Chapter 16(Tuner Test Part 2)

30 5 0
                                    


BELLE'S POV

*Booogsh!*

"Aaah!" sigaw ng isa sa mga kaibigan ko na naglalaban hindi ko rin makita kung kanino nanggaling ang pagsigaw dahil pareho silang natabunan ng alikabok dahil sa pagsabog na nangyari hindi ko rin alam kung san nagmula ang pagsabog dahil sa pagtakip sa paningin ko ni Jacob.

"Damn, I didn't expect that attack from them!" narinig kong bulong ni Jacob habang nagmamasid sa paligid na animoy may kalaban.

"What are you talking about?" tanong ko sa kanya dahil parang may alam sya.

"You don't care; I think Glydel is hurt so better you go there." Tugon na sya sakin habang nakatingin sa gitna na ng field.

Nakita ko naman na parang biglang naalis ng alikabok sa paligid marahil ginamit ni Jacob ang ability nya para mataboy ito.

"Fine! Whatever!" sabay takbo papalapit kay Darrel na inaalalayan si Glydel na nakahiga. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang paglipad ni Jacob gamit ang pakpak nya

Nakakainis kung wala sana kami dito baka nasense ko ng mas maaga ang pag atake hindi sana nasaktan si Gly.

Hindi ko maramdaman ang presensya ng iba sa paligid. Nakakainis ano bang klaseng lugar to.

"Darrel ayos lang ba sya?" tanong ko sa lalaking umaalalay sa aking kaibigan.

"bukod sa mga galos nya ayos lang sya nawalan lang sya ng malay dahil sa impact malaki rin ang naitulong ng kakayahan nya para protektahan sya." Mahabang paliwanag ni Darrel

"buti naman, ano ba ang nangyari? bakit nagkaroon ng pagsabog?" tumingin muna sya sa walang malay na dalaga bago sumagot.

"sa tingin ko may mga nakapasok na hindi kasali sa game, at kung hindi ako nagkakamali mga Dark Guardians ang umatake samin habang kami ay naglalaban" nakita ko ang galit sa mata nya habang sinasabi ang mga gumawa

"pero wala naman ako nakitang umatake sa paligid matapos ang pagsabog?" wala naman kami nakita na tao sa paligid matapos ang pagsabog

"dahil sadyang may bomba ng nakatanim sa lugar na ito marahil isang Bomb User ang gumawa kaya hindi naming napansin at nagkataong si Glydel ang nakapagtrigger ng bomba kaya sya rin ang naapektuhan" habang hinahaplos niya ang pisngi ni Gly at dahan-dahang hinihiga sa damuhan. Napansin ko ding marami rin syang maliliit na galos sa katawan naapektuhan din siguro ng pagsabog. "Saan nagpunta si Jacob?" sunod na tanong nya

"hindi ko alam sa palagay ko naghihinala rin syang may nakapasok na hindi kasali kaya pinaalis nya ako at sya naman ang tumugis sa kanila" habang tinitignan ko si Gly

"papunta na rin siguro ang iba, sigurado akong narinig nila ang pagsabog dahil hindi ordinary ang lakas nito" malumanay na sabi nya habang umuupo sa gilid ni Glydel.

"sana lang bilisan nila dahil hindi rin natin alam ang pwedeng manyari sa atin dito, wait lang di ba binabantayan tayo ng Academy nasan na sila?" dahil bago magsimula ang game nakita ko ang mga ginawa ng staff ng Academy, gumawa sila ng parang mga monitor kung saan makikita ang bawat lugar kung saan may naglalaban.

"hindi ko din alam kug ano ang nangyari dahil dapat ay nateleport na si Glydel papuntang Academy nung mawalan sya ng malay." Oo nga hindi rin naalis si Gly sa game. Siguro ay may pumutol sa koneksyon namin sa Academy.

"Darrel ano bang lugar itong pinagdausahan ng Test?" dahil nararamdaman ko na di lang to ordinary o bukod sa hindi ako makaramdam ng presensya sa lugar ay kapag may nasisira sa lugar ay agad itong bumabalik sa dating anyo na parang walang nangyari, napansin ko lang to kanina matapos ang pagsabog dahil agad nabuo ang crater na ginawa ng pagsabog.

My Sunlight is Your MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon