CHAPTER ONE

1.2K 25 1
                                    


CHAPTER ONE

One year later

SUNOD-SUNOD ang pagkalabit ni Flan ng gantilyo ng baril. Lahat naman ng bala ay tumatama sa paper target kaya nasiyahan naman siya. Kasalukuyan siyang nasa isang indoor firing range sa Makati kasama ang kaibigang si Riki. Bukod sa hilig niya sa pagmomotor ay isa ang target shooting na ginagawa niyang pampalipas ng oras. He quitted his job almost two years ago dahil nagdesisyon na lang siyang umuwi sa Pilipinas at magtayo ng sariling detective agency at gun shop nang sa ganoon ay hawak niya ang sarili niyang oras.

"Wala pa ring kupas ah," puna ni Riki. Nag-unload ito ng baril at ipinatong ang magasin sa mesa ng shooting booth.

"Of course, iba talaga kapag champion." Pagyayabang ng binata.

"Maiba nga pala ako, kailan ka pupunta ng California? Kailangan na kasi nating maasikaso ang requirements at sponsorship para sa Monster Energy Cup," seryosong wika ni Riki. Ang tinutukoy nito ay ang isang international motocross competition na gaganapin sa Glen Helen Raceway sa California mahigit dalawang buwan mula ngayon. Nagdesisyon kasi ang buong club noong huling monthly meeting nila na sasali sila sa nasabing kumpetisyon dahil na rin sa pangungulit ni Ryder.

"Sa susunod na araw siguro. Isasama ko sana si Aven kaya lang busy na rin 'yon sa preparasyon ng kasal niya," napapailing na wika ni Flan. Tatlong buwan na ang nakaraan nang ianunsyo ni Aven na magpapakasal na sila ni Skyler.

Silang dalawa ni Aven ang unang nahikayat ni Riki na sumali sa Dirt Riders Club mula ng itatag iyon ng kaibigan. Hindi naman siya nagdalawang isip dahil hilig talaga niya ang motocross. Magkababata silang tatlo at magkaklase pa mula elementary hanggang high school. Nagkahiwalay lang sila nang pumasok sila sa kolehiyo. Pero sinisikap naman nilang magkita-kita kapag hindi masyadong abala at ang pagmomotor ang kanilang bonding. Sa ngayon at pito na silang miyembro ng DRC kasama sina Ryder, Sid, Satoaki, at Cole. Kasalukuyan pa silang naghahanap ng ibang maaaring sumali. Iyon ay kung makakapasa sila sa mga requirements na itinala ng samahan.

"Available naman sina Cole at Sid dahil narito sila ngayon. Si Satoaki naman abala sa Japan pero sabi niya may balak siyang dito na sa Pilipinas manirahan." Tinanggal ni Riki ang suot na baseball cap at itinabi iyon sa baril nito.

"Wala ka pa bang planong lumagay sa tahimik?" Gusto niyang masamid sa biglaang tanong ng kaibigan.

"Naghahanap naman ako ah, hindi ko pa lang talaga matagpuan." Natatawang sagot niya.

"Sabagay, dadating na lang 'yan kahit hindi mo hanapin." Tinanggal nito ang suot na protective glass at ear plugs.

"How about you, pare. Kumusta ang buhay may asawa?" tanong ni Flan sa kaibigan. He unloaded his gun nang mapansin niyang paubos na ang bala niyon.

"It's awesome! If I were you I will settle down as soon as possible. You are not getting any younger after all, baka nakakalimutan mong thirty-one ka na!" masayang wika nito na may bahid ng pasaring. Anim na buwan na ang nakakaraan mula ng ikasal ito kay Lei. Hindi naging madali ang love story ng dalawa ngunit sa huli nagkatuluyan rin.

"Tama ka. Dadating na lang 'yan, 'yong tipong unang tingin ko pa lang alam kong siya na!" Natawa ng pagak si Riki na halatang hindi kumbinsido. Alam kasi nitong maraming babaeng dumaan sa buhay niya pero ni isa wala pa siyang sineryoso. Ayon sa mga kaibigan niya masyado daw kasing mataas ang standards niya pagdating sa babae kaya nahihirapan siyang magkaroon ng seryosong relasyon. Pero para naman sa kanya hindi naman ganoon kataas ang pamantayan niya. Nagkataon lang sigurong hindi pa niya natatagpuan ang babaeng para sa kanya. Minsan tuloy gusto niyang magalit sa sarili dahil siya ang tipo ng lalaking madaling magsawa. Hindi naman siya nagmamalinis sa mga nagawa dahil aminado naman siyang marami siyang babaeng nasaktan.

Dirt Riders Club 3: Flan Montealegre (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon