Chapter 5: JEALOUSY

205 2 1
                                    

Ilang araw na rin simula nung encounter namin ng babaeng bulag at nung Dreimon Sy na yun pero sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari.

Parang bang naghalong masama at magandang panaginip ang pangyayaring yun. Everything really bothers me.

Kung boyfriend ba talaga nung babae si Dreimon Sy?
Kung nagsasama na ba sila?

Ang sabi ni Mendez tatlong taon na raw hindi tumira sa kanila ang kinakapatid nya. Malamang kaya tatlong taon na rin silang nagsasama ng babaeng bulag?

Pero bakit ganun nalang kung makareact si Sy kung sa kanya talaga ang babaeng yun?

Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa naiisip? Tang'na ngayon lang ako na e-estress sa buong buhay ko!

Sa mga taong wala naman talaga akong pakialam at wala akong kaalam-alam.

Nagulat nalang ako ng may kumalabit sa akin pagtingin ko ay nakita ko si Xander guitarist ng banda na kunot noong nakatingin sa akin.

Shit, may problema pa pala kami sa music video na kasalukuyang tinataping namin! 

"Relax dude, hindi naman kawalan sa atin yung model. We can continue this without her. " nag aalalang sabi sa akin ni Xander na ikina guilty ko!

What the heck! Inuuna ko pa talagang isipin ang mga bagay na hindi naman mahalaga!

"Mas mabuting pang simulan na natin para matapos na agad " suhestyon ko naman sa director na nakakuha ng atensyon ng lahat na nasa set.

"Mabuti at naiisip mo yan Kez kesa maghintay tayo sa wala. " agad na sagot ng director na ikinatuwa ng lahat

Habang papauwi kami ay napagpasyahan ng mga kasama ko na doon na magpalipas ng madaling araw sa mansyon nila ni Brylle. Ewan ko rin kung bakit gusto ko ding sumama sa kanila.

Well sa totoo lang madalas na man talaga kami sa kanila o di kaya sa amin sa tuwing gusto ng kabanda ko ang magrelax.

Pero ngayon parang hindi ako mapakali. May kung anong bagay na nakakabahala sa buo kong sistema!

Nang makarating kami sa bulwagan ng mansyon ng mga Sy bigla akong ginapangan ng kaba. Alam ko sa pagkakataong ito, si Dreimon Sy ang mas nakakaapekto sa akin. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing maiisip ko magkasama ang dalawa.

Nakaramdam ako bigla ng inis habang nakatingin sa buong mansyon.

Malamang nandyan ang taong nanapak sa akin! Baliin ko kaya ang braso nya?!

Nang makapasok kami ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ng paa ko.

Naiinis ako!

Bakit kelangan sya pa ang naging kinakapatid ni Brylle?

At higit sa lahat bakit magkasama sila ng babaeng bulag na yun. Ano ba ang halaga ng babaeng yun sa buhay niya? At anong karapatan nyang pagbawalan ako na lapitan yung babae?

Nag iinit bigla ang ulo ko sa tuwing maiisip ko yun.

::::::::::::::::::::

Nagising nalang ng makaramdam ako ng uhaw habang tulog na tulog ang mga kabanda ko. Pagtingin ko sa cellphone ay tumambad sa akin ang sandamakmak na missed calls ni Andrea na nagpabalikwas sa akin.

Bwesit malamang ngayon susungitan na naman ako nun!

Habang naglalakad ako sa hallway ng mansyon ay nanlaki bigla ang tenga ko ng may marinig na sigawan mula sa isang kwarto.

Sa kuryusidad ko ay nilinga ko ang paningin at ng masiguro kong walang ibang tao sa paligid ay palihim akong pumunta sa pinanggagalingan ng boses.

" Isa lang naman ang hinihingi ko sayo diba? Manage my company, manage your future company! Tinapos mo nga ang pag aaral mo pero hindi ka naman nagtatrabaho sa kompanya. Ano bang magiging silbi mo? " sigaw na boses mula sa loob na nagpakaba sa akin

The Love Behind His Voice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon