Samantha pov.
Kinabukasan pagkatapos kong gawin ang morning routine ko lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si tata isko sa labas na naghahanda na ng mga dadalhin namin papunta sa mansyon.
' tapos kana ba iha? ' tanong niya
' opo, alis na po ba tayo? ' sabi ko
' sige, tara na. ' aya niya sa akin.
Malayo pa lang kami sa mansyon pero nakikita na namin ito, talagang mayaman ang mga montisilva kaya nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin dahil sa pera nila. Kahit walang kalaban laban sa kanila pinapatulan nila, katulad ng magulang ko na wala naman ginawa kundi ang pagsilbihan sila pero ano ang pinalit nila pinagbintangan pa sila ng bagay na hindi naman nila ginawa.
Nung narating na namin ang gate ay pinagbuksan kami ng guard. Tinignan ko ang malawak na loob ng mansyon, maganda sa loob, maraming halaman parang may green house malapit sa pool, ang dami ding sasakyan na nakaparada sa garahe, sino kaya ang gumagamit ng mga ito bili sila ng bili, kung sa bagay marami namn silang pera.
' tara na sa loob iha ' pagpukaw sa akin ni tata isko
' sige ho, susunod na ako ' sabi ko, gusto ko pa kasi libutin ang mansyon.
******
Third person pov.
@ loob ng mansyon
' si senyora silvia po? ' tanong ni tata isko sa nakita niyang katulong pagpasok niya ng mansyon.
' nasa komedor po '
Dumeretso si tata isko sa komedor at naabutan niya doon si senyora silvia na masayang nakikipagusap sa panganay na anak na si greg.
' good morning po ' magalang na sabi ng matanda.
' ang aga mo ngayon tata isko, halika sumabay kana sa amin magbreakfast ' sabi ni senyora silvia. Kahit may kaya sa buhay ay hindi matapobre ang mga montisilva mas lalo na si senyora silvia.
' wag na po senyora, nakakahiya naman po sa inyo ' sagot ng matanda.
' sige na , wag ka ng mahiya tata isko ' aya ulit ng ginang. ' manang maglagay ka pa ng isang plato dito para kay tata isko '
Nahihiya man pero hindi na nakatanggi ang matanda sa ginang, alanganing sinulyapan ng matanda ang anak na panganay na anak ng mga montisilva na si greg.
' kain na ho kayo ' aya din ng binata kay tata isko, hindi man siya palakibo ay alam niyang nahihiya sa kanya ang matanda.
' mauna na ako mama ' paalam ng binata ng matapos na itong kumain
' sige iho, magingat ka. '
' alis na ho ako tata isko ' paalam din ng binata sa matanda, tumango lang naman ito kaya tuluyan ng lumabas ang binata.
*********
Samantha pov.
Habang tinignan ko ang mga halaman may narinig akong tunog ng kabayo na papaalis, nung lumingon ako ay may nakita akong lalaking nakasakay sa kabayo pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito at tuluyan ng nakaalis ang kabayo kaya hindi ko na ito nakita.Maya maya napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob ng mansyon.
May nakita akong kasambahay na naglilins malapit sa hagdan kaya nagtanong ako.
' ate nasan po si tata isko? '
' nasa komedor po '
' pwedi po pakisamahan ako doon ' sabi ko, hindi ko kasi alm kung saan yun kaya magpapasama na lang ako.
Sinundan ko na lang ang daang tinahak niya at ng makarating kami doon ay nakita ko si tata isko na masayang kausap ang medyo may edad na babae.
' tata isko ' pukaw ko sa kanila, kaya napatingen naman sila sa akin.
' halika dito iha, ipakikilala kita kay senyora ' pagtawag sa akin ni tata isko, kaya lumapit naman ako.
' ito nga po pala si samantha senyora, anak po ng kaibigan ko na taga maynila eh naghahanap po ng trabaho, kaya nagbabakasali lang po kung may pwedi kayong maibigay sa kanya na trabaho. Pagpapakilala sa akin ni tata isko.
' good morning po senyora ' pagbati ko sa ginang.
' good morning din iha, napaganda mo naman, bakit dito ka pa sa probinsya naghanap ng trabaho, sa ganda mong yan imposibleng walang tatanggap sayo sa maynila. ' malambing na sabi niya.
' kayo din po napakaganda ' puri ko sa kanya dahil kahit may edad na ito ay halata pa rin ang ganda niya. ' mababa lang po kasi ang natapos ko, high school graduate lang po ' dagdag ko pa.
' ay! Sayang naman, anyway pwedi kana bang checker sa kiskisan? ' tanong niya
' mababa lang po pinagaralan ko baka po hindi ko kaya ' tanggi ko, ang gusto ko kasi ay yung maka labas pasok ako sa mansyon para magawa ko ang plano ko. ' kung gusto niyo po gawin niyo na lang akong kasambhay o kaya naman po hardinera, nakita ko po yung mga halaman niyo sa green house ang gaganda at malalago po, kaya ko pong mag alaga ng halaman malamig po ang kamay ko kaya mapapalago ko pa yung nga halaman niyo. ' suggest ko
' talaga bang malamig ang kamay mo sa pagaalaga ng mga halaman? ' naniniguradong tanong niya.
' opo, hindi po ako mapapahiya sa inyo ' sagot ko
' sige, susubukan muna kita ng ilang linngo, kapag nakita kong kaya mong alagaan ang mga halaman ko ay kukunin na kitang regular , kaya dapat dito ka na rin tumira ' wika niya
' hindi na po, uuwi na lang po ako kay tata isko '
' baka mahirapan ka pa, may bakante pang silid sa servants quarter, maaari mo iyong gamitin kung hindi ka maselan at- '
' naku! Hindi po, sanay po akong tumira sa maliit na bahay. '
' mabuti kung ganun, libre na ang kakain mo, at ang magigin sahod mo naman- '
' huwag po na nating pagusapan yan, malaking bagay na po na makaraos ako sa araw araw na pagkain. Gusto ko munang patunayan sa inyo na hindi po kayo nagkamali sa pag kuha sa akin. ' nakangiting sabi ko
Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko. ' alam mo iha, magaan ang loob ko sayo. Palagay koy magkakasundo tayo. '
' salamat naman po kung ganoon. ' nakangiti ding sabi ko.
****
Hi guys, ngayon lang ulit nakapagupdate busy ee. Haha
keep reading. ☺
Lovelots! ❤❤
~ charchar.
BINABASA MO ANG
Her Revenge
LosoweKaya bang matanggal ng pagibig ang galit at poot sa puso ng isang taong nais maghiganti?