Chapter 12

22.7K 331 25
                                    

Chapter 12

++Light++

"Ngayon na siya babalik di ba?" pabulong kong tanong kay Matt.

"Iyon ang sabi nila." Napatango-tango ako. Shet kinakabahan ako!

Ilang araw ding wala si Boss at sa pagkakaalam namin kasama niya si Kath.

Nangako kami na hindi namin siya guguluhin sa mga panahong magkasama sila ni Kath pero di pa rin namin naiwasang puntahan ang bahay ni Kath at tingnan kung ano ang kalagayan niya pero wala sila doon.

After naming makipagmeet sa kanila, doon namin na siguro na she's with one of the Goblin and to make it worst the 2nd in command, so we followed them and find out na kasama niya nga ang Goblin ng mga panahong iyon.

Noong malaman namin iyon nagkaroon kami ng kanya-kanyang opinyon, magulo kami. Sisihan dito, sisihan doon pero in the end hindi na din namin mababalik pa kung anoman ang nangyari.

We called Master and tell him everything saka niya sinabing hayaan nalang at babalik na din naman siya which also means na humanda kami kasi malalagot kami pagbalik niya.

"Anong gagawin ni Storm?" pabulong kong tanong kay Matt.

Takte kung ako naging dahilan ng pag-alis ni Boss parang di mapakali ang buong pagkatao ko sa muling pagkikita namin.

"Hindi ko din alam. Kumalma ka nga parang 'di ka mapaanak na bibe dyan."

Naexcite akong makita si Boss. Langya dalawang araw akong puro tanaw lang sa kanya. Si Matt kasi sabi maintain your distant kaya nagtiis akong di lumapit sa kanya. Miss na miss ko na siya.

."Anong oras daw siya darating? Bakit kasi hindi natin siya sinundo o kaya meet half way?"

"Chill ka lang dyan darating din iyon." sita sa akin ni Uno.

Napanguso ako at umupo nalang sa sofa. Why are they so chill about this?

"Boss!!"

Sh*t napatayo ako kaagad at napatingin sa pintuan and lo and behold she's here. She's really here.

Tatakbo na sana ako pero tinabig ako ni Storm at nauna ng lumapit kay Boss. I rolled my eyes. Edi ikaw na talaga malakas ang loob mauna kahit ang laki ng kasalanan mong loko ka!

"Hey" bati niya kay Boss.

AWKWARD! Parang may dumaan na uwak sa pagitan nilang dalawa.

Tinanguan lang siya ni Boss saka nilagpasan.

"Next time na aalis ka matuto ka namang magpaalam may mga taong nag-aalala sa iyo." madiin na pangaral ni Storm sa kanya na dahilan para mapatigil si Boss sa paglalakad.

"Storm!" saway ni Thor at umiiling pa.

Napatingin ako kay Boss ngayon. Napabuntong hininga siya.

"Got it." tumingin siya sa aming lahat. Walang nagtatangkang lumapit sa kanya. Ang seryoso kasi ng mukha niya ngayon as in parang kapag nagsalita pa kami masasapak na kami.

"Sorry kung pinag-alala ko kayo and Storm okay lang ako salamat sa pag-aalala. Akyat lang ako." Ang talim ng tingin niya saka dire-diretsong tinahak ang daan paakyat sa kwarto niya.

Nung nilagpasan niya ako feeling ko may malamig na hangin na dumaan sa gilid ko.

Napahawak ako sa puso ko sa sobrang kaba dahil sa takot, takte kaya ayaw naming nagagalit si Boss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's Princess (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon