Chapter 3: ALONG THE ROADS

293 2 0
                                    

Inis kong pinihit ang manibela ng kotse matapos akong babaan ng tawag ni Andrea.

I tried to call her many times but she keeps on rejecting! Ano bang problema nya? 

Well, malamang kasal anan ko nga na umalis kami bigla ng banda patungong Canada! Fuckin shit that CEO!

At naiwan ko pa sila ni Jiela na nag aaway for something na hindi ko talaga malaman laman!

Isa nalang talaga Andrea at kapag hindi ka sumagot hindi na kita pupuntahan dyan!!!

Habang mabilis kong pinatakbo ang kotse at patuloy na dinadial ang number ni Andrea ay napapreno nalang ako bigla ng may babaeng nakayuko sa gitna ng kalsada!

What the hell? Muntikan ko na syang masagasaan! Magpapakamatay ba sya? Ang pangit na nga ng araw ko dinagdagan pa nya! Nakakairita!

Wala akong pakialam sa career ko ngayon at lalong wala akong pakialam sa babaeng yan! Mainit ang ulo ko at kapag ganito wala akong pakialam kahit sinuman ang mabangga ko!

Dahil doon padabog akong  lumabas na kotse habang patuloy parin sa pagkapa sa kalsada ang babae na para bang wala syang pakialam na mabangga!

I am freakin' mad right now!

Kagagaling ko sa napakahabang byahe at concert sa Canada at wala pa akong tulog!  Mayroon pang Andrea na hindi ko malaman ang problema tapos dinagdagan pa nitong baliw na babae na balak pa yata akong gawing kriminal! Crap!

"Hoy babae may balak ka bang magpakamatay! " inis kong sigaw sa kanya.

Shit!  Namamaos na ako, siguro dala na rin ng pagod!

Ngunit nabigla nalang ako ng hindi man lang sya umimik at patuloy lang sa pagkapa sa kalsada habang nakatalikod sa akin.

Ewan ko ba kung may mali ba talaga sa kanya kung bakit may tungkod sa tabi nya at shades sa medyo may kalayuan.

Bwesit malamang kung nagtanga tangahan ako kanina sigurado akong sa kulungan ang bagsak ko. Ridiculous day!

Sa inis ko sa kanya ay mabigat kong inilakad ang mga paa ko patungo sa kinaroroonan nya at hinablot sya para tumayo atsaka hinawakan ang dalawa nyang balikat.

"What the hell is your problem? Kung balak mong magpakamatay wag dito hindi yung nandadamay ka pa ng iba! Freakin'bullshit! " galit kong mura sa kanya kahit namamaos na ang boses.

Pero pagtingin ko sa mukha ng babae bigla nalang may kung anong humaplos sa puso ko.

Ang bilugan nyang mukha, matangos na ilong,  mapupulang labi, mahabang pilik mata na nababagay sa malalalim ngunit walang emosyon na mga mata.

Mga matang nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa puso ko! Mga matang kahugis ng tatoo sa dibdib ko. Namalikmata lang ba ako o masyadong assuming na halos magkatulad talaga ang mga mata nila sa dibdib ko at sa kanya?

Isama mo na rin ang mahabang buhok na nababagay sa kaputian nya at ang bangong pakiramdam ko kay tagal kong hinahanap hanap!

Napabitaw nalang ako mula sa mahigpit kong pagkakahawak sa balikat nya ng maramdaman ko ang kagustuhan kong mayakap sya.

I have inside me the feeling of fulfillness by seeing her! I wanna hug her tight and dont want to let her go?

Nagitla nalang ako mula sa pagkatitig sa kanya ng bumuka amg mapupula nyang labi.

"I-im sorry " nakayuko nyang sabi habang ako napako sa kinatatayuan.

Her voice sounds good to my heart. Para bang miss na miss ko ang boses nyang yun!

The Love Behind His Voice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon