Chapter one

88 2 0
                                    

Samantha pov.

'Sa dulo po ng sta. Ana' sabi ko sa driver pagkasakAy ko

'malapit po sa mansyon ng mga Montisilva?' Tanong ng driver

' siguro' sagot ko

'Alam ko na ho yun' sagot niya

Habang tinatahak namin ang daan papunta doon hindi ko mapigilang magmasid, mukha namang tahimik dito. May mga nadadaan kaming magsasaka na nasa bukid. Lubak lubak din ang daan, hindi katulad sa maynila na semento ang mga daanan. Dito sariwa ang hangin samantalang sa manila ay amoy usok.

Maya maya biglang nagsalita yung driver 'ayon ho ang mansyon ng mga montisilva miss' sabay turo ng driver sa kinarorounan ng mansyon ng mga montisilva.

Tinignan ko ang lugar na sinasabi ng driver at napanganga ako sa aking nakita dahil sa ganda at laki ng bahay, 'talaga ngang mayaman ang angkan nila' sabi ko sa aking sarili.

'sino po ba sila manong?' kunyaring tanong ko sa driver, wala dapat makaalam kung bakit ako andito dahil tanging ako lang ang nakakaalam ng tunay kong pakay sa lugar na ito.

'sila ho ang may ari ng lugar na ito, tsaka mababait din po sila mas lalo na po sila don anthon at ang kanyang asawa,pati din po ang dalawa niyang anak na lalaki medyo may pagkasuplado na Lang po' sagot ng driver.

'Aahh..' yon na lang ang naisagot ko

'Andito na ho tayo miss' pukaw ng driver sa akin

Heto po manong, salamat' sabi ko bago tuluyang bumaba.

Pagkababa ko may natanaw akong maliit na kubo di kalayuan sa kinarorounan ko.

'yon na siguro ang bahay ni tata isko' sabi ko sa aking sarili

'Tao po!' Tawag ko sa kung sino man ang tao sa loob.

Mayamaya may nakita akong matanda na lumabas sa pinto ' anong kailangan mo iha? ' wika niya

' ako po si samantha, anak po ni joseph, kayo po ba si tata isko? ' magalang kong tanong

' ay! Ikaw na ba yan iha, halika pasok ka ' aya niya sa akin

'pagpasensyahan mo na itong bahay ko iha luma na kasi, halika ihatid kita sa kwarto mo, magpahinga ka muna bago tayo magkwentuhan' sabi niya

' ayos lang po sa akin ang ganito, salamat po tata isko ' sabi ko

' Sige labas muna ako ha, magpahinga ka muna ' sagot niya

' sige po '

nagpahinga muna ako bago nagayos ng mga gamit ko.

******

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si tata isko na kumakain ' halika iha kain kana ' alok niya sa akin

Pag upo Kumuha na ako ng kanin at ulam. pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na yung pinagkainan namin saka ako pumunta sa maliit na sala ng bahay.

' pupunta ako bukas ng mansyon dahil akoy magdedeliver ng mga gulay kaya kung gusto mo summa kana para matanong na natin kung may pupuweding trabaho sa iyo doon ' mahabang sabi niya

' sige po, sasama na ako ' sagot ko

' mag ingat ka doon iha, mabait man si senora silvia at wala man doon ang kanyang asawa at bunsong anak ay nandoon naman si senorito greg, tahimik man yun pero malakas  ang pakiramdam kaya mag ingat ka sa kanya ' mahabang paliwanag niya.

' opo, wag po kayong magalala magiingat po ako doon ' sagot ko, alam kong alam ni tata isko kung bakit ako nandito dahil sinulatan siya ni papa bago ako magpunta rito para daw may tutulong sa akin.

Hindi na ako makapaghintay para bukas, sa wakas  makikita ko na rin ang mga taong dahilan ng paghihirap ng pamilya ko, sisiguraduhin kong magagawa ko ang plano ko,at wala ng makakpigil  sa akin.

ang panganay na anak ng montisilva na si greg ang unang aani ng galit ko, dahil siya lang naman ang nasa mansyon ayon din kay tata isko, sisiguraduhin kong sa unang pagkikita namin ay makukuha ko ang simpatiya niya.


Her RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon