Sy Party

443 7 0
                                    

Today is the day for Sy. Ngayon na ang araw ng Birthday Party niya kaya heto ako ngayon sa harap ng salamin nag-aayos ng suit ko. 8:00 ang umpisa ng party at 7:30 na kaya medyo nagmamadali ako kasi susunduin ko pa si Cass, Yup! Tama po ang nabasa niyo susunduin ko siya hiniram ko muna kay Papa yung kotse niya ngayong gabi kasi hindi kami masusundo ni Sy. Alam niyo na siya ang Birthday Boy eh hahahaha!

Bumaba na ako at Naabutan ko sila Mama, Papa at Ate sa Sala nanonood ng kung ano man yon. Napatingin sila sa Direksyon ko papano kasi tumatakbo ako sa hagdan.

Nag-smile muna ako "Helloo~" Sabi ko pano naman kasi nakatunganga lang sila sakin. Alam ko namang pogi ako eh. "Tama na ang titigan baka malusaw po ako niyan at hindi pa ako makarating sa party ng bestfriend ko. Alam ko namang gwapo ako eh" Tinaas baba ko pa yung kilay ko habang nakangiti ng nakakaloko.


"At sinong nagsabing nagagwapuhan ako sayo?!" Pagtataray nanaman ng ate kong amazona. "Napapangitan lang ako sayo kaya nakatingin ako sayo. Malay ko kila mama at papa" Palusot niya at binalik ang tingin sa t.v


Tumikhim muna ako bago tumingin kila mama at papa at nakangiti na sila hanggang tenga. "Ayos po ba?" Tanong ko sakanila.


"Sabi sayo hon eh sakin nagmana yang si Am
Tignan mo ebidensya ang gwapo diba?" Pagmamayabang ni papa, Tumayo pa siya at Lumapit sakin saka ako inakbayan. "See, Hon?! Magkamukha diba?" Sabi niya habang magkadikit yung mga mukha namin.


Napailing nalang si mama "Oo na. Oh! Mag-iingat sa pagmamaneho Am ah. Gabi na." Paalala ni mama sakin


"Sige po ma, Saka wala pa nga po sakin yung susi eh" Napatingin ako kay Papa na nakaakbay pa rin sakin at nilahad ko yung palad ko.


Ngumiti naman siya at iniabot yung susi "Ingat kayo anak ah. Enjoy sa Party pakisabi kay Sy happy birthday!" Tumango na ako,at umalis para sunduin si Cass. Anong oras na siguradong sisigawan na ako nun.

Natanaw ko na agad si Cass sa labas ng bahay nila habang naka-cross arm siya. Isa lang ang pumasok agad sa isip ko. PATAY!


Pagka-Park ko sa Tapat niya lalabas na dapat ako para pagbuksan siya ng pinto pero agad na itong pumasok. Nakatingin lang ako sakanya naka-cross arm pa rin kasi ito.


"Oh? Ano hinihintay mo pasko? Malayo pa yun. Tara na!" Sinunod ko naman agad siya. Grabe lang siya no. Huhuhu!

"Sorry kung nalate ako." Walang tinging sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sakin.

"Sa susunod kasi agahan mo ha?! Hindi yung nag hihintay ako ng kay tagal!" Halos pasigaw na sabi niya. Dapat kasi 7:30 susunduin ko na siya kaso 8:00 ko na siya nasundo. Napasarap kasi yung tulog ko kanina eh. Sorry naman!

"Sorry na, Please?? Promise hindi na mauulit!" Nag-Puppy eyes naman ako sakanya. Sana gumana hehehe!

Inirapan niya ako "Siguraduhin mo lang, Kundi makakalbo na kita" Napatawa nalang ako sakanya, Ngumiti na siya.

Hanggang labas kita kung gaano ka-bongga yung party ni Sy. Marami ng tao sa loob.


Bumaba na kami ni Cass at Pumasok sa loob, Halos lahat ng nadadaanan namin ni Cass ay napapatingin samin.


"I told you. You look greatbat you suit! Tignan mo yung mga babae tumutula na yung mga laway nila kakatitig sayo. " Natawa naman kaming dalawa.


"Nasan ba si Sy?" Tanong ko habang inililibot ko yung mga mata ko. Bigla naman kaming may narinig na nagsalita sa mic kaya lahat kami napatingin sa stage.



Scary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon