Chapter 9
+++Mac's POV+++
"I-----" napatitig ako sa kanya. Naghihintay ng mga susunod na salita niyang sasabihin.
"I?" I mimic him.
Masyado siyang pabitin ang lakas na kaya ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ito na iyon eh. Ito na iyong araw na matatapos na ang matagal ko ng paghihintay.
Sasabihin niya na kaya sa aking mahal niya rin ako? Does the I represent for I loveyou? or maybe I like you? or I want you.
Jusmiyo kung ano-ano ng iniisip ko? Mukha akong ewan na nakangiti dito. Mamaya iniisip ko ang ganoong bagay iyon pala ang gusto niyang sabihin sa akin ay I hate you.
Bigla akong nanlumo dahil sa naisip ko.
Paano kung iyon nga ang ibig sabihin noon na ayaw niya talaga sa akin at kaya niya ginagawa ito ay kahit paano mabawasan iyong sakit na mararamdaman ko?
"Jerome...?" I ask him impatiently
"I...L.."
But that moment interrupted when his phone rang. Badtrip!
By the looks of him mukhang nainis din siya sa kung sino man ang tumawatag sa kanya.
Ayan kasi dala-dala pa ng cellphone eh!
"Saglit lang Mac." sabi niya sabay bitaw sa akin. He looks at his phone to check who's calling.
Napalunok siya at parang di sigurado kung sasaguting niya ba. He sighed and look at me.
"Bakit?" tanong ko.
"Sasagutin ko lang" tinanguan ko nalang siya, para namang may choice ako di ba?
Bahagya siyang lumayo saka sinagot ang tawag. Umupo nalang muna ako saka uminom ng tubig na nasa may lamesa.
I look at him still talking in his phone. Ako lang ba o palayo siya ng palayo?
Nakahalumbaba ako at iniikot ang baso na may lamang tubig habang pinapanuod siyang makipag-usap sa cellphone.
Napaupo ako ng maayos ng makitang pabalik na siya.
"M-Mac. Ano, pasensya na. May pupuntahan lang ako sa lobby mabilis lang ito promise. Hintayin mo ko dito. papauntahin ko na din iyong waiter para kung nagugutom ka na pwede kang humingi ng pagkain."
Hindi pa ako nakakasagot pero bigla na siyang tumakbo at parang nagmamadali.
Wow! Nakapaimportante naman noon para ganoon kabilis tumakbo!
Maghintay daw ako. Okay fine! Edi maghintay yun naman ang ginagawa ko sa loob ng isang taon ang hintayin siya.
Kahit na ang ayaw ko sa lahat ay pinaghihintay ako!
Sabi niya e! Edi sige! Malakas siya sa akin at tsaka birthday niya nga diba?
After 15 minutes
Aba sobra naman na yata. Nakailang balik na rin si Kuyang waiter at nagtatanong kung isiserve na daw ba niya iyong pagkain pero nakailang tanggi ako. Alangan namang ako lang mag-isa kumain di ba?
"Kuya nasa lobby pa din ba si S-I mean si Jerome?"
"P-Po? Ah, hindi ko lang po alam Mam. Galing po kasi ako sa kitchen at restaurant hindi ko po madadaanan ang lobby kapag papunta po ako doon."
"Ganoon ba?" I sighed.
Hindi ko pa naman dala iyong phone ko and to think na nakatagal ako ng ganoon katagal kakahintay sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess (Edited Version)
Action"Blood makes you related, loyalty makes you a family."