Chapter 1

55K 711 42
                                    



Chapter 1

School

I hurriedly ready myself to go to school, kahit naman  feeling Gangster ako, I try my best to be a good student or else I will kiss goodbye to my freedom at yun ang bagay na kahit kailan hindi ko gugustuhin. Isa pa hindi habang buhay puro bulakbol at basag-ulo nalang ang gagawin ko.

Humarap ako sa salamin napahawak ako sa pilat na nasa dibdib ko. Napabuntong hininga ako at sinara ko ang huling butones ng damit ko.

Pinusod ko ang aking buhok and wear my eyeglass. Hinaplos ko ng bahagay ang damit ko. Like a typical high school girl.

"Boss bumaba ka na daw diyan kakain na!"

"Oo!"

Ako nga pala si Mylene Alecsa Ysmael Salazar, 18 years old. I know too old for a high school student but I started studying when I was nine. My parents died when I was six in a car accident and it took me 3 years to recover.

Kwento pa ni Kuya sa akin yung aksidente daw nila ang dahilan kung bakit ako naospital noon. He also told me that I was comatose for a year. Akala nga nila noon hindi na ako gigising but luckily I woke up, though I lost my memories.

Naalala ko pa noon nung nagising ako kahit si Kuya hindi ko matandaan halos isang buwan niya akong inalo bago ko siya tuluyang kinausap.

Simula noon si Kuya na ang nag-aruga at nagtaguyod sa akin katulong ang mga kabarkada niya pati na rin ang pamana sa kanya, matagal na rin kasing patay ang mga Lolo't Lola namin wala rin akong nakilalang malapit na kamag-anak, kaya kaming dalawa nalang talaga.

"Mac kakain na sabi!!"

Mukhang masama ang gising ni Kuya. Halos patakbo na akong bumaba ng hagdanan baka makaladkad ang tainga ko ng wala sa oras.

They all called me Mac or Macey that's my nickname. Most of the---nah all the student in school even in our house they used to called me that so than Aya.

Pagbaba ko nakaupo na sila sa hapag-kainan. Dahan-dahan akong bumaba, masama ang kutob ko masyado silang tahimk daig pa nila ang mga anghel sa katahimikan. Nalintikan na talaga. Nagdasal nalang ako na sana mali ang hinala ko.

Huminga ako ng malalim. Walk near Kuya to greet him.

"Good morning AHH—Pakshet na!" napatakip kaagad ako ng bibig ko. Shit naman talaga. Never ever cuss in front of him or else."ARAAAAY!" iyak-tawa ko dahil sa sobrang sakit.

"Pakshet?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Sorry-AAH!" Halos hawakan ko na ang kamay ni Kuyang nakapingot ngayon sa tainga ko. Bawat aray ko parang napapasabay pa ang Phantoms at napapalunok habang nakatingin sa aming dalawa ni Kuya.

"Nasasanay ka ng magmura ng magmura tapos nagsisinungaling ka pa!"

"Hindi naman---ARAAY!" Lalo ba namang hinatak pataas. Patawa talaga ito si Kuya!

"Master—"

"Upo!" Sita ni Kuya. Kaagad na napabalik upo si Storm. "Kaya nagkakaganito ito'ng si Mac dahil kinukunsinte niyo."

"At ikaw." Nang tumingin siya sa akin kaagad akong nagpaawa effect. I crossed my finger gumana ka please. "Tsk." Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan niya ang tainga ko. "Maupo ka dyan at kumain masamang pinaghihintay ang pagkain." Pakiramdam ko wala na akong tainga sa ginawa niya.

"Kuya ~"

"Huwag mo kong maKuya-Kuya dyan. Hindi pa tayo tapos." Parang ayaw ko nalang matapos kumain.

The Gangster's Princess (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon