Ding dong...Nasa labas ako ng bahay nila Eunice nagdoorbell na ako kasi hindi padin siya lumalabas,pag ganitong oras kasi nasa labas narin siya at hinhintay akong dumating
Bumukas na yung pintuan nila pero hindi si eunice yung nagbukas
"IKAW BA SI MIGO?"
Mataray niyang tanong sakin. Napalunok nalang ako dahil sa sobrang kaba
(A...ko nga po)
"Sumunod ka sakin"
At pumasok naren ako sa loob ng bahay nila,sinundan ko siya hanggang sa makarating na kame sa kwarto ni eunice
Sumunod naman na pumasok yung mama niya na may dalang tray ang laman ay isang sopas, 2 saging tapos tubig at gamot,inilapag niya yung sa table na nasa loob ng kwarto ni eunice
'Iho,ikaw na muna ang bahala sakanya'
Tumango lang ako at lumabas narin siya ng kwarto
Inilock na ni eunice ang kwarto niya at umupo sa kama niya
"Hindi mo man lang ako tinext na masama pala ang pakiramdan mo"
"Sorry naman hehe,sabihin mo nalang sa mga teachers ko na hindi muna ako papasok ah"
"Okay, kumaen kana muna oh"
Pinakain ko sakanya yung nilutong sopas ng Mommy niya
"Ininom muna ba yung gamot mo?"
Nagulat ako ng bigla niyang nilapag sa kama niya yung mga banig ng mga gamot na hindi niya ininom
"Ang dami na niyan ah, so hindi mo pala iniinom? Eh paano ka niyan gagaling"
"Hay nako MiGo, hindi ako pwedeng uminom kasi nga di ba? Buntis po ako,nasearch ko nun sa google na bawal uminom ng kahit anong gamot ang buntis unless prescribe yung ng O.B niya, eh baka mamaya pagininom ko yan maapektuhan tong baby na dinadala ko"
Oo nga no,hindi ko naisip
"Eh buti hindi ka nahuhuli na hindi mo iniinom yang mga binigay na gamots0 sa'yo?"
"Hehe ako pa magaling akong magtago no, etong mga natira na to eh ifflash ko muna sa c.r wait lang ah"
At pumunta siya dun sa c.r niya at finalash niya yun lahat, iba rin tong si eunice
"Okay na"
Nakangiti niyang paglabas ng c.r at umupo ulet sa higaan niya
"Baka lumala yang sakit mo ,bat hindi ka na kaya magpatingin sa doctor,sasamahan naman kita"
Umiling iling siya sakanagsalita
"Tsk tsk! Hindi rin yun pwede, pagnagpa doctor ako malalaman na nagdadalang tao pala ako eh for sure sasabihin ng doctor na yun ,yun kila mommy kaya mas yare ako, tapos alam na mangyayare papagalitan ako / tayo ng bonggang bongga di ba?"
"Kaya ko naman sarili ko don't worry, water theraphy katapat neto,anong oras na pala oh.pumasok kana baka malate ka pa"
"Babalik nalang ako dito mamaya ah, sige aalis na ako magpahinga ka na, bye cupcake"
Tumayo na kame at bago ako lumabas niyakap ko muna siya at kiniss sa noo
Pababa na ako sa may salas nila ng madatnan kong nakaupo duon ang mommy at ate ni eunice
"Alis na po ako"
(Ay teka iho, paki sabe pala sa mga teachers niyo ng anak ko na hindi na muna siya makakapasok)
"Sige po Mrs. Concepcion"
"Hmm, sige na umalis kana malalate kana"
Bakit parang galit tong ate ni eunice saken? May nagawa ba ako sakanya? Hay!
"Sige po,aalis na po ako" pagpapaalam ko ulet
Palabas na ako sakanila ng tawagin ako ni Eunice sa may bintana ng kwarto niya, nagwave lang siya saken at pabulong na sinabeng
"I Love You"
Sinagot ko naman siya
"I Love You too"
At nagsimula na akong maglakad papunta sa may sakayan