Gabi na naman! Naalala ko tuloy yung pinainting ko kanina yung nagbike kame ni MiGo, kinuha ko yung box sa may kabinet duon ko kasi nilalagay lahat ng mga memorable things namen ni MiGo like cards, keychains at mga pictures namen sa iba't-ibang place na pinuntahan namen
Naalala ko din yung time na mag-gagala dapat kami kaso biglang umulan kaya naligo nalang kami sa ulan tapos dumiretcho nalang kami sa bahay nila,
"Eunice, maligo ka na para hindi ka magkasakit"
Kaya nakiligo ako sakanila nun, pinahiram niya rin ako ng damit niya,naglaro din kami non ng playing cards at kung sino ang matalo lalagyan ng dot sa mukha gamit ang marker, noong natapos kami sa paglalaro nagluto naman siya ng noodles tapos sabay kaming kumain, ang saya nga e!
Yung araw naring yun duon na naganap ang first namen.
Binalik ko na ulet sa box yung mga pictures namen
(Eunice, bumaba ka na at kakain na tayo)
"Opo"
_ _ _
Next Morning ^_^
Sabay kami nila Lyra na magrecess, nagpaalam naman sakin si MiGo na hindi muna siya makakasabay sakin
Habang naglalakad kami sa may court nakita ko si MiGo na may kinakaladkad yung white board papuntang office
"Pres. Hala sino yun?"
May dumating kasing babae
"Eunice, nagkiss sila oh!" Sabe ni Lyra
Lumapit kasi yung babae kay MiGo at nagkiss ata sila sa likod ng white board
Inabangan ko yung babae at laking gulat ko ng si Chelsea pala yung babae kanina
Sinabunutan ko siya at pinagsasampal dahil sa sobrang galit ko, inawat naman kami ni MiGo
"Eunice, tama na!"
At inilabas niya na ako sa room na yun, nang naguwian na hindi ko parin siya pinansin
"Cupcake, kausapin muna man ako"
Tuloy parin ako sa paglalakad
"Wag munang uulitin yun ah! Alam mo namang makakasama sa'yo at sa baby naten pag-ginawa mo pa yun"
"Paanong hindi ko yun gagawin sakanya? Nakita kong lumapit siya sa'yo at hinalikan ka niya, tingin mo makakapagtimpi ako?"
"Anong hinalikan? Mali ka ng akala Eunice, may ibinigay lang siya saking libro na pinapasauli niya kay Rudolf yung classmate ko "
"Eh nakita kong hinalikan ka niya e!"
"Nakita mo ba talaga? Sino naman nagsabe sa'yo ng ganun at nakapagconclude ka kaagad? tsaka tingin mo ba na papayag akong pagpahalik sakanya ha,?"
"Ano? Sina Lyra kasi, sila yung nagsabi sakin e nakita ko namang lumapit si Chelsea sayo kaya akala ko talaga nagkiss kayo nun"
"Hahaha ikaw talaga, hinding hindi mangyayari yun. Ikaw lang ang babaeng pwedeng kumiss sakin"
Nagblush ako sa sinabe niyang yun at inakbayan niya na ako
"Dahil nagalit ka sakin kanina, kain nalang tayo ng ice cream"
"Yes! Gusto ko strawberry flavor, chess, chocolate, ube, vanilla, mocha.."
"Bilhin ko nalang kaya yung buong ice cream parlor , parang lahat ng flavors kasi gusto mong kainin e"
"Hahaha hindi naman"
"Ikaw talaga ang cute, cute, cute mo"
Tapos kinurot kurot niya yung pisngi ko
Nasa may ice cream parlor na kami, umorder siya ng napakaraming ice creams different flavors shempre
"Cupcake, may ibibigay nga pala ako sa'yo"
Inilabas niya mula sa bag niya yung naka balot na regalo
"Anong meron bakit mo ko binigyan neto?"
Inalog alog ko muna mamaya tinitrip lang ako ni MiGo at mamaya niyan pagbukas ko may lamang ipis 'to sa loob o ano pa man!
"Wala lang, Buksan mo na"
Kahit medyo naeexcite ako na may halos takot din kasi mamaya kung anong laman neto di ba?
"Oh bakit ayaw mo pang buksan?"
"Ii baka kung anong meron sa loob niyan e"
"Ako na nga magbubukas"
Hinatak ko sakanya
"Ako na"
Sinira ko na yung wrapper at binuksan ko yung box, nasurprise ako dahil necklace pala yung laman tapos half lang yung heart na pendant at may nakasulat
"Nasaan na yung kalahati?"
Inilabas niya mula sa loob ng uniform niya yung necklace na suot niya
Tinanggal niya yun sa pagkakasuot niya at minatch sa necklace na hawak ko
Nabuo duon ang isang heart shape at pinaghalong pangalan namin yung nasa loob which is " EuMi"
"Wow ang cute, thank you Mallows"
Niyakap ko siya ng mabilis lang at isinuot niya sakin yung necklace at nagpicture kami hehe may ilalagay na naman ako sa memory box namen ni MiGo
Umuwe na kami at nagpaalam sa isa't-isa
"Mag-iingat ka lagi ah, sa sabado nga pala libre ka ba?"
"Hmm oo, bakit?"
"Magoouting tayo"
"Wow, sige sige text mo nalang ako ah"
"Okay, alis na ako bye Eunice"
"Bye MiGo"
Nagflying kiss ako sakanya tapos kinuha niya naman yun saka nag heart shape siya sa kamay niya at tumuro turo sakin
I 💗 U