Chapter 3Truly, Madly, Deeply
+++ Light+++
Sa wakas nasolo ko rin si Boss! Akala ko maghapon akong bigo daming ganap, daming hadlang pero ito go pa rin.
Nakahalumbaba ako sa kitchen counter habang pinapanuod siyang abalang-abala sa pagluluto. Napapangiti nalang ako para kaming mag-asawa. I know I look weird right now pero hindi naman masamang mangarap.
"What?" tanong niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Nakangiti akong umiling.
"I'm just enjoying the view."
"So I'm the view now?"
"Yup! A beautiful view."naiiling niya akong tinapik at mukhang awang-awa sa akin.
"Huwag ka masyadong magdididikit kay Thor ha? Hindi maganda, mas nagiging weird ka pa kay Matt! Alam mo kaysa kung anu-anong sinasabi mo tulungan mo ko, hindi iyong hintay biyaya ka lang."
"Ang sakit mo talaga magsalita sa akin Boss. I have feelings, you know?"
"Ay hindi ako inform. Sorry."
"Tagos!"
"Hindi ka pa ba immune?" Tingnan mo ito nagdadrama ako tinalikuran lang ako. Madalas talaga ang manhid nito.
Sige na nga mas importante ang pagkain.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Takte bakit ba ang bango niya lagi? Lahat ba ng babae mabango pa rin kahit lumipas na ang maghapon?
"Anong sabi ng pa hoody natin lamig na lamig ka?" pag-uusisa ko pero hindi niya yata ako narinig.
Sa tuwing dadaan siya sa banda ko naiiwan ang amoy niya at sa sobrang bango niya parang ang sarap-sarap niya tuloy yakapin parang nang-aakit pati iyong pabango niya.
"Boss!" tawag ko sa kanya.
"Ano? Makasigaw ang layo ko?" Lumapit pa ako ng konti.
"Can I hug you?" may paawa at pacute effect pa sana gumana.
Lumingon siya sa akin while showing the knife she's holding right now.
Napalunok ako at napahaplos sa leeg ko.
"Sabi ko nga wag ko ng subukan."
"Susumbong kita kay Kuya."
"Huwag ganun boss di na nga nakascore eh. Hindi talaga pwede?" baka sakaling makalusot.
She cut the freaking potato with a thud sounds and paused dahilan para kabahan akong muli. Wrong timing pa yata ang paglalambing ko.
"Fine."
"Ano?—"I didn't finish my question instead I run to her and hug her from the back.
D*mn! Hinigpitan ko pa ng konti ang yakap ko sa kanya. Parang ayoko na ngang kumalas kung pwede ko lang siyang itali sa bewang ko ginawa ko na talaga.
"Medyo napapatagal na. Baka naman..."Napanguso ako.
Ayoko talaga siyang bitawan pero tinapik niya na ang braso ko.
"Minsan lang maglambing eh." binitawan ko siya, kahit na labag sa loob ko. Nagcross arm ako at sumandal nalang sa likod ng kitechen counter habang pinapanuod ko siya. "But seriously nilalamig ka?"
"Medyo." saglit sinulyapan ang aircon napakunot ang noo ko.Sakto naman ang lamig, ito naman ang madalas na temperature ng aircon.
"Gusto mo bang taasan ko ang temperature?"
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess (Edited Version)
Action"Blood makes you related, loyalty makes you a family."