Chapter 8 (Cravings)

42 8 0
                                    


MiGo•

"Son, how's your day?" Daddy

"It was good Dad, lately our teacher in Mathematics choose me to compete for our Math-InterSchool Quiz League that will be on Friday. Ang dami nga po nilang binigay na reviewer saken, ang sakit na nga ng ulo ko dad mukang sasabog na nga eh"

"Just enjoy lang anak,wag mong presurin ang sarili mo manalo ka man o hindi, you will always be our no.1 winner"

'Our dinners ready! Nagdadrama na naman kayong mag-ama diyan'

Habang kumakaen ay may inopen na topic si MiGo sa kanyang mga magulang

"Ah Mom, may kaibigan po ako yung girlfriend niya buntis, yun ganun po ba dapat na pong magpatingin sa doctor?"

Napahinto naman sa pagkain ang Mommy niya

'Mga ilang buwan na ba yung dinadala niya?'

" 4months po"

'4 months na? Buti hindi pa yun nahahalata?, pero dapat pagka ganun magpacheck up na talaga siya kasi baka mamaya may mga dapat na pala siyang inumin na suppliments para mas maging healthy yung baby'

"Anung section ba niyang kinukwento mo Mikel? Dapat diyan malaman na ng school niyo para narin maiexcuse na siya habang maaga pa"

"Ah.. hindi po sa school namen nag-aaral yung girlfriend ng kaibigan ko"

Napapunas ng pawis si MiGo dahil naren sa sobrang takot at kaba

'Ganun ba? Hay nako mga kabataan talaga! Mikel, iwas iwasan muna yang kaibigan muna yan ha? Nako pag nangyare sa'yo yun, hindi ko alam ang gagawin ko! Kaya umayos ka Mikel, alam mo rin naman na hindi pa rin kame ready ng Daddy mo sa mga ganyang bagay, naiintindihan mo?'

"Opo"

Nauna ng natapos kumaen si MiGo, pumasok naren siya sa kwarto niya at humiga sa kanyang kama.

◆Eunice◆

Bumaba na si Eunice ng kwarto niya dahil kakain na sila

"Mom, ano pong ulam?"

(Sinigang na hipon, para naman makahigop ng sabaw si Eunice)

"Wala pa po si Daddy?"

(Malalate ng uwi ang Daddy niyo tumawag kasi sakanya ang ate Eura niyo kanina. Tungkol yun sa isa na namang shop ng damit na ipapatayo ng ate niyo dito sa Pilipinas)

"Taray! Iba na talaga si Ate. astig"

(Ikaw Euna! Tumatanda kana. Baka gusto munang magtrabaho at ng makaipon kana para sa kinabukasan mo)

"Ano bayan, ako na naman ang ginawang topic"

Nagsimula na silang kumaen

"Mom, meron po ba tayong oyster sauce diyan?"

( meron, euna kunin mo sa ref)

"Hala! Ano ba yan"

Padabog na tumayo ang ate ni eunice papunta sa refrigerator

"Oh ayan na. Anong bang trip mo at nilagyan mo ng oyster sauce yang sabaw ng sinigang. Ano bayan nakakadiri"

(Euna! Kumaen kana lang diyan, eunice wag mong paglaruan ang pagkain)

"Mommy, hindi ko po pinaglalaruan yung pagkain ko, hmm mas masarap po kasi ang sabaw pagnilagyan ng oyster sauce hehe, wag niyo na po akong intindihin kumaen na po tayo)

Nagtatakang nakatingin ang mag-ina kay eunice, binalewala nalang ito ng kanilang ina pero si euna ay patuloy parin na tumitingin sa masarap na paghigop ng kanyang kapatid sa mainit na sabaw ng sinigang na hipon

Mag-aalas dose na ng hating gabe ng maalimpungatan si eunice, bumaba siya sa kanilang kusina at uminom ng tubig, nakaramdam siya ng gutom kaya kinuha niya yung balot ng tasty bread na nasa lamesa at kumuha ng pampalaman.
Umupo siya sa upuan at nagpatuloy sa pag-ngasab ng tinapay, para sakanya yun ang pinaka the best na match na palaman ng kanyang kinakain ng tasty bread.

"Sinasabe ko na nga ba eh! Ikaw pala ang umuubos ng pinabibili ko kay Daddy na tasty bread. Akala ko pa naman daga ang may kasalanan yun pala ikaw, hmm ano bayan! Ecckkk. Pwe! Ang lakas talaga ng sapak mo ngayon noh. Bakit ganyan yung pinang- palaman mo sa tasty bread ko"

Ngumiti si eunice at nagpatuloy sa pagnguya at nagpahid muli ng oyster sauce bilang palaman

"Ikaw! nakakahalata na ako sa'yo, umamin ka nga ...."

Nakahinto sa pagkain si eunice at humarap sa kanyang ate

"Ate please! Wag mong sasabihin kay Mommy please. Gagaewn ko lahat ng gusto mo please ate, wag mulang sasabihin sakanila"

Pagmamakaawa neto sakanya.



"HA? Ang pinagsasabe mo? Ay nako, hindi kasi ako pinapatapos magsalita eh, pinapaamin kita kung ikaw din ba yung umiinom ng tinatabe kong yogurt dito sa ref."

Nakahinga ng maluwag si eunice ng malamang hindi pala yun ang tinutukoy ng ate niya

"Hehe yun pala yun, akala ko naman yung ano na haha. Pero alam ko kung sino yung umiinom ng yogurt mo"

"Sino naman yun aber?"

"Si Daddy"

"Si Daddy? Paanong .."

"Nahuli ko siya minsan na iniinom yun, ewan ko ba dun hayaan muna sakanya naman nang gagaling yung pinangbibili mo dun di ba? Hehe sige ate, tulog na ako Good Night to you"

At naiwang nakatulala ang mabait na anak na si Euna, nagtataka kung bakit ang Daddy niya ang umiinom nun? Eh sa pagkaka-alam niya pangdiet yun


"SHOCKS! Kaya pala netong nakaraang araw sumesexy na si Daddy"

The Unexpected Blessing (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon