance.

"Given to patients with cerebral edema to reduce edeme?"

"Diuretic!" ang sagot ni Dean.

"What diuretic?"

"Mannitol," ang sagot ni Lance.

Ngumiti si Mr. Galanza. "Kung ganito sana kayong lahat ang sarap sarap magturo."

"Quizbee of the twins," ang comment ni Nova.

Napangiti si Lance nang maalala ang isa sa napakaraming araw na napakataas ng tension sa pagitan nila ng kaniyang kakambal dahil sa isang pop quiz sa Medical Surgical lecture nila last semester, halos pitong buwan na ang nakakaraan. Biglang tuloy gustong lumabas ng ICU ni Lance upang makita ang mga classmate niyang nakaduty sa Surgical Ward.

Mag-iisang linggo na si Lance na nakatambay lamang sa loob ng kaniyang kwarto at sa kwarto ng ibang pasyente sa Surgical Ward. Kilala na niya kung sino ang mga pasyente, kung ano ang mga sakit at mga kwento ng mga tao sa ward, nakikichismis sa mga nurses, interns, clerks at mga nursing assistance.

Heart Over MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon