Chapter 4: Bothered

249 2 1
                                    

*Author's Important Note! :

Malamang kung nakaabot na kayo sa chapter na ito na witness nyo na mas nauna ang Chapter 3 kesa sa Chapter 2! Ewan ko rin kung anong nagyari, sana maayos na ito ni Watty, hopefully!

Sana maintindihan nyo rin. Wala po talagang naunang Chapter 3 kesa Chapter 2 sa kasaysayan ng libro/ magazine at newspaper at lalong mas maayos naman ang pages ko!

At another thing pang anim na araw na ito na hindi ko pa nakikita ang chapter 1 - chapter 3 sa wattpad app ko. Mabuti sinubukan ko ang browser kaya na distinguish ko ang problema nya. Sana talaga maayos na to ni watty.

Enjoy reading! :-)





Continuation. . . . . .

Medyo SPG!

Kahit masakit ang ulo ko, I manage myself to drive  hanggang sa makarating ako sa modeling agency na pagmamay ari ng mga Diaz.

Its around ten in the evening when I reached there.

Shit maybe Andrea was not here at this time!

Kaya agad kong tinungo ang bahay nila. Pagpasok at pagpasok ko dun nadatnan ko si Tita Dreina na nanood ng tv, nang nakita nya ako agad syang pumunta sa pwesto ko.

"Good evening iho, masyado ng late ano pang ginagawa mo dito? " tanong sa akin ni Tita na ikinangiti ko.

Andrea was blessed to have a mother like her.

" Good evening Tita, si Andrea po? " tanong ko sa kanya na agad umaliwalas ang mukha nya.

"She's with her friend right now, iho. Umupo ka muna malamang paparating na rin yun. " mahinahon nyang sabi sa akin kaya umupo na rin ako

"Dito ka muna iho ha kukuha lang ako ng snacks mo "sabi nya kaya tumango nalang ako.

Nang makaalis si Tita ay naparadahan ng tingin ko ang mga picture frame namin ni Andrea. Nang kunin ko ito nabigla nalang ako ng may nahulog na dalawang larawan mula dito kaya pinulot ko ito.

Pagtingin ko ay nakita ko ang larawan ni Tita Dreina kasama ang isang batang lalaki. At pagtingin ko naman sa ikalawa ay apat kaming nasa larawan. Siguro mga eight years old palang kami nito.

Bakit hindi ko maalala ang batang lalaki na ito? Well given na may amnesia ako pero namukhaan ko naman si Andrea at ang pinsan ko dito!

Magkaakbay sina Andrea at pinsan ko samantalang masama kong tiningnan ang isang bata.

What the hell! Hindi ko talaga sya nakikita ngayon!

Pagkarating ni Tita, agad ko syang binalingan ng tingin.

"Tita, sino po ba itong batang lalaki na kasama namin? " tanong ko kay Tita na nabigla sa tanong ko tumingin sa larawan

"A-ahm hindi mo ba natatandaan iho. Si Drei yan, bestfriend mo noong bata ka pa, anak ko sya sa unang asawa ko kaya magka edad kayo" sabi ni Tita na nagpalaglag sa panga ko.

"B-akit hindi ko na sya nakikita ngayon Tita?! " nagtataka kong tanong sa kanya kaya lang agad lumungkot ang mukha nya.

"Nag agawan kami ng kanyang ama ng karapatan sa kanya noon. Kaya nga lang, sa kasamaang palad natalo ako. Masyadong makapangyarihan ang mga Sy dito sa bansa natin. " malungkot na sabi Tita na ikinaguilty ko

Pakiramdam ko may kakaiba sa batang ito. Bakit hindi ko na sya makita ngayon? 

Napailing na lang ako ng sumagi sa isip ko ang bulag na babae.

The Love Behind His Voice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon