CHAPTER TWO

833 15 2
                                    

CHAPTER TWO

NAISIPAN ni Flan na bumisita sa opisina ng kanyang detective agency at naabutan niya doon ang tiyuhin. Nakangiti itong tumayo mula sa swivel chair na kinauupuan nito nang makita siya.

"How's the office, Uncle Ben?" lumapit si Flan sa matandang lalaki at nagmano. Tinapik naman nito ang kanyang balikat.

"Mabuti naman, hijo. Malapit na ang graduation ng mga bagong agents natin." Nakangiting wika ito. Ang kanyang Uncle Ben ay nakatatandang kapatid ng kanyang ina at isa itong retiradong opisyal ng Philippine National Police. Nahawakan nito ang Crime Investigation and Detection Group noong nasa serbisyo pa ito. Ito ang taong unang pumasok sa isip niya nang magresign siya sa trabaho at nagdesisyon na magtayo ng sariling detective agency. Dito rin niya ipinagkakatiwala ang kanyang agency at katulong niya ito sa pagpapatakbo niyon. Magaling ang kanyang Uncle Ben kaya marami silang mayayamang kliyente. Hindi rin siya nag-aalala kahit bihira siyang pumasok dahil alam niyang hindi magpapabaya ang tiyuhin. Madalas kasing nasa gun shop siya at kung hindi naman ay kasama niya ang mga kaibigan at nag-a-adventure gamit ang kanilang mga dirt bike.

"Parang gusto kong mag-field ngayon, nakakamiss din ang matinding aksyon sa labas." Pagbibiro niya sa tiyuhin. Naupo siya sa harapan ng mesa nito at naupo naman ito sa kaharap niyang upuan.

"Marami tayong bagong kliyente ngayon. Anong project ang gusto mo?" seryosong tanong nito.

"Any detective work will do. Siguro mga good for one month lang dahil magsisimula na ang training namin para sa Monster Energy Cup." Alam din nito ang hilig niya sa motocross kaya suportado siya nito. Tatlo ang mga anak ng kanyang tiyuhin at lahat nasa Amerika na naninirahan. Tanging ang asawa lang nito ang kasama dito sa Pilipinas at ang pamamahala ng Hawk Detective Agency ang libangan nito.

"Meron dito hijo, gustong pasubaybayan ni misis ang asawang congressman dahil nanghihinala siya na may sidekick ang mister niya." wika ng matandang lalaki na binututan ng mahinang tawa.

Natawa si Flan at marahang umiling, "Naku Uncle, I can chase a drug mule pero huwag naman 'yong mag-stalk ako kay congressman para lang alamin kung sino ang kabit niya."

"I'm just kidding, ini-refer ko nga sa ibang agency. Masyadong mataas ang kalidad ng mga agents natin para lang sa ganoon na klaseng detective works."

"Mabuti naman ho," hindi niya maiwasan ang mapangiti. Totoo ang sinabi ng kanyang Uncle Ben, dumadaan sa matinding screening at training ang mga agents nila. At bawat isa ay delikadong misyon ang nakatalaga. Konektado ang detective agency niya sa gobyerno kaya hindi sila basta-basta kumukuha ng tao.

"Kung talagang seryoso ka na gusto mong mag-field. Ibibigay ko sa'yo ang mga files at pumili ka matapos mong pag-aralan." Suhestiyon ng matanda. Tumayo ito at lumapit sa file cabinet nito at may hinahap.

"Sige po Uncle Ben, pakisabi na lang kay Leandro na dalhin sa loob ng opisina ko." Ang tinutukoy niya ay ang tumatayong assistant ng kanyang tiyuhin, "Doon na muna po ako sa opisina," tumayo siya nang makita ang pagsang-ayon ng tiyuhin.

Dumeretso siya sa loob ng kanyang opisina. Kumpleto iyon sa gamit at malawak ang espasyo. Maya-maya pa ay pumasok si Leandro dala ang sangkaterbang white folders na may tatak ng logo ng Hawk Detective Agency sa harapan.

"'Eto na po sir ang hinahanap mo," inilapag ng lalaki ang dala nito sa kanyang mesa.

"Wow, ang dami naman n'yan." Napapailing na wika ni Flan. Mukhang ilang araw talaga siyang nawala dahil hindi niya akalain na madami na naman pala ang kasong hinahawakan nila.

Dirt Riders Club 3: Flan Montealegre (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon