Samantha pov.
' mag iingat ka doon iha. Mabait man si senyora silvia at bihira umuwi si don anthon at ang kanilang bunsong anak na si nate, ang panganay naman si greg, bagama't walang kibo, ay matalino. Baka mahalata ka niya.' Paalala sa sa akin ni tata isko
' huwag po magalala, magiingat po ako doon. ' paninigurado ko sa kanya. Ngayong nakapasok na ako sa mansyon sisiguraduhin kong magagawa ko na ang plano ko.
' kung ganon, halika na, ihahatid na kita, basta tandaan mo wala dapat makaalam na apo kita, baka magkahinala sila kung sino ang magulang mo ' wika ni tata isko
' opo '
Pag pasok ko sa sa servant quarter linibot ko ang paningen ko para makita ang kabuan ng kwarto. Bagama't maliit ay okay na ito sa akin, may malaking salamin sa dulo, may kabinet at may maliit na lamesa sa tabi ng single bed na kama.
' okay ka na ba dito iha? ' tanong ni senyora.
' okay na po, salamat po ult ' nakangiting sabi ko.
' sige, mauna na ako sa labas, sumunod ka na lang pag tapos ka ng magpahinga at maayos ang gamit mo para maituro ko sa iyo ang mga gagawin mo doon sa green house ' mahabang pahayag niya.
Parang nag iiba ang pagtingen ko sa mga montisilva dahil sa pinapakitang kilos ni senyora pero ganoon pa man pinilit ko pa ring ignurahin ang mga iyon, pilit ko pa ring tinatatak ang ginawa nila sa aking magulang, na kailangan nilang bayaran.
**********
Samantha's pov
Pagkatapos akong turuan ni senyora silvia ay umalis na siya dahil may kailangan pa daw siyang gawin.
Habang nagdidilig ako ng mga bulakalak ay naisip ko ang aking mga magulang, kung kasama ko lang sana sila ngayon ay masaya sana kami at hindi ko sana hahangaring gumanti sa mga montisilva. Pero nandito ako kaya wala ng atrasan to.
Abala ako sa aking ginagawa ng makarinig ako ng paparating na kabayo.
Hiyaaaa!
Hiyaaaa!
Hiyaaaa!
Lumingon ako sa harap ng mansyon para makita kung sino yung sakay ng kabayo, kaya lang sa kamalasmalasan eh nakatalikod siya sa gawi ko kaya likod lang niya ang nakikita ko.
"Siya na kaya yung panganay na anak ng mga montisilva?" Sa isip isip ko. Dahil nakatlikod siya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya, matipuno ang katawan, ang ganda ng kanyang tindig,at mukhang ang lakas ng dating. "Kaya siguro masungit dahil gwapo, tssk!"
Nang pumasok na siya sa mansyon ay tinuloy ko na ang aking ginagawa.
**********:
Third person's pov
Pagkapasok ng binata sa mansyon ay sinalubong siya ng kanyang ina.
"Kumusta ang pagaani iho?" Tanong ng ginang
"Ayos naman po ma." Sagot ng binata
"Mabuti naman kung ganoon, magpahinga ka muna at mamayang konti ay kakain na tayo" sabi ng ginang
"Sige ma, jan lang ako sa swimming pool" paalam ng binata.
Paupo na sana siya ng mapansin niyang may tao sa green house ng kanyang ina, "wala namang ibang pumapasok sa green house kundi si mama lang, sino naman kaya ang taong yan at nakapasok jan" tanong niya sa kanyang sarili. "Puntahan ko na nga lang, baka si mang simon lng yan"
Habang papalapit ang binata ay napansin na niyang babae ang nasa loob ng green house, nang tuluyan na siyang nakapasok ay doon niya nalaman na nagdidilig pala ito ng mga bulaklak.
"Sino ka?" Tanong niya sa dalaga
Ayyyy! Gulat na sabi ng dalaga, dahil sa sobrang gulat ay di niya nakontrol ang kanyang sarili kaya siya nadulas.
Hinihintay niya na lang na mahulog siya sa lupa ngunit may naramdaman siyang matitigas na bisig na sumalo sakanya.
Pagmulat niya ng kanya mata ay mas lalo siyang nagulat dahil ang lapit na ng mukha nila sa isat isa dahilan para mapabitiw siya sa lalaki at mahulog sa lupa.
" araayy!!" Sabi niya sabay hawak niya sa kanyang paa ng makita niyang nakatingen sa kanya ang lalaki.
"Araayy! Ang sakit!!" Kunyaring daing niya
"Hey! Are you okay? Saan ang masakit?" Tanong sa kanya ng binta.
"Yung paa ko! Aray! Ang sakit!" Kunyaring sabi niya. Habang hinihilot ng binata ang paa niya ay napagmasdan niya ito. "Ang tangos ng ilong niya, mapupula pa ang kanyang mgab labi, at napakagwapo niya pa" sabi ng dalaga sa kanyang isip
Dahil sa kanyang pagiisip hindi niya namalayan na binuhat na pala siya ng binata.
"Ihatid na kita sa kwarto mo, siguradong mahihirapan kang maglakad dahil jan sa pilay mo" saad ng binata.
Wala na siyang nagawa kaya ikinawit nalang niya ang kanyang kamay sa leeg ng binata. Habang buhat niya ang binata ay naramdaman niya ang matigas nitong dibdib at balikat.
Pagkarating nila sa kanyang silid ay inilapag siya ng binata sa kanyang kama at ng akmang aalis na ang binata ay mas lalo niya hinigpitan ang pagkakakapit ng kanyang kamay sa leeg nito dahilan para magdikit ang kanilang katawan.
Nagkatitigan sila at unti unting naglapat ang kanilang labi. Ngunit di nagtagal ay biglang huminto ang binata saka tumayo. "kung ano man ang dahilan mo ng pagpunta dito ay mas maganda pang umalis kana" saad ng binata.
" anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ng dalaga.
"Ang isang matinong babae ay hindi basta basta magpapahalik sa lalaki mas lalo na at hindi pa niya ito lubusang kilala, kaya nasisiguro kong may dahilan ka kaya ka nagpunta dito, ang mas maganda pa umalis kana lang dito at bumalik sa maynila" sagot ng binata bago lumabas ng kwarto. " papupuntahin ko dito si aling dalia para hilutin yang pilay mo" dagdag pa ng binata bago lumabas.
"Tignan lang natin greg, sigurado akong nakuha ko na ang simpatya mo kaya madali ko ng magagawa ang plano ko." Nangingiting sabi ni samantha habang nakatingen sa pintong nilabasan ng binata.
********
Sorry ngayon lang nakapagupdate. Hope u understand guys. :')
~ char! ❤

BINABASA MO ANG
Her Revenge
RandomKaya bang matanggal ng pagibig ang galit at poot sa puso ng isang taong nais maghiganti?