Samantha's pov
Pagkatapos kong ilipat ang mga halaman sa paso ay tahimik akong umupo sa bench na malapit sa green house habang pinapakiramdaman ang hangin na dumadapo sa aking balat.
Habang nakatingin ako sa langit ay naalala ko ang aking mga magulang "miss ko na sila" mahinang usal ko. Simula sanggol ay hindi ko na sila nakasama, lumaki akong nagiisa tanging si nanay lorena lang ang nagalaga sa akin. Isa siya sa mabubuting tao na tumulong sa amin, kapitbahay namin siya at isa siyang matandang dalaga kaya ng iwan ako nila mama sa kanya ay pumayag siya dahil nga sa nagiisa din siya at para makatulong na din daw kila mama.
Kahit nasa bilangguan sila mama ay palagi ko pa rin silang nakikita, lagi kaming pumupunta doon ni nanay lorena kaya alam ko na hindi si nanay lorena ang totoo kong ina, ganun pa man itinuring ko rin siyang parang tunay kong ina.
Lumaki ako na ganoon ang sitwasyon namin, kaya minsan tinanong ko sila papa kong bakit sila nasa bilangguan, dahil ang alam ko noon pag nasa bilannguan ka ay may nagawa kang kasalanan kaya tinanong ko sila, sinagot naman nila ako, pinagbintangan daw sila na ninakawan daw nila ang mga montisilva, doon daw kasi sila sa hacienda ng mga montisilva sila nagtratrabaho noon. Sila daw ang diniin ni anthon montisilva kaya sila nakulong.
Nung nalaman ko yun nagalit ako, at mas lalong lumaki ang galit ko nung nalaman ko na ang mga montisilva din ang dahilan kung bakit namantay ang lolo ko.
Mas tumindi ang galit ko sa angkan ng mga montisilva sa nalaman ko, kaya naisipan ko na pag dumating na ako sa tamang edad gaganti ako sa kanila, kaya ako nanditi ngayon sa sta. Ana para gawin ang plano kong paghihiganti.
Hindi ko naman maiisipang gumanti kong wala silang ginawa sa magulang at lolo ko, sila ang dahilan kung bakit hindi ko naranasan magkaroon ng masayang pamilya, sila ang dahilan kung bakit namatay si lolo, sila ang dahilan kung bakit nakakulong sila mama at papa, at sila ang dahilan ng paghihirap ko kaya sisingilin ko din sila sa pagkakautang nila sa akin.
Dahil sa sobrang pagiisip hindi ko na namanlayan na umiiyak na pala ako, pinahid ko ang luha ki bago tumayo at pumasok sa loob ng mansyon.
Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako ng banyo, tumapat ako sa salamin at tinignan ang aking kabuuan. Ganoon pa rin ako katawan ko pero medyo pumayat ako ng konti, hinaplos ko ang makinis kong mukha pababa sa aking leeg hanggang sa akin balikat.
Hindi ko maipagkakailang maganda nga ako, dahil marami ang pumupuri at nagsasabi sa akin na ako raw ay parang diyosa, alam ko naman yun pero hindi ko maiwasang mailang pag paulit ulit nila ako pinupuri. Marami din ang nagtangkang ligawan ako pero isa man sa kanila ay wala akong sinagot dahil wala naman akong napupusuan.
Isa pa wala pa noon sa isip ko ang pagnonobyo dahil takot akong masaktan. Nasa ganoon akong pagiisip ng may kumatok sa aking silid.
"Tok! Tok!"
"Sino yan? " tanong ko
"Ako to iha" usal ng nasa labas
Dali dali akong tumayo at binuksan yung pinto "kayo po pala senyonra, ano po bang kailang niyo?" Magalang kong tanong
"Gusto sana kitang makasabay sa tanghalian wala kasi akong kasabay" sabi nya
"Nakakahiya naman po, wag na lang po, sasabay nalang po ako kila aling dalia na kumain"
"Sige na iha, wag ka ng mahiya, tsaka isa pa hindi ka naman dito katulong ee." Pagpipilit niya pa
"Sige na nga po, sunod na lang po ako" natatawa kong sabi
"Sige iha, hihintayin kita ha" nkangiting sabi niya bago umalis
Inayos ko muna ang silid ko bago lumabas.
Pagdating ko sa hapag ay umupo na ako "kain ka lang iha, wag kang mahihiya" sabi sa akin ni senyora. Tanging simpleng ngiti lang ang isinagot ko dito.
"Nasan na ba ang mga magulang mO iha " biglang tanong nito
"Nasa maynila po" kinakabahang sagot ko baka kasi malimali ang maisagot ko baka magkahinala sila sa tunay kong pagkatao
Laking pasasalamat ko at hindi ulit siya nagtanong pa. "Lagi ka ng sasabay sa amin na kumain para pag wala akong kasama eh may kasabay pa rin ako" sabi niya
"Sige ho, kung yan ang gusto niyo basta po hindi magagalit si sir greg"
"Wag mong alalahanin ang anak kong yon, mabait naman yon sadyang hindi lang palangiti at madaldal kaya napagkakamalang masungit pero mabait yon" mahabang paliwanag niya
"Kaya nga po, mukhang masungit" natatawa kong sabi
Tumawa lang ito at wala ng sinabi, nang tapos na ako ay nagpaalam na ako kay senyora "mauna na po ako senyora para matapos ko na po ang pagdidilig sa mga halaman"
"Tapos kana ba iha, mukhang hindi ka naman nabusog" nagaalalang wika nito
"Ay! Hindi po, busog po ako, ang sarap nga po na ulam na hinanda niyo" sabi ko
"ganoon ba? Akala ko kasi hindi mo nagustuha ang pagkain"
"Nagustuhan ko po, salamat po, tsaka mauna po ako at tatapusin ko pa ang pagdidilig" ulit ko sa sinabi ko kanina
"Oh sige iha, kung pagod kana magpahinga ka muna." Bilin niya
"Opo." Nakangiti kong sabi. Paglabas ko ng mansyon ay napangiti ako "totoo pala ang sinabi ni tata isko, mabait talaga si senyora. Naalala ko tuloy sa kanya si mama" mahina kong sambit bago tuluyang tumuloy sa green house.
BINABASA MO ANG
Her Revenge
RandomKaya bang matanggal ng pagibig ang galit at poot sa puso ng isang taong nais maghiganti?