Chapter 6(New Family??)

64 6 0
                                    

BELLE'S POV

"Uggghh"  Nagising ako sa isang madilim na lugar na tanging sarili ko lang ang nakikita

Tumayo ako at naglakad lakad para makita kung saka-sakaling may ibang tao....

Ng may naaninag akong isang lalaking nakatalikod sa akin ...Nang lalapitan ko na sya ay bigla syang nagsalita ng hindi humaharap sa akin.....

"hindi pa oras para ako'y iyong makilala binibini" sabi nya with an angelic voice ....

"huh sino ka ba? At anong ginagawa ko dito!?" sabi ko sa kanya habang papalapit pero mukhang hindi lumiliit ang distansya namin sa isa't isa....

"sinabi ko na sayo hindi pa ito ang tamang panahon.... Wag mo na rin akong subukang lapitan dahil walang silbi yan" grabe mukhang suplado sya pero nakakaakit talaga ang boses nya...

"eh anong ginagawa ko dito??" tanong ko sa kanya at kasabay nun ang paghinto ko sa paglalakad...

"andito ka dahil sa kailangan DAW kitang tulungang protektahan ang sarili mo"... Mukang may pumilit sa kanya ahh kasi parang galit sya dun sa DAW haha....

"huh bakit mo naman ako tutulungan na protektahan eh wala naman sigurong gustong pumatay sakin ah" pero parang nababagot na sya makipagusap sakin....

"hind ko kailangan sagutin ang lahat ng tanong mo tao ka lang ...... At ito lang ang magagawa ko sayo dahil mukhang maaga pa lang ay naturuan ka na .... Ngunit hindi mo matandaan...." pagkatapos nya sabihin yun ay lumiwanag sya....

Humarap sya at pumunta sakin dahil na rin sa liwanag hindi ko maaninag ang mukha nya.... Ngunit isang bagay ang tumatak sakin ang kanyang gintong buhok

Tinuro nya ang noo ko sabay labas ng iba't ibang kulay ng liwanag....

"aaaaaaahhhhhhh!" sigaw ko sa sobrang sakit dahil parang may pumapasok sa loob ng ulo ko ....

Iba't-ibang imahe na rin ang nakikita ko na pamilyar ako ....

"tandaan mo wag ka masyado magtitiwala sa mga magiging kaibigan mo sa academy dahil di lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan.... Tanging isang tao lang dapat ang iyong pagkatiwalaan dahil sya lang ang makakatulong sayo...." pagkatapos nya yung sabihin ay nawalan na ako ng malay dahil sa sobrang sakit pero may mga bagay na alam ko na sa ngayon at kung paano ko mapoprotektahan ang sarili ko....

---------

"ano ka ba Darrel sabing ako ang uupo dito eh" wika ng isang lalaki....

"hindi ako ang uupo sa may tabi nya" wika ulit ng isa pang lalaki...

"ughhh" sabay mulat ng mata at ang una kong nakita ay ang kulay puting ceiling....

Tapos lumingon ako sa gawing kanan ko kung saan may maiingay....

"guys musta" sabi ko sa kanila habang umuupo sa bed ko ...

Sabay bitaw nila ng upuan na pinag-aagawan nilang dalawa ....

"ah eh Belle gising ka na pala...." wika ni Michael na mukhang napahiya at medyo namumula...

"nagising ka ba namin??" tanong naman ni Darrel na parang natatakot...

"oo narinig ko ang sigawan nyong dalawa eh" tapos parang natakot bigla sila

Booogsssh-- tunog ng pinto na sumara...

Sabay-sabay kaming lumingon sa pumasok at si Ate lang pala na nanliliksik ang mata habang nakatingin sa dalawa....

"mukhang may nang istorbo sa iyo ah Belle sabay tingin ulit sa dalawa..." naku si ate Marife talaga nakakatakot talaga sya... Kahit kelan.....

My Sunlight is Your MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon